Chapter 12
(Shiloh's POV)
"Alam kong mas nirespeto mo ako at pinahalagaan higit kanino man. Tingin ko higit pa sa ginawa ni Rye. Sorry kasi hindi ko man lang nasabi sa'yo na salamat. At hindi ko man lang pinadama sa'yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Salamat Shi. Dahil tinanggap mo ang isang walang kwentang asong galang katulad ko."
Gagang 'to. Nagmumukha naman akong lalaki sa sinasabi niya. Pero parang may naramdaman akong kakaiba nung sinasabi niya 'yun.
"Gaga. Ano pa ba ang magagawa ko? Eh di tanggapin ang isang asong galang tulad mo. Sa pederasyon ng mga katulad mong asong gala."
Ano ba yan! Tama bang sa aso icompare ang aming mga self? Gaga talaga 'tong bestfriend ko eh.
Sa wakas, ngumiti na rin siya. Mas gusto ko siya kapag ganyan siya. Like duh? Ang hirap kaya kapag may kasama kang parang pinagbagsakan ng langit at lupa. May kasama pang impyerno. Saan ka pupunta? Sa Amerika. Hala! Tinotopak na naman ako. Nakakaloka.
"Tara sa 7Eleven. Gutom na ako eh. Ginugutom ako sa kadramahan natin."
"Sige. Shi?"
"Hmm?"
"Thanks." Sabay yakap nya sa akin. Woah! Nabigla ako dun ah. Tumibok yung puso ko.
Ano yun?
Pero mas nabigla ako sa nakita ko. Si PAPA HUNKALICIOUS AIDAN KO! Hindi lang puso ko ang tumibok! Pati ang kaluluwa ko nagtatatalon! At take note! Nakatingin siya sa amin.
Ohh. Naku baka akala nya kami ni?
MY GAWD! No Papa Aidan. Ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko at kaluluwa.
"Hoy Shi! Tara na! Gusto ko mag-gulp ngayon."
Inalis ko naman yung pagkakayakap sa akin ni Sha. Tiningnan ko siya at tumingin ako sa posisyon kanina ni Papa Aidan.
Wala na siya.
"Ano bang tinitingnan mo d'yan?"
"Wala. O ano tara na. Ang mahuli sa 7Eleven manlilibre."
"Game!"
At 'yun nga nagtakbuhan na kami ni Iexsha na parang mga tanga. Sana lagi na lang ganito. Wala kaming paki sa paligid namin.
Walang nananakit parehas sa amin.
Natapos ang aming race at as usual, panalo ako.
"Ah ah. Kawawa naman ako. Huhuhu!"
"Sha, ang usapan ay usapan."
"Oo na. Hay, kailan ka ba magiging gentleman?"
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Hahaha! Alam mong hindi ako magiging ganun."
"Oo na. Oh, anong iyo?"
"Gatorade."
At kumuha na siya. Parehas kami ng kinuha.
Nung nasa counter na kami.
"Wala na ba talagang-?"
"Wala na. Usapan ay usapan."
At may pag-pout pout pa siyang nalalaman. Gagang 'to. Hindi uubra yan sa beauty ko.
At 'yun nga, lumabas na kami ng 7Eleven. Inihatid ko siya sa paradahan ng jeep. Mahirap na at baka kung saan pa sumuot ang bruhang ito. Habang naghihintay kami ng jeep, tinitingnan ko siya at dun ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang pakawalan ang asong ito.
Hindi ko kayang makitang nag-iisa siya.
Well, kahit bakla naman ako lalaki pa rin ako at ayoko nakikitang umiiyak ang isang babae.
Lalo na kung ang babaeng 'yun.
Ang unang tumanggap ng kung ano ako.
"Sha."
"Hmm?"
"Huwag mong kalimutan na hindi ka na nag-iisa. Hindi man ako ang Knight in shining armor mo o ang prince charming mo, ako pa rin ang Fairy Godsister mo!"
At humagalpak kami sa katatawa. Ang ganda ng banat ko no?
"Pero seriously Sha, hindi mo alam ikaw ang unang tumanggap sa isang asong galang baklang katulad ko."
Ngnitian niya lang ako.
Ayan! May tumigil ng jeep.
"Eh sino pa ba ang magdadamayan? Eh di tayo ding mga asong gala!"
At sumakay na siya ng jeep.
Dun ko lang napagtanto.
Walang hiya.
KINOMPARE KO ANG BYUTI KO SA ASO?!
EWW!
BINABASA MO ANG
Imperfectly in Love (Complete)
Teen FictionFYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a wh...