Chapter 7
Awa naman ni Lord, tamad ang teacher ko sa Calculus kaya wala kaming ginawa. Sa Thursday na lang daw kami magsisimula.
Maganda na sana buhay ko sa Calculus kahapon kaso lang 'yung asungot kong katabi wala ata mapagtripan kundi ako. Alam niyo ba? Hindi ko na maintindihan kung anong ugali ng Aidan na 'yan. Nung nasa capilla at 7Eleven naman kami, kahit nakakaasar siya, medyo mabait naman siya. Pinahiram pa nga niya ako ng payong at panyo di ba? Ngayon naman, saksakan ng – naku! Alam niyo ba 'yung titingnan ka tapos ngingisian ka? Pagtinanong ko naman siya kung anong problema niya, isa lang ang sinasabi nya, "Wala..may naalala lang akong isang weirdong nagconfess ng kanyang mga napakagandang kasalanan"
Naku, kung hindi lang lagi nakatingin sa amin ang prof naming, nabatukan ko na siya. Kaya naman kaysa madagdagan ko pa ang mga kasalanan ko, gagawin ko na lang ang una kong plano: ANG DEDMAHIN SIYA NG BONGGANG-BONGGA!
Kaso wala ata sa plano ng lalaking ito ang magpatalo.
Flashback
Nakaub-ob ako ngayon. Wala akong makausap. Si Jhas kasi ay kausap si Marriel. Ayoko naman kausapin si Aidan, baka makapatay lang ako ng Kwago.
Boink! Boink!
What the-?!
Pagtingin ko sa tabi ko, mga binilog na papel. Tingin sa likod, wala naman. Umub-ob ulit.
Boink! Boink! Boink! Boink!
ARAY KO!
Lingon ulit, wala naman. Teka, nakakahalata na ako ah! Geh. Huli na 'to, isa pa. papatay na talaga ako.
Boink!
Boink!
Boink!
Boink!
Boink!
Boink!
Boink!
Boink!
Boink!
GRR!
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Tama nga! Ang magaling na si Aidan ang nambabato sa akin.
"ANO BA ANG PROBLEMA MO?!"
BINABASA MO ANG
Imperfectly in Love (Complete)
Teen FictionFYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a wh...