Chapter 18
DIYOSKO! Sa lahat ng tao sa classroom na ito bakit si Aidan pa?
Wala akong nagawa. Pumunta ako sa tabi niya. Oo, ayos na kami. Pero duh. Syempre ang tagal din naming walang connection. Tapos dun pa sa isa sa mga pinakamasaklap na parte ng buhay ko saka pa siya ang magiging partner ko. Lagi na lang pansin ko! Kaasar naman eh.
Nakatingin lang sa akin si Aidan. Ningitian ko na lang siya pero alam ko nagtataka siya kung bakit nanginginig ako. Pero nananatili lang siyang tahimik at mas gusto ko 'yun. Ayaw ko na malaman niya na ang palaka at ako ay hindi talaga pwedeng maging friends.
'Yun na nga, binigay na ni Miss ang isang garapon na ang laman ay ang pinaka-ayaw kong creature ni Lord. Pagkakita ko pa lang nu'n parang nagtayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan. Nakatingin sa akin yung palaka! Tinalikuran ko na lang 'yung palaka. Ayaw ko makita talaga ang palakang ito!
"Uhm, Aidan, p'wedeng tagasulat na lang ako?"
"Huh? O sige."
Wew! Ayos, lalayo talaga ako.
Pinikit ko na lang ang mata ko. Waaah! Naririnig ko 'yung paghuhuli niya dun sa palaka. Diyos ko! Ayaw ko po talaga ng ganito.Ayaw ko sa palaka!
"Uy, paano mo ito susulatan ng report kung nasa dulo ka at nakapikit?"
"Ahh.. Ehh.. Uhmm.."
Bago pa ako makaimik eh hinila na niya ako.
O_O
O_O
At nakita ko ang kinatatakutan kong bagay.
ISANG PALAKANG NAKATIHAYA. MAY PIN ANG DALAWANG KAMAY. PARANG HINIHINTAY NA ANG SISINTENSYA SA KANYA!
"Ikaw na ang maghati." Sabi ni Aidan sa akin.
NO!
Pinikit ko ang mata ko at tumalikod, "Ikaw na lang."
"Hindi. Ikaw dapat."
"Pero..."
"Huwag mong sabihing –"
"OO! Takot ako sa palaka. Kaya parang awa mo na, ikaw na ang gumawa."
Tiningnan ko siya nun. Takot talaga ako. Siguro nabasa niya 'yun kasi una kong tingin eh asar na siya pero nung makita niya 'yung natatakot kong reaksyon kumalma na siya.
"Sige, ako na ang bahala."
Umisod ako at siya na ang gumawa. Sinulat ko lahat ng sinasabi niya na hindi tumitingin sa ginagawa niya. Madali kaming natapos. Hilong-hilo na ako. Kasi alam ko yung amoy ng palaka. Akala ko okey na ang lahat.
Kaso hindi pa pala.
Dahil ilang sandali lang, may lumitaw na isang bagay sa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin. At nakatingin lang ako sa kanya.
At dun lang nag-sink sa utak ko ng patalon na siya sa akin.
"PALAKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
sumigaw ako ng to the highest level! Iniwasan ko yung tumalon na palaka! Alam ko. may natamaan akong matigas na bagay. Actually, binangga ko 'yun. Wala na akong paki kung ano man 'yun. Umiiyak na talaga ako nun. Nanginginig na 'yung buong katawan ko. Pumikit na lang ako. Wala akong paki kung pinagtatawanan ako. Wala akong paki kung maartehan sila sa akin. Wala nang alam ang katawan ko nun. Nanginginig na ako.
Namalayan ko na lang.
May dalawang matipunong brasong yumakap sa akin.
Pagtingin ko.
Sinalubong ako ng dalawang mata na kulay asul, mga matang nag-aalala.
At dumidilim ang paningin ko.
Wala na akong naalala sa mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Imperfectly in Love (Complete)
Teen FictionFYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a wh...