Chapter 2

13.3K 313 10
                                    

Chapter 2

(The Pari "Kuno" POV)

A/N: Minsan lang ako gagawa ng point of view ng isang guy. As in, ang hirap kaya. Hahaha!

Ilang oras bago dumating ang ating bida sa capilla..

SHE BROKE UP WITH ME!

Damn her!

Bakit?! Wala akong nagawa?!

F*CK!

Ang galing naman niyang makipag-break. Sakto pa. Guess what, 5th anniversary namin! Leche! Matagal na pala niya akong iniiputan sa ulo! Ang laki kong TANGA!

Buti na lang at hindi ko siya nasaktan nung oras na 'yon. Buti na lang at nasa tagiliran kami ng capilla dahil kung hindi...

Kailangan ko ng lugar na mapupuntahan. Tama, sa may kumpisalan. Tutulog muna ako. Wala naman makakapansin sa akin dun.

Kailangan ko ng pahinga, baka makapatay pa ako ng tao kapag hindi ako umayos. Pumunta ako sa kumpisalan at natulog.

Ilang oras ang nakalipas, naalimpungatan ako kasi may parang papunta dito. Kailangan ko ng umalis pero bago pa ako makaalis, "Father.."

Hala, napagkamalan pa akong pari!

"Father! Ang dami ko pong ikukumpisal! Waaaahhh! Father, hindi ko na po kaya! Father.. Huhuhu! Binitawan ko na po sya. Ang taong tingin ko po ay mahal ko po. Father.. Hawak ko na po pala siya. Hindi ko po alam na may nararamdaman po siya sa akin. Father, ang laki kong tanga para magpakamanhid. Tapos kung kalian handa ko na po sabihin sa kanya, saka ko po nalaman na may gusto na siyang iba. Father! Ang sakit po. Ang sakit-sakit. Para pong pinipiga ang puso ko."

Iyak siyaa ng iyak. Naawa naman ako. Masakit nga iyon. Wala akong masabi.

Biglang may ipis!

HOLY COW! Ayaw ko ng IPIS!

Pigilan mo ang sarili mo. Huh, inhale, exhale! Hay! Buti lumayas yung ipis!

"Father! Ang dami ko po kasing ginawang kasalanan simula pa ho ata elementary. Mas lalo po ngayong college. Grabe! Tulad ho noon, may kaklase po ako nung elementary. Dahil po sa sobrang arte niya nilagyan ko po ng epoxy at pintura yung buhok nya. As in! Na feeling niya naman pang-commercial ng shampoo. Tapos po, dahil doon nagpa-kalbo siya. Hahaha! Hindi ko nga po alam kung tutubuan pa siya ng buhok. Naku Father, hindi po ako nagsisisi nung ginawa ko yun. Paano ho kasi ay pinaiyak niya po yung isa naming kaklase porke't ho ba tahimik yung tao ginaganun niya?"

Ano ba namang klaseng babae ito?

"Tapos po nung elementary, sinira ko po yung TV namin kasi nabibwisit ako dahil hindi ako makapanuod ng anime. Hay naku, Father, kainis nga ho at hindi maintindihan sa amin na naadwa ako sa mga masyadong girly stuff. Oi, Father, don't get me wrong ha? Babae po ako. Hindi nga lang po yung normal na maarteng babae. Tapos po nung first year highschool po ako, yun po yung pinakamalala. Sinira ko po yung cp ng aking ina dahil nabibwisit ako at hindi po ako pinayagan na mamiesta sa mga kaklase ko po. Gusto ko lang po kasi pumunta gawa ho ng kailangan po kasi niya ng tulong. Naghiwalay na po yung parents niya. Tinuro ko pa po yung pinsan ko na may gawa. Halos mag-away na nga ho ang aking ina at aking tita na ina nung pinsan ko po eh. Buti na lang po at napag-ayos ko po sila na hindi po ako nabubuking."

Ayos ah! Yaeh ng mag-away ang pamilya, masamahan lang ang kaibigan. Kakaiba talaga.



"Tapos po noon din po, nagbreak yung kuya ko at girlfriend nya dahil ho sa akin. Gawa ho na niloko ko po yung girlfriend niya. Nagpanggap po akong girlfriend ni kuya. Ayun ho nakipagbreak at hanggang ngayon po ay hindi pa po sila nag-uusap. Buti nga po at may girlfriend na po siya ngayon. Father! Nung 4th year po, muntikan na po akong makick-out gawa po na nagvandal po ako ng kung anu-ano sa kotse ng butete naming principal. Paano ho ba naman kasi, nilalait na po niya yung klase namin. Lagi na lang ho kami sinisisi sa mga hindi namin ginawa. Naku po, naaalala ko na naman yung buteteng yun! Asar! Ayun ho, gumana ho ang aking creative mind at nagdrawing po ako ng butete sa kotse nya. At Father, nakalusot po ako nun. Sinabi ko po na sa isa po akong piping saksi at hindi ako yung may sala. Ayun po, abswelto po ako."

Makalait naman ang babaeng ito sobra-sobra. Parang hindi naman ito nagkukumpisal. Proud pa sa mga ginawa nya..

"Tapos po dati din, halos patayin ko na po yung girlfriend nung friend ko. Eh grabe naman po kasi ang landi. May balak pa nga po akong iblackmail siya sa friend ko gawa ho ng may nakuha akong mga ebidensya na niloloko niya ang friend ko. Kaso bago pa po ako makapagblackmail eh nakita na siya ng friend ko. Kaya nagbreak. Buti nga. Hahaha. Kaso mali pa rin po ako. Hay. Hindi ko na po kaya."

Hala, masyado naming madaming ginawa yung babaeng ito. Hindi ko alam kung mapapatawad pa siya ni Lord. Dinaig pa ako eh. Kung sabagay mabait ako eh. At kaya nga sa sobra kong bait, niloko ako ng girlfriend ko.

Ayan, nalungkot na naman ako. Naku! Nakalimutan ko! May kasama nga pala ako.

"Ituloy mo lang."

Susme! Buti at matino yung pagkakasabi ko!

"Father! Ngayon pong college. Huhuhu! Ako po yung dahilan din kung bakit nagbreak yung kaklase ko at yung boyfriend niya. Naku Father, mali po yung iniisip niyo. Hindi po ako ganung klase. Tinuruan ko lang po ng leksyon yung mukhang susong nagitlang yun. Niloloko niya po yung kaklase ko! Kitang-kita ko po 'yun kaya po sinuntok ko po yung lalake at kinaladkad ko po yung kaklase ko para makita niya kung paano siya lokohin. Alam ko pong napakapakialamera ko po pero 'yun po kasi ang alam ko pong nararapat. Nanulad po ako, nagpatulad, nagbigay ng leak para lang po makapasa yung mga kaklase ko. Ang dami pa po! Halos lahat po ng problema sa aming klase ako po yung may gawa. Wala pong may alam, kayo lang po, ako, at si Lord."

Naks, natuwa naman ako. Kahit papaano eh may parte ako.

HALA! Nga pala, hindi ako tunay na pari. Yari na.

"At ang pinakamalala na po, may class presentation po yung klase namin. Pero may nalaman po ako sa props po naming kaek-ekan kaya sinira ko po. Bakit po? Nalaman ko po kasi na yung mga feeler na malalandi sa klase naming ay ipapahiya yung bida na kaibigan ko po sa pamamagitan nung mga props. Basta po. Eh kesa mapahiya po 'yung kaibigan ko po, sinira ko na lang. Alam ko po mali po yung ginawa ko pero yun lang po yung naisip ko po. Ayaw ko din po naman na lumala ang gulo kaya po 'yun na lang po ang ginawa ko. Father, wala pong nakakaalam po nito kundi kayo. Sorry po at salamat po. Medyo gumaan ang pakilasa ko."

Buti naman at nakatulong ako..

Hanga ako sa kanya, nasabi niya lahat ng iyon. Kung tutuusin 'yung iba sa mga sinasabi niyang kalokohan eh para sa ikakabuti naman o kaya eh may magandang intension.

"Mahal ko ho talaga ata siya eh. Gagawin ko po ang lahat para sa kanya kahit hindi nila maintindihan kung bakit ko sya mahal. Sabi nila tanga daw po ako."

"'Wag mo silang pansinin. Ang importante nagmamahal ka. Mas importante 'yun kaysa sa sinasabi nila. Masakit man 'yan sa una pero unti-unti matatanggap mo rin 'yan. Kung siya ang para sa'yo, siya talaga."

Akalain mong nasabi ko iyon! Pero ngayon ko lang napagtanto na swerte pa rin ako. Bakit?

Kasi alam ko, kahit papaano minahal ako ng girlfriend ko. Eh siya? Napilitan pang isali ang karma sa pagiging broken hearted niya.

Pero kahit ganun...

GALIT PA RIN AKO SA EX-GIRLFRIEND KO!

"Fathe-"

"Ineng, anong ginagawa mo dyan?"

PATAY KANG BATA KA!!!!

"Ho? Akala ko po-"

"Gabi na ah. Bukas ka na lang mangumpisal, walang tao dyan. Sige ineng, una na ako."

HALA! PAANO YAN! BUKING NA AKO!

Naramdaman kong palapit na siya.

Kailangan ko ng lumabas.

1...

2...

3...!!!!

Pagkalabas ko, nakita ko na ang gulat na gulat na mukha ng babaeng napagkamalan akong pari. God! Kulang na lang lumuwa ang mata niya! Ginulat ko ata talaga siya. Pero kita ko pa rin yung bakas ng pag-iyak nya.

Si Sydney kaya, iiyakan din nya kaya ako ng ganyan?

Imposible. Kaya pa.

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon