Chapter 17

5.8K 102 5
                                    

Chapter 17

Nung sinabi ko na ayos na kami ng kwago, isa lang ang ibig sabihin nun, wala ng away na nangyari. As in silent.

Meaning hindi kami nagpapansinan. As in wala talagang communication. Hindi na niya ako kinulit at hindi na rin ako nadadapa na siya ang nakakasambot. Pero seriously, isa lang ang masasabi ko.

Tahimik na ang buhay ko.

Kaso ang boring.

Sa sobrang boring nga hindi ko na namalayan na malapit na mag-midterms. Lumipas ang halos dalawang buwan na hindi na kami nagtalo. Kaklase ko pa rin silang dalawa ng magaling niyang ex sa General Biology. Hindi na naman ako ginugulo ni Wig Girl. Siguro dahil natatakot siya sa circle of friends ko. Obviously home section ko ang klase niya. Mayayari lang siya sa amin kapag umepal pa siya. Minsan nagpaparinig pa rin siya pati si Shiloh dinadamay niya. Kesyo daw walang taste ang kaibigan ko. Baduy. Cheap. Sari-sari pa. Susugurin ko na sana kaso sabi ni Shi huwag ko na lang daw pansinin. Pasalamat talaga siya! Si Aidan naman. Ayun laging nasa likod, dinidikitan pa rin siya ni Wig Girl. Kaso tingin ko eh gusto lang niya na ipamukha sa mga kaklase naming na may crush sa kwago na kahit break na sila. Kanya pa rin ang kwago. Ayun, hindi siya pinapansin ni Aidan. Pero alam ko at sa tingin ko nahihirapan na rin si Aidan. Obvious kasi na mahal pa niya yung Wig Girl na 'yun. Kaso tingin ko, ako lang ang nakakapansin o baka naman ako lang talaga ang may paki. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit may paki pa rin ako sa dalawang 'yun. Siguro kasi enemy ko 'yung Wig Girl at si Aidan? Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit. Ah, baka kasi pakialamera lang talaga ako.

Seatmates pa rin kami sa Calculus pero hanggang dun lang 'yun. Kasi as usual wala na rin ako sa wisyo para intindihin pa siya pagdating ng Calculus. Tulala na lang ako at pinipigilan ang ilong ko na magbleed. Plus wala pa ako pinapasa sa quiz ko. Samantala itong katabi ko, susmiyo! Pineperfect ang exam! Kumbaga sa kanya para lang siya kumakain ng gummy worms. Ako ata ay daig pa si darna. Kasi ang pakilasa ko kapag exam eh nilulunok ko ang bato niya. At hindi 'yung mismo 'yung bato niya, 'yung lola ng bato nya! Meaning kasing laki ng bowling ball ang nilulunok ko ng walang kagatan! Ganun kahirap ang Calculus sa akin at magmimidterms na actually. Thursday na ngayon at next week na ang exam. Kinausap na ako ng prof ko sa Calculus. Kapag hindi daw ako naka line of 9 sa exams, baka ito pa ang maging hudyat ng pagkawala ko sa scholarship program.

"Jhas, tulong naman. Imposibleng makaline of 9 ako sa Calculus. Problema ko na nga ang Accounting, dadagdag pa ito." Halos magmakaawa na ako kay Jhas.

"Naku, hindi rin ako kataasan sa Calculus eh."

"Ano na ang gagawin ko?"

"...."

"Jhas?"

"Sandali, nag-iisip ako."

Hindi ko na siya kinulit. Wala talaga akong maisip na solusyon sa malaki kong problema.

"AHA!"

"Ano na? Dali?"

"Gagawin mo naman ang lahat para makapasa ka lang diba?"

"Natural. Tanong ba 'yan?"

"Sure ka?" Ay ang kulit.

"Oo. Spill na dali!"

"Uhm, magpaturo ka nga."

"Natural. 'Yun 'yung solusyon. Alangan naman na kuhanin ko ang test paper at gumawa ako ng leakage."

"Diba gawain mo naman 'yun?" Binatukan ko nga.

"Shh! Huwag kang maingay. Nagbagong buhay na ako no!"

"Fine. Ang kailangan natin ay isang magaling na teacher."

"Sino nga?"

At 'yun, habang naglalakad kami tinuro niya ang taong huli kong hihingan ng tulong if ever.

"NO WAY!"

"Well, wala ka ng choice."

"Ayoko!"

"Bahala ka. Ikaw din ang mawawalan."

"FINE!"

Gods! Anong gagawin ko?!

Paano ako hihingi ng tulong kay Aidan?

Fast forward

Eto na. Friday na. Meaning, last chance ko na sabihin este magmakaawa na turuan niya ako sa Calculus at hanggang ngayon wala pa rin akong plano kung ano ang gagawin ko. Ano kaya kung bigla ko na lang siyang hilahin at lumuhod para turuan niya lang ako? Ang pangit. Para akong tanga nun. Eh kung takutin ko siya? Sandali, parang diba dapat mas matakot ako dahil alam niya ang aking DS (darkest secrets)? Alah, bahala na.

Well, andito ako sa Biology Lab ngayon. Sabi ni Miss, ito na daw ang isa sa mga extremes sa mga experiment namin. Wala pa ang magaling kong lab partner. Nakaupo lang ako at nag-iisip ng plano. Problema ko pa rin kasi ang Accounting ko. Isa pa 'yun. Hay.

Hindi ko namalayan na nasa harapan na ang prof namin at wala pa rin ang bakla kong partner!

"Class, marami na kayong na-disect like birds, worms, rats at kung anu-ano pa. Kaso ang lahat ng 'yun ay pagka-disect eh iniiwan na lang natin at nilalabel lang natin ang description. Ngayon naman idi-disect natin ang pinaka-common sa lahat."

F*ck! 'Wag mong sabihing, "Tama ang nasa isip niyo class. Magdidisect tayo ng palaka!"

Patay kang bata ka!

SHILOOOOH!

"At hindi lang basta pag-di-disect. Dati kasi since hindi naman niyo ito major o linya patay na hayop ang pinapadisect ko sa inyo. Ngayon, fresh na fresh na palaka ang ibibigay ko."

Namutla ako.

IBIGAY NYO NG LAHAT SA AKIN WAG LANG PALAKA! MAY PHOBIA AKO DUN!

Shiloh, asan ka ng bakla ka! Ikaw ang pagagawin ko nito!

Tiningnan ko ang phone ko at may nagtext.

Msg. from Shiloh:

Sha, sorry hindi ako makaka-attend ng class. Masama kasi ang pakiramdam ko. Ikaw na ang bahala kay Miss. TY!!!

At kung namutla ako kanina mas namutla ako ngayon.

ANONG GAGAWIN KO?!

Okay, Iexsha. Inhale, exhale. Baka dahil wala kang partner excuse ka na. O worst wala siyang paki at kaw lang ang paggawin niya.

Naiiyak na ako.

Hindi ko talaga kaya ang mga palaka.

"Miss," Nagtaas na ako ng kamay, "wala po ang partner ko. Paano po 'yan?"

Mukhang nag-isip si Miss.

Sana po, sana po i-excuse na niya ako. Please, Lord.

"Ayos lang 'yun. Kaya mo naman atang mag-isa eh?"

Patay.

"H-hindi po."

"Oh sige, ipapartner kita sa iba."

Siy a na lang ang pagagawin ko ng OPLAN: PAGBIYAK NG PALAKA.

Ayun nga, tumingin si Miss sa listahan.

"Isa lang naman ang walang partner sa Biology class na ito. Siya na lang ang maging partner mo."

Lumingon ako sa paligid. Lahat naman sila may partner.

Pagtingin ko sa likod ko.

O_O

O_O

Wag mong sabihing-

"Ang magiging partner mo ay si Mr. Aidan Genesis Hazuell."

Oh HINDI!

m��R�Oz

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon