Chapter 16
Oh, gods. Ano 'to?!
Tiningnan ko lang siya nun.
Tama.
NGITING DEMONYO PA RIN ANG NAKIKITA KO!
At 'yun nga, tinalikuran ko na ang kwago at pumunta sa upuan ko. Alam ko tinitingnan ako ng mga kabarkada ko pero alam ko hindi nila narinig yung pinag-uusapan namin.
Pero bakit parang..
Parang..
Parang natuwa ako..
Na kahit papaano..
Nakakabuo ako ng araw.
Ano ba itong iniisip ko! Diba sabi niya pag-inaasar niya ako nabubuo ang araw niya? Meaning, hindi 'yun magandang bagay! Pero bakit parang ayos lang?! Waaaah!
Dub dub dub dub
Ayun nga umub-ob na lang ako ulit.
"Good afternoon class."
Ano ba 'yan! Kakaub-ob ko pa lang, dumating na si Miss!
"Since Calculus ito at alam kong ang tingin niyo sa subject na ito ay mahirap," Sabi ng prof naming.
Mabuti naman at alam niyang mahirap talaga ang klaseng ito. Duh!
"Kaya magsisimula tayo sa basic. What is a set?"
Ano daw? Sandali. Tinuro 'yan sa amin sa Algebra. Waaah. Ayoko talaga ng Calculus.
"Mr. Aidan."
Woah! Naks! Ang yabang. Eh di siya na nga ang magaling.
"A well- defined collection of things or object." Blah blah blah lalalala.
Ayaw ko talaga ng mga ganito.
"Good. Then what are ways of describing sets?"
Ayun, tumaas ulit siya ng kamay.
"Again, Mr. Aidan."
"Tabular or roster method rule or set-builder notation and interval notation."
"Can you describe the difference among the 3 method?"
"The tabular form," Blah blah blah.
Hindi ko na inintindi pa ang sinasabi niya. Ayaw ko talagang intindihin eh.
Ayun nga, dahil hindi naman ako nakinig sa klase wala akong naintindihan. Actually nakatungo lang ako buong klase. Ayaw ko kasi lingunin yung mayabang na 'yun. Plus iniisip ko pa rin kung paano ko ibabalik yung payong at panyo na hindi ako magagalit at hindi ako masyadong iimik sa kanya.
Kahit naman nakatungo ako, alam ko na siya lang ang sumasagot ng tanong ng prof namin. Para ngang sila lang ang nag-uusap. Natutulala na nga yung iba kong kaklase at oo aaminin ko, hindi din ako nakatiis na tingnan siya at ma-amaze.
"Mr. Aidan, what is your grade in Algebra and Business Math?"
"1.00, Miss."
NANLAKI talaga ang mata ko at talagang napabuka na lang ako ng bibig ng marinig ko 'yun. As in! Alam ko buong klase ang nakamulat sa kanya.. Takte! Uno sa 2 subject na 'yun! Samantalang ako? Grabe.
"Sarado mo ang bibig mo. Baka mapasukan 'yan" Bulong sa akin ni Aidan.
Napahiya ako dun. Sinara ko talaga ang bibig ko at tiningnan siya ng masama. As usual, tiningnan lang niya ako.
RING!
"Jhas, una ka na. May gagawin lang ako."
"Sige."
Bago pa umalis si Aidan, tinawag ko na siya.
"Aidan!" At lumingon nga.
"Bakit?'
Binigay ko sa kanya 'yung payong at panyo, "Binabalik ko na."
"Iyo na ang panyo. 'Yung payong lang 'yung kukunin ko."
"Pero-"
"Mahirap na. Baka umiyak ka na naman. Maganda na ang may panyo ka."
"Ayos ah. Kung mamigay ka ng panyo parang iyo. Eh kay Sydney naman 'to."
"...." Naku, mali na naman ako.
"Sorry. Nakialam na naman ako."
"Hindi. Tama ka. Hindi nga akin 'yan para ipamigay ko."
At 'yun, kinuha nya sa akin yung panyo pero nabigla ako sa sunod nyang ginawa.
"Bakit mo binigay ang panyo mo sa akin?" Oo, binigay niya ang panyo niya sa akin.
"Gaya ng sinabi ko kanina, baka umiyak ka na naman. Atleast may panyo ka."
Eto na naman, parang ang bait bait niya.
"Bakit ganito ka?"
"Huh?"
"Bakit minsan ang bait bait mo. Minsan naman ang sama sama ng ugali mo?"
"Ganito lang ako."
"Sige, kukunin ko na rin itong panyo. Madali naman akong kausap eh. Sige." At 'yun nga aalis na ako. Nasa may pintuan na ako ng may tumawag sa akin.
"Sandali." Si Aidan 'yung nagsalita.
"Bakit?" Ano na naman? Babawiin mo 'yung panyo? Sabi ko na nga ba may multiple personality talaga itong kwagong ito.
"Sorry."
HUH? Ano daw? Nagsorry siya?
"Para saan?"
"Dun sa mga sinabi ko kahapon. Sa totoo lang wala akong karapatan na sabihin 'yun."
Nag-isip muna ako. Sa totoo lang tama naman siya.
"Ayos lang. Oo nagalit ako sa iyo pero kung sabagay tama ka naman. Pakialamera ako at peke. Kaya salamat kasi sinabi mo 'yun sa akin. Atleast alam ko na 'yung mga pagkakamali ko."
"Salamat naman at nakuha mo na 'yung point ko."
"Huh?" Ako naman ngayon ang clueless sa mga sinasabi niya.
"'Yun kasi ang gusto ko ipahiwatig sa'yo. Alam mo, hindi ka magiging masaya kung patuloy kang ngingiti ng parang walang nangyari. Diba sabi mo, hindi ka maintindihan ng mga kaibigan mo? Dapat sinasabi mo 'yung nararamdaman mo sa kanila. Hindi 'yung ganitong kasama mo sila kaso kinikimkim mo naman lahat."
Sa oras na iyon, wala akong naramdaman na galit sa sinabi niya. Sa totoo lang, mas masaya ako ngayon kasi may nakakaintindi sa akin.
"Salamat ha? Teka, ibig ba sabihin nito ceasefire na?"
"Ahh. Ehh."
Nilapitan ko na siya.
"Tingin ko, pangit 'yung una nating pagkakakilala. Kailangan nating magsimula sa umpisa," At nakipagkamay ako sa kanya. " Iexsha Kylie Grzybowski. BSA. Kaklase mo sa Calculus at General Biology."
"Ahh. Ehh. Aidan Genesis Hazuell. BSBM."
"Oh ayan ayos na tayo. Sige una na ako."
"Bye."
At 'yun nga umalis na ako. Umalis ako na masaya kasi alam ko, hindi man kami friends ni kwago at least ayos na kami.
Sa tingin ko.
8I
BINABASA MO ANG
Imperfectly in Love (Complete)
Teen FictionFYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a wh...