Chapter 4
Aba, akalain mo na paglabas naming sa capilla eh hindi na naulan. Ayos! Makakauwi na ako!
Pero Hawak pa rin ng kwago ;yung kamay ko. Peste naman kasi itong t'yan ko. Amfufu. (Injerness, nakalimutan ko na yung atraso niya at ang kanina ko pang pinagdadrama.)
Hindi ko na lang namalayan na nasa tapat na kami ng 7Eleven. Pagpasok naming binitawan na niya ang kamay ko at iniwan ako sa may pintuan.
Walang hiya! Diretso agad sa lalagyanan ng para sa hotdog sandwich, parang walang kasama ah!
"Hoy!"
"Ano na naman? Pakainin mo na kaya 'yang sawa mo."
Grr! Ang yabang! May atraso kaya siya!
"Sus, if I know! Ikaw ang may alaga. Hinila mo lang ako dito para hindi ka mahalata na matakaw ka."
"Whatever!"
Naman! Ang hilig talaga ng kwago na ito mag-whatever. Dinaig pa si Angelina eh!
"Tabi nga d'yan kwago, at papakainin ko na ang sawa ko."
"Anong tawag mo sa akin?"
"Sikreto! Walang clue" Hahaha.
"Ewan ko sa'yo."
Susyalan ang kwago, winalk-outan ako. Hahaha!
"Hoy, bayaran mo 'to! May atraso ka pa."
"Oo na."
Pagkabayad niya, balak ko na siang iwan. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha nitong lalaking ito.
Nasa may pintuan na ako ng, "LECHENG ulan! Dumali na naman."
"Kababaeng tao ang inam magmura."
"Oo na!"
Kakabanas naman eh. Naaalala ko na naman ang atraso nya. Hay.. Ayan, tinapos na naming 'yung kinakain namin. Habang nakaupo dito sa loob ng 7Eleven, hindi ko na pinansin si kwago.. Magsawa siya! Haha.
Pagtingin ko sa orasan, "HOLY KAMOTE! Patay ako sa ina kong machine gun ang bunganga!"
Nagitla ang luko sa tabi ko. Buti nga sa'yo.
"Ay, sorry. Uhm, sige una na ako. Yari na ako sa ina kong amazona eh. Hindi na kita sisingilin sa atraso mo. Baka masalvage na ako eh."
BINABASA MO ANG
Imperfectly in Love (Complete)
Teen FictionFYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a wh...