Chapter 14

6.4K 129 4
                                    

Chapter 14

 

(Normal POV)

Hay. Andito na ako sa kwarto ko. Kakatapos ko lang mag-aral. Andito na naman ako, mag-isa pa rin. Ano ba 'yan! Kapag nakita ako ni Shiloh, mayayari ako nito. Pero dahil sa kanya maayos na ako.

Hay! Napatingin ako sa kwarto kong punong-puno ng anime posters. Kakaiba talaga ako noh? Nanonood ako ng mga palabas na ganito kaysa sa mga drama sa TV. Eww! Kakaiba lang talaga siguro ako.

Sana makakita din ako ng isang Kyohei Takano (Yamato Nadeshiko Shichi Henge) na kahit na lagi niyang inaaway si Sunako, palagi naman siyang nandyan sa tabi ni Sunako at nililigtas ang babae. Lumalaban na kasama ang babaeng mahalaga sa kanya.

Kaso ang lagi kong nagugustuhan ko ay isang Yuuji Sakai (Shakugan no Shana), manhid na tanga pa. Buti pa nga natiis siya ni Shana eh. Hahaha! Hay tama bang i-compare ang sarili sa anime? Tanga talaga ako.

Ay nako! At yun na nga, nagbasa na lang ako ng libro. Blue Bloods ni Melissa dela Cruz. Yup! Mahilig akong magbasa ng mga libro about VAMPIRES! Weird no? Mula yata ng nagka-Twilight, naadik na ako sa mga vampires.

Bakit? Kasi gusto ko malaman kung talaga bang nakakatakot sila? Talaga bang ganun sila? Baka naman ine-exagge lang sila ng mga movie at palabas sa TV. Baka naman sa likod ng mga pangil nila ay nagtatago ang isang nilalang na nag-iisa at kailangan ng makakasama. Kita nyo na? Ang weird ko talaga! Ang dami nga nagsasabi sa akin na kakaiba talaga ako. Well, ganun ako eh. Sabihin na natin na kahit active ako sa simbahan still naniniwala ako sa mga bagay katulad ng Vampires, at iba pang creatures. Pero higit sa lahat, naniniwala ako sa reincarnation at sa destiny.

Tama kayo, naniniwala ako sa destiny.

Basta ako, alam kong ang tinatawag na destiny ay binubuo lang ng dalawang bagay: God's plan at ang ating sariling desisyon. Ang destiny kasi o tadhana ay ang pinagsamang plano ng Diyos at mga desisyon natin. Paano ko nasabi? Si Lord lang naman ang nagbibigay ng way. Tayo lang ang pipili kung aling landas ang susundin natin. Andito lang siya para gabayan tayo.

Kaya ayun, dahil sa paniniwala kong kakaiba nagiging weird ako. Yaeh na. Atleast naeexpress ko ang sarili ko.

Naeexpress ko ba talaga?

"...pinipilit mong maging masaya sa harap nila. Masyado kang peke eh."

 

GRR!

Oo na! Mali na ako. Ako na nga ang peke. Kaasar naman eh.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Higit pa sa nasira kong dangal.

Bakit parang kakaiba? Hay! Makatulog na nga! Asar naman talaga. Huwebes na naman bukas! At ang pinakamalaki kong problema ay wala pa ring solusyon.

Paano? Paano ko ibabalik yung payong at panyo ng kwagong yun? Eh baka lait-laitin na naman ako nun?

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon