12-Auction

51 7 2
                                    

Kreigh

Nag-excuse ako kay Jessica para lumabas, nagbabasakaling mahahabol ko si Luhan.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa tapat ng kotse niya.

Alinlangan ko naman siyang tinungo.

"Uhm--Lu--sir Sarmiento, may inaantay ba kayo rito?" Tanong ko sa kaniya. Binuksan niya pinto ng kotse niya at sinenyasan ako gamit ang ulo niya na pumasok daw ako sa kotse. "Bakit?" Tanong ko ulit.

"Just get in first, I don't wanna be standing outside here, the sun rays!" Inip niyang singhal kaya agaran akong pumasok at umupo sa side seat.

Inantay ko siyang makasakay sa driver seat, "Bakit kailangan mong i-ban yung dalawa? Unusual of you raw yon." Komento ko.

"Exactly, I'm getting weird nowadays. You bring the unusual of me, even by talking things that I don't really have to talk about." Ay, sorry po kasalanan ko pala 'yon.

"Sorry naman," tanging nasabi ko na lang.

"Nevermind, I'm taking you somewhere." Aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Saan mo'ko dadalhin?" Tanong ko.

"Manahimik ka na lang, pagod na ako kakasalita." Buti pa siya sa kakasalita lang napapagod.

"Ayokong sumama kung hindi ko alam kung saan ako pupunta." Protesta ko.

"But I'm sure you wanna get revenge on those two, you don't?" Makalaglag panga niyang saad.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko ulit.

"Just let me be." Sagot niya.

"Anong let you be, nung una nga ayaw mo di ba? Sabi mo business partner mo 'yon." Komento ko.

"Yes, and this won't even affect my business with him at least not yet." Baritono niyang sambit at sinimulan na ang makina.

"Wow, bakit tutulungan mo na ako sa paghihiganti ngayon? Akala ko ba my personal issues don't concern you?" Makulit kong tanong.

"Just shut up, baka character development o kaya bipolar ako basta." Talagang mapapa stfu challenge ka na lang.

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang maliit na shop.

"Anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko.

Inabot niya ng kamay niya ang handle ng pintong nasa tabi ko at binuksan ito nang hindi nagsasalita.

Tinanggal niya ang seatbelt niya na ginawa ko rin sa akin at bumaba na lang ng sasakyan dahil 'yon naman ang pinapahiwatig niya.

"Joyce's Beauty" Nakatala sa sign board.

"Follow me." Tahimik na lang akong sumunod sa kaniya papasok sa loob at makalaglag panga ang view dito sa loob.

Mukhang maliit lamang sa labas pero sobrang lawak sa loob.

"Joyce." Pagtawag ni Luhan nang parang ako lang ang tinatawag. "Joyce!" Ayan mas nilakasan niya na.

Out of nowhere namang lumabas ang isang babaeng clear skin pa sa clear skin, parang may itlog sa mukha kaya makinis at makintab.

"S-sir Sarmiento, po?" Ani nito.

"Ayusan mo ang kasama ko, the highest beautifying that you could offer, yung magmumukha siyang tao." Bawal ma-offend, Kreigh.

~

"Uhm ate, marami bang mali sa mukha ko?" Maingat kong tanong.

"Kaunti lang naman." Malumanay niyang sagot habang tinitrim ang kilay ko.

"Sure ka po? Eh bakit umaabot na ata tayo ng hours dito?" Tanong ko ulit habang nakatingin sa kaniya mula sa salamin.

"Sabi kasi ni sir eh, yung the best daw pero as I see wala namang mali sayo kaya ka nga nagustuhan ni sir eh." Napangiwi naman ako at natatawang umiling.

"Hindi po gano'n, but it's difficult to explain." Ani ko. "Ilang taon ka na? Paano ma-achieve ang gandang kagaya ng sayo?" Binabaling ko na lang sa kadaldalan ko ang nerbyos ko sa pag-aayos niya sa kilay ko.

"I'm 76." Napaubo ako sa gulat at agad naman akong tumingin sa salamin baka lumampas yung pagtrim niya at hindi na nagpantay ang kilay ko pero ayos naman, sa awa ng diyos.

"Sorry ate, di nga? Eh mukhang mas bata ka pa kasi sa'kin eh, or parang kaedaran ko lang." Komento ko.

"Ay may healthy lifestyle lang, tara sa spa." Aniya at pinatayo ako sa salon chair.

Lumipas pa ang ilang minuto at natapos na kami.

"Omg, you're more beautiful than what I expected." Papuri niya na ikinangiti ko nang kusa.

"Matagal mo na bang kilala si Lu--si sir Sarmiento?" Tanong ko sa kaniya.

"More than 5 years na akong nagtatrabaho sa kaniya." Hindi ko na kailangang tanungin, dahil halata namang kay Luhan 'tong salon.

"Eh, bakit kaya pinapaayusan niya ako? Nakakalito kasi yon eh, inis na inis pa nga yon sa presenysa ko." Patanong kong komento.

"Hindi ko rin alam pero baka dadalhin ka niya sa isang big event, malay mo." Sagot niya.

Ano pa bang pwedeng itanong para mawala ang pagiging over anxious ko?

"Here is your gown," bumalik si ate Lyla na may dalang yellow gown, kumikintab ito.

Simple yung design pero magarbo yung palamuti sa palibot nito.

"Parang diamond 'yan ate, nakaka excite suotin." Nagagalak kong saad.

"Ay kasi diamond naman talaga 'tong mga nakatapik sa collar," dinala lang ata talaga ako ni Luhan dito para masampal ako ng kahirapan.

"Sir? Is this okay?" Kabadong tanong ni Joyce matapos niya akong dalhin sa harapan ni Luhan the boss na naka de kwatro sa isang sofa.

"Wait, are you not thinking? Sasakay siya sa side seat with that big gown?" Sagot ni Luhan.

"Yes sir," tumango naman si Joyce at may hinila sa likuran ko dahilan para kumupas ang nakalobo kong gown at naging isang long fitted gown na lang.

Wow the duality!

"Good job, that's why I have to give you a raise." Ani Luhan at tumingin sa relo niya.  "We have to go,"

Nauna siyang naglakad palabas at syempre inaasahan niya na naman akong susunod sa kaniya.

Di man lang pinansin ang effort ni ate Joyce at Lyla sa akin?

Bibigyan naman daw sila ng raise.

"Bye po, salamat ulit." Paalam ko kay ate Joyce at hinanap si ate Lyla. "Pakisabi rin po kay ate Lyla 'yan uh, maganda po yung gown na napili niya." Komento ko.

"Kreigh!" Sigaw mula sa labas kaya kumaway na ako at nagmamadaling lumabas nung salon.

May katagalan ang minaneho niya pero maayos pa naman ang makeup ko nang makarating kami sa venue.

"Anong gagawin natin dito?" Pangunang tanong ko pagkababa na pagkababa namin sa lugar na parang engrande ang kaganapan.

"This is an auction, and Gabriel along with his wife will be here." Lumingon naman ako sa kaniya.

"Hindi naman yan yung tanong ko eh---"

"Ano ba kasing ginagawa sa auction di ba? Edi pataasan ng bids." Pagputol niya sa akin.

"Nasaan yung ganti ro'n?" Tanong ko pa.

"You'll see later, come." Maglalakad na sana ako dahil nagsabi siya ng come pero nanigas lang ang katawan ko nang hapitin niya ang bewang ko at hilahin ang nasa likuran ko dahilan para bumalik sa magarbong gown ulit ang suot ko.

"Don't act stupìd in front of them, be fierce, understood?" Saad niya malapit sa tenga ko na tinanguan ko naman agad.

Kinakabahan ako pero kailangan kong pagkatiwalaan si Luhan dito.

END OF CHAPTER 12.

THANK YOU FOR READING, LOVELOTS!❣

Trust (LOVE) IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon