25-Childhood

40 4 0
                                    

Kreigh

"Alagaan mo anak namin uh? Kapag gumaya ka talaga ro'n sa isa, nako hindi mo talaga alam ang probinsya." May pagbabanta na saad ni papa na ikinatawa naman ni mama.

"Opo pangako, aalagaan ko po siya." Tuwang-tuwa naman ako sa effort ni Luhan magsalita ng pure Tagalog.

Pare-parehas lang naman yung sinasabi ni papa sa kaniya rito habang kumakain kami eh, iba- ibang construction of words lang.

"Baka ikaw ang nagpabarang do'n sa dati ni Kreigh kaya namatay uh." Mapagbirong saad ni mama. Napalingon naman kami kay Luhan na biglang naismid habang kumakain ng seafoods.

Inabutan ko siya ng tubig at hinagod ang likod niya habang umiinom siya.

Matapos niyang umayos na ng upo ay tumawa na siya nang malakas. Baliw.

"Pasensya na po, natawa ako ro'n pero mas deserve niya nga 'yon eh, sana nga yo'n na lang ang nangyari, ang sama ko di ba?" Aniya pa na ikinatawa rin ni papa.

"Tama 'yan, pwede na kitang tawaging anak." Saad ni papa at nakipag-bro fist pa kay Luhan.

Good, nagkasundo sila agad.

Nagkekwentuhan kami about sa childhood moments kong nakakahiya, ay silang tatlo lang pala kasi naiinis ako sa topic.

"Tapos 'yan si Kreigh, kasi dati di 'yan marunong lumangoy, gano'n pa rin naman ngayon pero nung dati talaga sabi niya magsiswimming daw siya sa dagat, edi pinayagan namin basta sabi namin sa mababaw lang siya, pumayag naman siya. Ay jusko, may ka-height siya ro'n na marunong lumangoy at nagpakalayo layo para sabihing ambabaw lang, tanga pa naman 'tong si Kreigh edi naniwala akala niya hanggang leeg lang yung tubig, yaw---talagang tanga kaya nalunod ayon edi hindi na siya ulit pumunta ng dagat." Mahabang pagkekwento ni papa, si mama kasi puro tawa lang ang ambag.

Mga magulang ko talaga sila guys.

"Buti pala naligtas siya kasi di ko akalaing isang Kreigh Salvatera lang pala ang kailangan ko." Bumanat naman itong isa na ikinatameme ko.

May kumatok nang malakas sa pinto kaya ako na ang tumayo para naman makaalis ako sa usapan nila kahit sandali.

Tinungo ko ang kumatok at nang buksan ko na ang pinto ay bumungad sa akin ang pagmumukha ni Shion.

"Hoy ka-2joints, buti buhay ka pa, namiss kita, ang tagal nating hindi nagkita uh!" Pagbati niya nang may malawak na ngiti.

"Hindi naman ako nag-abroad pero yung tono mo akala mo lumipad ako ng ibang planet, pero hoy kamusta ka na? Tumatae ka pa rin ba sa shorts? Ay baka hindi na pero yung sa ilog o talahiban, for sure hanggang ngayon." Balik ko at inangat ang isang kilay ko.

"Dadalhan ko lang naman sana ng ulam yung mga magulang mo kasi utos ni mama, di ko naman alam na ganiyan ka na pala kasama." May pag-iinarte niyang sambit. "You're bullying me."

"Siga ka no'n uh, asan na yon ngayon?" Pabiro kong balik. "By the way, salamat dito sa dinala mo." Ani ko at kukunin na sana sa kaniya yung mangkok pero nilayo niya at siya ang pumasok sa loob.

"Tita, tito, ulam!" Sigaw niya habang naglalakad. Sinara ko na lang ang pinto at sumunod sa kaniya. "Ey pre, iyo ba yung kotse ro'n sa labas? Mukhang yayamanin pero baka madumihan na yun ng mga batang naglalaro." Aniya pa na kinakausap si Luhan.

"Walang problema." Sagot naman ni Luhan.

"Oh anong ulam meron kayo ngayon Shion?" Tanong ni mama.

"Ginataang tulingan po." Sagot naman ni Shion at nilapag sa lamesa ang tupperware.

"Oh ito rin amin, adobong bangus." Nagpapalitan pala sila ng ulam, 'yan ang bagay na hindi ko gustong mawala sa pagiging magkapit-bahay.

"Salamat 'ta, ibang-iba na ang ganda ng crush ko lang dating si Kreigh, dugyutin lang 'yan noon eh, may glow up pala sa Maynila." Komento pa niya, ang daldal pa rin.

"Dugyutin daw." Bulong ko sa sarili. Awkward namang tumawa yung mga magulang ko sa malakas na tumatawang Shion.

"Oh? Di ba tita gano'n naman talaga si Kreigh noon uh? Tawag ko pa nga sa kaniya bantot kasi palagi siyang pawisan at amoy araw pero naging crush ko pa rin siya, pero ngayon talagang mas crush ko na siya." Dagdag pa ni Shion.

Tumingin naman si mama kay Luhan at tumingin ulit kay Shion at ngumiti nang may halong kaba.

"Pinagsasabi mo Shi?" Bagot kong tanong.

"Wala, ang sabi ko, uuwi na ako." Sagot niya.

"Oh yeah, goodbye." Pagsabat ni Luhan.

"Ay di pa pala kita natatanong, ba't ka kasama ni Kreigh papunta rito? Boss ka niya sa Maynila?" Tanong ni Shion kay Luhan.

"Boss ng puso niya kahit saan oo, hindi lang sa Maynila." Lumingon naman sa pader si papa na parang enjoy na enjoy niya yung blankong tanawin.

"Ay shet sorry pre, hindi ko talaga crush 'yan si Kreigh eh, nagjojoke lang talaga ako, miss ko na kasi ang kaibigan ko eh." Saad ni Shion at tumatango sabay-akbay sa akin at tapik-tapik sa balikat ko.

Napuno ng awkward na katahimikan ang paligid kaya itinawa ko na lang ito kahit pilit.

Para akong shunga.

"Ay sige uwi na talaga ako, baka gusto na ni mama kumain ng luto ni tita." Paalam ni Shion at kumaway.

"Sige, ihahatid na kita sa pintu---"

"I have a car, pwede kitang ihatid." Pagsingit ni Luhan at tumayo na ikinakunot ng noo namin.

"Kapit-bahay lang ako pre, malapit lang." Sambit ni Shion.

"Sige samahan na lang kita, gusto ko rin kasi malaman kung saan yung bahay mo, baka makabisita ako minsan, gusto kong kilalanin ang mga kapit-bahay ng mga magulang ng girlfriend ko." May pagkariin na bigkas ni Luhan.

"Odi s-sige, tara." Pagpayag ni Shion at naglakad na.

"Dito ka lang muna, lovebug uh? Gagala muna ako sa malapit lang kahit gabi na." Saad ni Luhan sa akin at tinapik nang marahan ang bunbunan ko at humalik pa sa noo ko bago tuluyang umalis.

Kunot-noo ko lamang silang pinanood na lumabas ng pinto atsaka ako naupo ulit sa upuan ko.

"This place's about to blow oh oh oh oh~" parinig na pagkanta ni papa na naka-ani ng pagsiko sa kaniya ni mama pero tumawa naman nang bahagya.

Dumighay na lang ako at ipinagpatuloy ang pag lamon ko.

END OF CHAPTER 25.

THANK YOU FOR READING, LOVELOTS!❣

Trust (LOVE) IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon