9-Strangers

44 7 0
                                    

Kreigh

Talaga bang minamalas na ako? At pati sasakyan ay wala akong makita? Puro puno at out of service na?

Walanjo naman!

"Poor you, still standing out there. Wala ka na ba talagang mahanap na taxi uh?" Nagulat na naman ako sa pagsulpot nitong Luhan na 'to.

"Oh akala ko ba hanggang paglabas lang ng building mo ako monitored, bakit hanggang dito nakakarating ka na?" Tanong ko sa kaniya.

"I'm not really supposed to talk to anyone but you have been walking up and down I guess, and I'm not that heartless not to stop by." Paliwanag niya.

"Wala talaga akong magagawa, ganiyan ang buhay kailangang sumunod lang ako sa agos." Ani ko at niyakap ang sarili ko.

Hinahamog na ako, kanina pa ako rito.

"You know, you can just get in my car, I'm starting to feel terrible for you." Talagang pagtutulong 'to dapat may negang rason para di matapakan ang ego niya.

"No need, para kasing ako pa yung may kasalanan na huminto ka rito at inalok ako ng sakay." Pagtanggi ko.

"Oh is that so? Okay, bye." Pinindot niya na ang sliding window niya para magsara na ikinalaki ng mga mata ko.

Agad akong tumakbo para humarang sa kotse niya.

"Sasakay na ako, ito naman," dumiretso ako sa pinto ng side seat at binuksan ito.

Nahuli ko pa ang pag-irap niya sa pagpasok ko sa loob.

Irap na pang lalaki, 'yong parang nainis.

"Ituro mo sa akin ang daan papunta sa bahay niyo," baritono niyang bigkas.

"Ayon na nga yung gusto kong sabihin eh hehe, wala akong bahay na mauuwian ngayon, naghahanap pa." Nahihiya kong sagot.

"Damn." Mahina niyang sambit sa hangin.

"Homeless ka pala?" Dagdag na tanong niya.

"I wasn't. Binenta ko kasi yung bahay at ice plant kong negosyo pero kinuha nung ex husband ko yung pera no'n, kaya ito kulelat na ako." Paliwanag ko.

"I know the nearest orphanage here," aniya at pinaandar na ang sasakyan.

"Bahay-ampunan? Bawal na ako ro'n, sa tanda kong 'to?" Protesta ko naman.

"Trust me, they are going to let you in." Saad niya sa parehong tono nang hindi man lang lumilingon sa akin.

"What? Ibaba mo na lang ako rito, ayoko ro'n!" Angal ko.

"Why? Dahil ba puro madre ang taga pagbantay don at demonyo ka?" Balik naman niya at mas binilisan pa ang andar ng sasakyan.

Yung andar na parang hihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo.

"Bagalan mo nga! Ayoko pang mamatay!" Sigaw ko sa kaniya.

"Shut up, look at the road," halos di ko na marinig ang boses niya sa takot ko pero atsaka ko lang napansin na sasakyan na lang namin ang nasa highway.

Hindi naman sa kami na lang, pero iilan na lang.

"Basta ayaw ko sa bahay-ampunan, nakakahiya!" Protesta ko ulit.

Pumarada siya sa tapat ng isang brown gate at tinanggal na ang seatbelt niya.

Tinanggal ko na rin ang akin dahil tatakbo ako 'pag ka baba na 'pag ka baba ko rito.

Mukha ba akong palamunin? Kaya ko nang magbanat ng buto 'no.

Napaubo ako sa kati ng lalamunan ko at inunahan na siya sa pagbaba ng kotse.

Trust (LOVE) IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon