Kreigh
"I'm sorry Brandon, hindi ko sinasadyang sirain yung party mo." Paghingi ko ng paumanhin.
"Let's go Kreigh, you don't have to beg an animal like your husband." Napalingon naman ako sa kakarating lang na si Gabriel.
Hindi na ako nagsalita pa at nagpahila na lang sa kaniya palabas.
Simoy ng hangin ang sumalubong sa amin.
Dumiretso kami sa kotse niya at kagaya ng dati ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.
"Pero, may tsokolate na ako, baka madumihan ang kotse mo." Nag-iingat kong ani.
"Don't worry, eh ano ba namang gusto mong gawin? Maglakad?" Ngumiti ako nang maliit at pumasok na nga sa side seat.
Kinabit ko na ang seatbelt ko at lumingon sa bintana, hihintayin ko na lang siyang magdrive.
"Kreigh?" Tawag niya kaya lumingon ako at tinaasan siya ng isang kilay bilang pagtatanong. "I'm sorry for what Jenny did to you, I can't believe that she could do that." Umiling na lang ako at ngumiti nang mapait.
"Kaya niya ngang mang-agaw eh, mang-away pa kaya. Sorry for the word." Saad ko.
"No, you're right tho. Stop crying, kakalat na makeup mo." Aniya at hinaplos ang pisnge ko, pinupunasan ang lumagkit ko nang balat dahil na rin sa foundation.
"I'm sorry if I brought you into this situation." Pagpapaumanhin niya.
"Wag mo nang isipin 'yon, parehas naman tayong ginustong gawin 'to eh." komento ko. "But anyways, do you know any apartment that I can rent for now? Ayoko nang umuwi sa bahay na 'yon, ibebenta ko na 'yon, a lot of hunting memories are there."
"Uhm yeah, but I have a condo pwede ka naman doon if gusto mo." Alok niya at nagkibit-balikat.
"Isn't it in use?" Tanong ko.
"No, you can stay there until you get your new house." Ngumiti ako nang malawak sa kaniya.
"Maraming salamat, it will help me a lot." Patango kong sambit.
"No problem, shall we go now?" Tumango na lamang ako at pinanood siyang simulan ang makina.
Bumaba kami sa tapat ng building kung saan may condo si Gabriel.
Sinundan ko lang siya hanggang sa elevator at nakitang pinindot niya ang number 6.
Hindi naman gaanong nagtagal ay nagbukas na ang pinto ng elevator at lumabas na kami.
Nakabuntot lang ako sa kaniya hanggang sa tumigil na siya sa isang pinto, 35 ang nakasulat dito.
Binuksan niya iyon gamit ang card niya.
"Pumasok ka na at maglinis ng katawan, kukunan kita ng fresh towel." Aniya at nahihiya naman akong napangiti. Kabago bago ko pa lang siyang nakilala, may utang na loob na agad ako. "I'll also prepare our dinner, di tayo nakakain do'n eh."
"Ha? Akala ko ba hindi 'to ginagamit? Ba't parang may mga ready nang pagkain dito?" Kunot-noong tanong ko.
"Wala namang tumitira dito, pero minsan pumupunta ako rito syempre at may mga pagkain nang nakahanda sa ref." Tumango na lang ako sa pagkakaintindi.
"Uh gano'n pala, sige uh magbabanlaw na ako." Paalam ko at maglalakad na sana.
"Wait, anong gusto mong kainin?" Tanong niya. Weird ba kung sasabihin kong, I consider that as a sweet gesture? It's really different when someone asks you about what you want, something that I never experienced with Joshua after I said yes to him.
BINABASA MO ANG
Trust (LOVE) Issues
RomanceWhen loving gives you the sweetness then comes along the bitterness. When it makes you feel whole but suddenly crashes you like a shattered glass. Too much trust sometimes can make you feel like a dust... Sa sobrang pagkamartyr sa pag-ibig ay magbub...