-Kreigh-Naupo ako sa bench malapit sa fountain, dito ako kung saan dama ko ang pagiging solo, tanging hangin na nakakatindig balahibo at ang may sugat kong puso lang ang nararamdaman ko ngayon.
Dito ako kung saan maibubuhos ko lahat ng luha ko, sa ngayon ay mas ramdam ko ang kaligtasan sa dilim.
"Paano mo 'to nagawa sa'kin Josh!? Napaka sama mo!" Hagulgol ko sa kawalan.
"At napaka hina mo naman." Napa-angat ang ulo ko sa biglang nagsalita. "Bakit ka tumakbo eh ikaw yung asawa, oh panyo." Alok ni Gabriel, aninag ko siya sa maliit na street light na umaabot dito.
Alinlangan ko itong kinuha at pinunas sa mga pisnge ko.
Naupo naman siya sa tabi ko.
"Tama ka, napaka hina ko pero kasi hindi ko naman alam ang gagawin ko kanina eh, hindi naman na raw mababago ang kagustuhan nilang magsama magiging talunan lang ako sa paningin ng lahat." Labag sa kalooban kong bigkas.
"Hindi ka magiging talunan, kung lumalaban ka lang." Aniya, lumingon naman ako sa kaniya.
"Be honest with me Gab, pangit ba ako?" Pangingiwestiyon ko.
"You're not, maganda ka pero mas maganda lang talaga siguro si Jenny." Bakit ko nga pala siya tatanungin, eh asawa niya ang kabet ng asawa ko. Syempre mas iisipin niyang maganda 'yon at kapalit-palit ako. "Just kidding, to be honestly speaking, maganda ka at wala namang mali sa'yo talagang gago lang yung asawa mo..."
"at ang asawa ko." Aniya pa.
Medyo napagaan naman niya ang loob ko roon.
"Ano palang sinasabi mong kung lumalaban lang ako? Paano ba 'yon?" Nakita ko naman ang pag-arko ng labi niya na kita ko dah sa kaunting sinag ng ilaw sa malayo.
"Come with me and we'll talk about it."
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa bahay ko, magpaplano tayo." Napatingin naman ako sa sahig sa pag aalinlangan. Hindi magandang tignang magkasama kami sa bahay niya. "Don't worry, I'm not an asshole like your husband, no offense."
"Eh, hindi naman 'yon eh, I mean bawal ba sa café na lang tayo mag-usap?" Pags-suggest ko.
"Pwede naman, well kung gusto mo r'on then let's go, may alam akong café na magugustuhan mo." Bahagya naman akong ngumiti at tumango.
Tumayo na kaming dalawa at naglakad pabalik sa parking lot ng restaurant.
Wala na sa pinagparadahan kanina ni Joshua ang kotse niya, can't help but to overthink kung ano na ang ginagawa nila ngayon.
~
Nagdrive si Gabriel papunta sa café na tinutukoy niya, tanaw pa lang sa labas ay napaka comfy na nito.
Wala akong narinig na imik mula kay Gab kaya lumingon ako sa kaniya pero wala na siya sa drive seat.
"Bumaba ka na rin, Kreigh." Napalingon ako sa pinanggalingan ng nagsalita at naroon si Gab na hawak-hawak ang handle ng bukas na pinto.
Tipid akong ngumiti at nahihiyang bumaba na nga.
"Bakit nga pala nahuli ka ng dating kanina? Bakit hindi kayo magkasabay ni Jenny sa pagdating doon sa resto?" Maingat kong tanong sa kaniya.
"Pinauna ko na kasi siya sa loob tapos bumalik ulit ako sa flower shop na nadaanan namin, nakita ko kasi yung bulaklak na favorite niya eh." Paliwanag niya habang nakatingin sa nilalakaran namin. "Pero ayon, mabubulok na lang 'yon sa likod ng kotse ko."
BINABASA MO ANG
Trust (LOVE) Issues
RomanceWhen loving gives you the sweetness then comes along the bitterness. When it makes you feel whole but suddenly crashes you like a shattered glass. Too much trust sometimes can make you feel like a dust... Sa sobrang pagkamartyr sa pag-ibig ay magbub...