Kreigh
Pumasok ako sa chocolate factory at iilang workers ang naririto pa.
"Ano pong kailangan kong gawin sir?" Pagtatanong ko.
"Yung package na i-export ko, kulang ng 50 bars 'yon." Sagot niya na tinanguan ko na lang.
"Pero sir tanong ko lang po, may raise po ba sa mga overtime?" Maingat kong bigkas.
"Syempre wala, trabaho niyo 'yan na dapat ay natapos niyo na bago pa mag-dismissal." Seryoso niyang sagot.
"Chocolate factory pala 'to, akala ko kasi tae factory, bakit ang bantot? Ay siguro dahil sa mukha nung owner." Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot si Luhan sa loob.
"Anong sab---" hindi ko alam kung ba't di na tinuloy ni sir Ivan ang gusto niyang sabihin matapos niyang lingunin yung nasa likuran niya.
Pero hindi naman mabantot uh, may sira 'tong ilong ni Luhan.
"Ivan, I know you." Ani Luhan.
"Really? Kilala mo ako?" Pag-uulit ni sir.
"Yes, ikaw yung narinig kong nanigaw kay Kreigh habang kausap ko siya." Anong balak nito? "Pinagmamadali mo siya tapos wala ka naman palang idadagdag sa sahod niya, kung mahal pala gumawa ng chocolate dapat di mo na ninegosyo, di kasalanan ng employees mo kung wala kang pambayad, dapat gawan mo ng paraan na bayaran talaga." Nakapamulsa sa pantalon niyang saad.
"I'm sorry Mr. Sarmiento, I will pay them for their extra time here." Ani sir. "Especially, Ms. Salvatera."
"No need, I'm taking my girlfriend out of this place." Napanganga at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Anong girlfriend?" Takang tanong ko.
"Yes, girlfriend na kita, you agreed." Bigla niya na lang ako hinila sa kamay palabas nung factory na 'yon.
"Hoy wala akong sinasabing ganyan uh! Ni pagpayag kong manligaw ka wala nga akong sinasabi." Protesta ko at binawi ang kamay ko.
"Here's the proof." Kinuha niya ang cellphone niya at may pinindot pa muna bago ito nilapit sa akin.
"Hey? I said yes or no? Can I court you?" Tanong ni Luhan na ngayon ay nagrereplay na lang sa call recorder.
"Ay alam ko na, ayaw mo nang magpaligaw kasi gusto mo na rin ako 'no? Yes you do, so you mean you're my girlfriend now, 'yan yung gusto mo di ba?" Aniya ulit pero wala akong naging sagot.
"Okay, silence means yes in a count of three. 1...2...3... you're officially mine." Napaawang ulit ang bibig ko at umiling-iling.
"Madaya ka, mga hindi ko narinig 'yan kasi focus ako kay sir Ivan, yung huli mo lang sinabi yung narinig ko, yung inasar mo siya!" Pagtanggi ko habang nakakunot ang noo.
At ang alam ko ay napatay ko ang tawag?
"Wala nang bawian, kahit dalhin pa natin sa korte 'to, ako ang mananalo." Balik niya.
"Madaya 'yan, bakit hindi rinig diyan yung boses ni sir Ivan kung totoo nga 'yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang lubog naman nung boses no'n, talagang hindi, ang layo ng phone mo sa kaniya eh." Sagot naman niya.
"Eh paano mo narinig yung mga sinabi niya sa akin?" Pagrarason ko ulit.
"Hindi naman kasi ako lumayo, nagparada lang ako riyan sa tabi habang nakatingin sayo." Napahinga ako nang malalim.
"Basta walang gano'n, di ko talaga alam pinagsasabi mo kanina." Nakakabigla talaga yung ganitong Luhan eh.
"But the question is, don't you love me?"
"No."
"But you like me?"
"Yes, kasi wala namang ka-dislike dislike sayo." Makatotohanang sagot ko.
"Enough reason for me to fight for you, anyways I still have the surprise for you tomorrow." Ngumiti ako nang kaunti at tumango sa kaniya.
Hinatid ako ni Luhan pauwi at umuwi rin siya kaagad para parehas na kaming makapagpahinga para sa bukas na sorpresa niya.
~
Ngayon ang araw na may sorpresa daw sa akin si Luhan kaya maaga akong nagising para mag-ayos.
Kailangan daw ang suot ko ay black, hindi ko alam ba't may theme pa.
Akala ko nga yung box na 'yon na yung surprise niya eh.
Maghahanap na naman ako ng bagong trabaho, si Luhan kasi eh, nawalan tuloy ako ng chocolate factory.
May bumusina na sa tapat ng bahay na nagsasabing si Luhan na ang dumating kaya nagfreshen up na ako atsaka lumabas.
Hindi ko na sana siya pabababain ng kotse pero nauna na niyang gawin iyon para pagbuksan ako ng pinto ng side seat, wow ibang kotse naman ngayon.
Ang dami talagang kotse nito eh.
"Thank you." Ani ko at naupo sa loob. Lumibot siya at pumasok na rin sa driver seat.
"Welcome, the thing that I have for you today is a dark surprise." Kinunutan ko na lamang siya ng noo at hindi na nagtanong kasi surprise nga eh.
Nagpaandar na siya ng sasakyan patungo sa kung saan na di ko alam.
Nagmaneho siya nang hindi lagpas 30 minuto at huminto sa isang parking lot.
Pumarada kami sa isang malaking hospital, lumingon ako sa kaniya pero nauna na siya sa pagbaba ng sasakyan.
Madali niya akong pinagbuksan ulit ng pinto at inantay na bumaba matapos kong tanggalin ang seatbelt ko.
"Anong gagawin natin dito? Bakit dark surprise? Nakaka-kaba namang nasa hospital tayo." Komento ko at sumabay na maglakad sa kaniya nang mababagal ang hakbang.
"Just follow me, you don't have to worry." Aniya at nilagay nang magaan ang kamay niya sa likod ko.
'Wag naman sanang may sakit siya ano.
Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa room 20.
Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako sa loob.
May pasyente ba akong kakilala rito?
"Dumiretso ka lang sa higaan at tignan mo 'yang babaeng 'yan kung namumukhaan mo." Ani ni Luhan.
Kabado ko namang ginawa ang sinabi niya at nakita si Jenny na nakahiga at namayat na nang kaunti.
Lumingon ako sa likuran ko, "What happened to her?" Tanong ko kay Luhan.
Lumapit ito sa tainga ko, "The revenge that she deserves, the thing that she must have, AIDS." Napatabon ako sa bibig ko sa gulat. "Para di na siya makalapit pa sa ibang lalaki."
"What? How?"
"It was easy, she just needs a show off money then boom, she got what she didn't expect from being a leech." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa nalaman ko.
Can't choose whether to be sad or happy about her situation, but I think the latter.
"Paano mo na-transmit sa kaniya?" Tanong ko sa kuryusidad.
"Everything was easy literally, I just searched for a handsome man that just had it in a little time so that it won't be visible in his appearance, and everything was faster than I thought." Tumango ako at lumingon ulit kay Jenny na tulog ngayon.
Dapat lang sa kaniya 'yan para wala na siyang mabiktima pa ng kademonyohan niya.
"Masasaktan si Gabriel nang sobra pero mas mabuti ngang mawala na 'tong babae 'to sa buhay niya." Komento ko at umiling-iling.
"Gabriel ka na naman, may gusto ka pa ata talaga ro'n." Lumingon ako ulit sa kaniya nang may maasim na mukha.
"Hindi 'no, not even a bit." Ani ko. "Lumabas na tayo rito." Lalakad na sana ako kung hindi lang siya nagsalita.
"Dapat hilahin mo rin ako sa kamay pa-exit kagaya nung ginawa ko."
Ang arte nito, pinagsasabi?
END OF CHAPTER 22.
THANK YOU, LOVELOTS!❣
BINABASA MO ANG
Trust (LOVE) Issues
RomanceWhen loving gives you the sweetness then comes along the bitterness. When it makes you feel whole but suddenly crashes you like a shattered glass. Too much trust sometimes can make you feel like a dust... Sa sobrang pagkamartyr sa pag-ibig ay magbub...