30-Drained

33 7 0
                                    

Kreigh

Naalimpungatan ako sa sakit ng ulo ko, nanlalabo ang mga paningin ko hanggang sa nakapag adjust na ito sa puting kisame, tumingin ako sa kamay ko at may dextrose na nakakabit dito.

Napangisi na lang ako sa ala-alang nabangga sa pickup truck ang taxi na sinasakyan ko.

Bakit kasi di pa ako natuluyan eh, yon ang hiling ko.

Di napuruhan yung ulo ko kaya band-aid lang sa sugat sa noo ang nakalagay.

Nakaramdam ako ng pakiramdam na umihi at wala akong bantay o nurse na nakita sa loob ng hospital room ko kaya ako na lang ang dahan-dahang tumayo.

Pinagulong ko ang pinagkokonektahan ng dextrose ko at nilibot ng paningin ko ang buong kwarto pero walang pinto ng banyo.

Binuksan ko ang pinto at dumiretso palabas ng kwarto ko.

"Sorry boss, di na mauulit." Dinig kong saad ni Von sa kausap niyang naka backview sa akin ngayon.

"As it should." Boses ni Luhan iyon, di ako pwedeng magkamali.

"Boss mo si Luhan, Von?" Pagkibo ko. Tumingin naman sa akin si Von at agad akong tinungo.

"Ba't ka tumayo? Bawal pa uh, pero oo boss ko siya, bakit?" Sagot niya naman.

"Bakit ka nagsosorry?" Takang tanong ko.

"May nasira kasi akong machine sa kumpanya niya eh mahal 'yon kaya talagang napapunta siya rito para doon, mahalaga daw yon eh." Tumango na lang ako sa pagkakaintindi habang nakatingin sa likod ni Luhan na akala ko'y nakabyahe na.

"That was so important that I had to fly back here." Lumingon siya sa amin nang blanko ang ekspresyon, "Do your job well next time, or I'll have to fire you." Aniya at naglakad na agad palayo.

"Tara na sa loob, Kreigh." Saad ni Von sa akin.

"Gusto ko pang umihi." Ani ko naman.

~

Nakaraan na ang ilang araw ay still on recovering stage pa rin ako.

Sinamahan na nga ako ni Jessica sa kahit saang lugar makalimot lang.

Nagsine pa kami ngayong gabi at napaluha ako nang marami, hindi sa emotional scene nung palabas kundi sa emotional breakdown ko.

"Uuwi na lang tayo bes, akala ko nga si sir Luhan eh wala pang asawa kasi matagal na niya akong employee pero di niya pa nababalita sa amin, siguro sa mga nagtatrabaho lang sa opisina." Komento ni Jessica habang naka-akbay sa akin sa paglalakad sa gilid ng park.

Maraming tao at street lights kaya nakakagaan ng loob ang maglakad.

"Bili tayo kikiam oh!" Alok niya at hinila ako papunta sa tinutukoy niyang bilihan. "Kuya pabili nga bente pesos ng kikiam." Saad ni Jessica.

Wala akong gana.

Naigtad ako nang may naramdaman akong dumikit sa tagiliran ko at nang lingunin ko ito ay isang nakatabon ang mukha na tao.

"Wag kang sumigaw kung ayaw mong magkagripo ang tagiliran mo o kaya masira ang laman-loob mo." Pasimpleng bulong nito at dahan-dahan akong pinalakad. Nagtaka naman akong sumusunod din sa akin si Jessica na bakas ang takot sa pagmumukha.

May lalaki rin siyang katabing may nakatagong patalim.

Dinala kami nito sa madilim at walang taong dumaraan na lugar pero dinig namin ang mga kasa ng baril.

"Sino sa inyong dalawa si Kreigh? Magka-height lang kayo at may mga mask pa, walang magsisinungaling dahil tinuro na kayo ni boss mula sa van." Mapagbantang saad nito.

"B-bakit, anong kailangan niyo?" Tanong ko.

"Sagutin niyo na lang!" Inip na sigaw nito.

"Ako! Ako si Kreigh." Nanlaki ang mga mata kong lumingon kay Jessica.

Bakit niya inako? Baka mapahamak lang siya eh.

"Hindi, ako talaga." Pagsabat ko rin.

"Tangina niyo, sino nga!? Sinabing wag nang magsinungaling!" Baka mabaril pa kami sa sobrang inip nila rito.

"Ako nga talaga 'yon, anong gagawin niyo? Pabayaan niyo na ang kaibigan ko." Baritonong sagot ko.

"Isama na lang natin yang dalawa, parehas na silang nagsabing Kreigh ang pangalan nila, baka magkamali pa tayo at makatakas yung tunay." Saad nung isang lalaki.

Lumalakas na naman ang kabog ng dibdib ko.

Pwersahan akong hinigit sa bisig ko at hinigit din nung isa si Jessica pero di kami bibitaw sa isa't isa kahit ano pang mangyari.

May sasakyang naghihintay na sa kanila kaya wala na kaming nagawa kundi ang pumasok doon.

"Kidnap na naman ba 'to? Wala kayong mahihita sa akin!" Protesta ko.

Pagod na ako sa ganito.

"Mas lalo naman sa akin 'no," dagdag ni Jessica.

"Manahimik kayo. John, sundan mo yung naunang van." Utos nitong lalaking katabi ko.

Sana pala hindi na ako gumala, mas magandang nagmukmok na lang ako sa bahay na hindi naman akin kaysa ang mag-gala at mapahamak.

Nagparada ang sasakyan sa isang abandonang lugar, wala rin namang van na nauna rito.

Yung sinasabing sinundan daw namin.

Binuksan ang pinto ng van at patulak kaming pinababa rito.

Naninindig na ang mga balahibo ko habang naglalakad sa madilim na lugar na maliit lang ang flashlight.

Dati ba 'tong school?

Binuksan ang isang pinto at bumungad sa akin ang lima pang mga babae na umiiyak sa loob; doon din kami tinulak.

"Nangongolekta kayo ng mga babae? Ang sasama niyo, anong gagawin niyo samin? Ipapadala sa ibang bansa!?" Inis kong singhal.

"Nangongolekta kami ng mga babae oo, babaeng may pantubos." Saad nung lalaking driver kanina.

"Wala akong pera!"

"Pati rin ako, pakawalan niyo na kami!" Sigaw rin ni Jessica.

"Kami rin, let us leave!" Sunud-sunod na hagulgol ng mga babaeng mukhang nakakulong dito kanina pa.

"May pera kayong mga bata, natawagan na nga namin parents niyo eh." Saad ng isang lalaki at binuksan ang ilaw.

"At kayong dalawa naman, si Kreigh lang talaga ang kailangan ko sa inyo, nasabay lang yung isa." Dagdag niya.

"Anong meron sakin? Wala nga ako." Protesta ko sa kaniya.

"Madali lang 'yan, alam na naming may kayo ni Luhan, ex-employee niya ako eh." Umiling naman ako agad.

"Wala nang kami, may asawa na siya, atsaka may nauna nang gumawa nito sa inyo pero di lang nila nakuha ang gusto nila." Pag-amin ko.

"Wag ka nga, bibigyan kami ni Luhan ng pera pantubos sayo, gusto mong subukan?" Paghahamon nito.

"Nasa Russia na siya ngayon, di mo na siya maco-contact." Baritono kong balik.

"Edi kung nasa Russia na siya, wag siyang sasagot sa landline ng opisina niya." Nagpunta sa telepono niya yung lalaki at nagpipindot ng mga numero.

Tatlong beses niya itong inulit pero wala talagang sumagot.

"Oh di ba wala? Paalisin mo na ako pati ang lahat dito, maghanap kayo ng maayos na trabaho." Sambit ko at tumingin sa iba pang bihag.

"Magsisigarilyo lang kami at uulitin namin, hindi pwedeng mauwi lang sa wala ang pagod naming kunin ka Kreigh, ewan sa inyong dalawa." Umiiling na saad nung may tattoo at naglagay ng yosi sa bibig bago lumabas.

Napadighay na lang ako sa sobrang kapaguran sa nangyayari sa akin.


END OF CHAPTER 30.

THANK YOU FOR READING, LOVELOTS!❣

Trust (LOVE) IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon