29-Shattered

31 5 1
                                    

Kreigh

"Oo nga, pero wag ka nang pumunta sa taong mas piniling mamatay ka na lang." Payo ni Von.

"Pupunta pa rin ako, kakamustahin ko siya, pwede pa rin naman akong umakyat sa opisina niya di ba?" Nakatingin sa lamesa kong usal.

"Eh anong gagawin mo naman do'n? Kakamustahin mo lang talaga? Dapat nga ikaw yung kinakamusta niya eh pero akala niya na nga pala patay ka na." Saad naman ni Von.

"Yung kayamanan kasi na 'yon, pinaghirapan pa yon ng mga magulang niya simula't sapul, at pinaghirapan niya rin kung anong meron siya ngayon kaya hindi madaling isuko na lang yon, pero naniniwala akong mahal niya ako." Pagpapaintindi ko sa kaniya.

"Makikipagbalikan ka?" Natahimik ako sa tanong niya at nagkibit-balikat. Hindi naman kami naghiwalay di ba? "Ang kwento ni Ritz tungkol kay Luhan eh matigas talaga ang puso niyan, hindi gano'n gano'n naa-attach kaya akala nila pag-asa ka na nila para mapatumba siya." Paliwanag ni Von.

"Malambot ang puso ni Luhan." Pagkontra ko.

"Ikaw ang bahala, kakain na ako ng cookies." Pagtatapos niya na lang sa topic.

Matapos kong maglunch kasama si Von ay bumyahe na ako papunta sa pinagtatrabahuan ni Luhan.

Naninibago na ako sa laki ng building niya.

Huminga ako nang malalim at pumasok na sa loob.

Dumiretso na lang ako sa elevator at pinindot ang number 10 hanggang sa dinala na nga ako nito sa 10th floor.

Kinakabahan ako habang humahakbang papunta sa opisina niya.

Wala akong tinatanim na galit kay Luhan, naiintindihan ko ang desisyon niya.

Kumatok ako nang tatlong beses at nag-intay sa sasagot pero maya maya ay may nagbukas ng pinto.

Niluwa nito ang isang maputi, blonde, matangkad, petite, goddess at model-like na babae.

"Hi, how can I help you?" Magalang na tanong nito.

"Uhm, I'm looking for Mr. Luhan Sarmiento?" Sagot ko rin.

"Oh, do you have a thing to discuss with my husband? As far as I can remember he doesn't do meetings in his office." Natulala ako sa narinig ko, husband na lang yung naintindihan ko sa sinabi niya.

"H-husband? So, Mr. Sarmiento was married?" Tanong ko nang palunok.

"I thought his employees know that already but maybe you're a newbie, so yes, we have been married for 5 years now." Hindi ko na makaya ang paninikip ng dibdib ko.

"5 y-years?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Hm-hm? We did it in Russia actually, and I just came here because he told me he wanna go back there now, he's just so clingy because he won't travel on a plane without me."

Without me.

I can't take this anymore.

"Uh, okay." Ani ko at tumawa nang awkward. "Busy siguro--maybe he's busy so I will just comeback later."

"Are you sure? I could wake him up for you, if that's really relevant." Mukhang sweet pa 'tong babae, kailangan talaga ni Luhan ng kagaya niya.

"No...no need, it's not that important." Pailing kong ani.

"Or leave a message perhaps?" Napaisip ako sa sinabi niya.

"Uhm just tell him that Kreigh Salvatera passed by." Lumunok pa ako nang malalim at ngumiti sa kaniya nang pilit bago kumaway.

Hindi na ako makakatagal do'n kaya nagmamadali na akong naglakad palayo.

Kasalanan mo naman Kreigh di ba? Ang lamig lamig niya sayo pero madaldal ka sa kaniya, ayaw niya sayo pero ikaw ang lumalapit sa kaniya para humingi ng tulong.

Hindi rin naman ako, siya yung nagkusang tumulong! May pa confess confess pa siya, may asawa na pala siya.

Tanginang buhay 'to, kung di ako maghihirap, masasaktan naman sa minamahal, wag nang magmahal.

Una, niloko lang ako.
Pangalawa, ginamit lang ako.
Pangatlo, ginago lang ako.

Ayaw ko na nang pang-apat, baka mas malala pa ang kahahantungan sa huli.

Nakatayo lang ako sa parking lot ng building ni Luhan, naghihintay ako ng taxi na masasakyan dito.

Oo talagang lutang na ako.

"Kreigh." Naigtad ako sa boses na 'yon kaya agad akong lumingon.

"L-luhan." Hindi ko makayanang tignan siya sa mga mata.

"I'm sorry for everything." This time, nagkalakas loob na akong tignan siya.

"Sorry for everything? Yan naman yung palagi niyong line sa huli eh. Ano ba Luhan, alam mo yung past ko di ba? Tinulungan mo pa nga akong maghiganti, tapos ginirlfriend mo ako, may asawa ka na pala!" Sigaw ko sa galit. Gusto kong ilabas ang hinanakit ko.

Hindi ko lang matanggap na kalaban ko lang ang kabet noon, ngayon naranasan ko ring maging isa.

"Siguro nga tama ka, hindi ako pusong bato kagaya ng iniisip ko kaya ako nahulog sayo." Pangatwiran niya.

"Siguro nga tama ka rin, binibigay ko agad ang lahat ng tiwala ko kaya sa bandang huli, durog na durog ako." Sambit ko rin.

"I--I'm sorry, but build up yourself, don't trust people easily." Nauutal niyang saad.

"Wala ka nang karapatang pangaralan pa ako ngayon, dahil ngayon hindi ka na tama sa paningin ko." Baritono kong saad.

"I'm sorry pero buti nakaalis ka na sa mga kamay ng masasama na 'yon." Sasagot na sana ako nang biglang dumating yung babaeng napaka ganda, walang wala ako.

I don't compare though.

"Sweetie, we have to go now, the flight is in 30 minutes." Tawag ng asawa niya sa kaniya habang naglalakad. "Oh finally, you have talked to her." Aniya pa nang makita ako.

Pinipigilan ko talagang maluha sa harapan nila kaya pinilit kong ngumiti.

"I really think we should go now." Ani ni Luhan at nauna nang maglakad.

"Goodbye Kreigh, hope you have said to him what you wanted to say earlier." Ang sweet niya talagang babae, parang palaging nakangiti.

Kumaway na lang ako sa kanila.

"Safe flight." Gusto kong sabihin pero di ko kaya dahil pipiyok ako at lalabas ang nagbabadyang mga luha ko.

5 years na pala sila, nakatira lang sila sa Russia.

Doon siguro sila nagsettle at nagbusiness trip lang dito si Luhan.

Simula ngayon, aalisin ko na ang pake ko sa kaniya. Susubukan ko talaga, dahil bukod sa mag-asawa na sila, baka may mga anak na rin sila.

Ang sakit, ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon, I just want to disappear into a thin air.

END OF CHAPTER 29.

THANK YOU, LOVELOTS!❣

Trust (LOVE) IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon