Kreigh
Andami naman nitong alam.
"Bakit may pa ganiyan?" Nagkibit balikat siya sabay cross arms.
"I just want that, won't you do that for me?" Nagpamewang naman ako na parang matanda.
"Nagiging weirdo ka na, hindi ko gagawin bye." Sa paglagpas ko sa kaniya ay siya ring pagdating ng nurse.
"I'm not going anywhere, Kreigh. Kung gusto mo, dito na lang talaga ako forever." Mala seryoso niyang bigkas.
Mapagpaumanhin akong ngumiti sa nurse at dumiretso palabas ng hospital room.
Lalabas din 'yon, maniwalang forever siya ron.
Didiretso ako sa parking lot at sa kotse niya, susunod naman siya eh.
Nag-aantay sa kaniya rito sa kotse niya, oo talagang nauna pa ako.
Dalawang oras na ang nakalilipas kaya bumaba na ako para tunguin yung room kung saan huli ko siyang nakita.
Tanaw na tanaw ko naman ang pagmumukha ni Luhan mula rito sa pintuan. Nakaupo siya sa isang sofa at parang di na mapinta ang kaniyang mukha.
"Talaga bang dito ka na lang habambuhay?" Panguna ko. Inis ang ekspresyon niyang tumingin sa akin.
"If you don't believe then don't, but I was for real when I said that." Mapapangiwi ka na lang din talaga.
"Anong pumasok sa kokote mo uh at sineryoso mo 'yon." Usal ko.
"Gusto ko lang ipakita sa'yo na totoo ako sa mga sinasabi ko, kagaya na lang ng gusto kita." Nakabusangot pa rin niyang sambit.
Humilamos ako at dumighay.
"Hindi ko naman sinabing di ako naniniwala uh?" Balik ko.
Napalitan ng malawak na ngiti ang parang pato niyang bibig kanina.
"Pero di na ako galit. You, coming here just means that you really care about me." Iba na ang tono ng pananalita niya. "So, take me out of here na rin." Sabay lahad ng kamay niya.
Wala namang mawawala kapag sinunod ko yung kaartehan niyang trip kaya kinuha ko na lang yung kamay niya.
Tumayo na siya sa sofa at tinignan ako nang tinging mauna na akong maglakad.
Maya-maya pa ay nakasakay na kami sa kotse niya.
"Akala ko talaga hahayaan mo na lang ako ro'n eh." Aniya na ikinairap ko.
"Paanong hahayaan eh ikaw nga magdadrive ng kotse," pagrarason ko.
"Talagang 'yon yung dahilan ng pagsundo mo sa akin do'n?" Tinikom ko ang bibig ko sa pag-iisip ng sasabihin.
"Hmm, magiging honest na lang din ako uh? I feel like you shouldn't court me." Ani ko sa mababang boses.
"Bakit? Was that because of how I acted?" Mapag-alalang tanong niya. "I'm sorry, I just didn't know why I felt to do that."
"It's because I feel I should agree to be your girlfriend, like you have been the person that always helps me, andaming beses na nandiyan ka para sa akin kahit pa hindi mo mailabas yung totoong pake mo, kitang-kita 'yon sa mga kilos mo, I had heartbreaks and I have moved on from them already, it's time to open my heart again and let it begin." Paliwanag ko at umiwas ng tingin.
"I have no words to say, I'm literally speechless, I know I was like a dickhead earlier about this gf thingy, but that coming out from you hits different." Komento niya na halatang hinuhugot sa puso niya ang mga sinasabi.
"Uhm, I admit I like you but I'm not sure if I love you so, it's just I don't think I could ever like somebody else pa kaya sure ako sa sinabi ko ngayon." Makatotohanang sambit ko.
"Just own me now, I will hold you forever." Nagngitian pa kaming dalawa bago niya ako yakapin nang mahigpit. "The feeling I have right now is so damn mixed, this is the first time I felt this in my whole existence."
Yumakap naman ako pabalik at mas nilawakan ang ngiti.
"Ipakilala mo ako sa parents mo uh, dapat makuha ko boto nila para akin ka na talaga." Dagdag pa niya.
Kumalas na kami sa pagkakayakap para tumingin sa mga mata niya.
Bumuntong hininga ako, "Sure ka?"
"So sure, because I'm so sure of you." Masu-surething din pala ako.
Nanigas ang buong katawan ko nang dumampi ang malalambot niyang labi sa akin.
Wala akong masabi, naistatwa talaga ako.
"I'm s-sorry, I got the feeling to peck your kissable lips." Umusog siya sa upuan niya na nahihiya ko na lang na nginitian.
"You have the right to do so, I'm your girlfriend now." Pangatwiran at nahalata ang pamumula ng pisnge at tenga niya at ang ngiti niya rin ay hindi napigilan.
"Aww, I love you baby. Kahit lalaki ako, talagang di ko maitago ang kilig ko sa sinabi mo." Komento niya nang may malawak na ngiti.
Nakiliti rin ang puson ko sa pagtawag niya sa akin ng 'baby'.
Tinikom ko ang bibig ko at nahihiyang tumingin sa dashboard.
"I like you too," balik ko.
"Yeah, I'm sure that 'like' will turn into 'love' soon." Aniya naman at sinimulan na ang makina. "Want to have a latte first, baby?"
I looked at him and gave him a close-lipped smile, "Sure babe," sagot ko na ikinalingon ng ulo niya sa bintana niya na tila iniiwasan ako.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa medyo tumagal na ito.
"Babe, are you okay?" Mapag-alalang tanong ko at humawak sa bisig niya.
He stayed silent for a little while before looking back at me with pure pinkish cheeks.
Ang cute niya, minsan gwapo minsan cute.
"Damn, you just called me babe, it's so fucking good to hear!" He breathlessly said.
"Oo na, mag-latté na tayo." Natatawa kong saad at tinapik ang hita niya para magpaandar na siya.
Nagiging awkward talaga kapag first time ng pakikipagrelasyon.
END OF CHAPTER 23.
THANK YOU, LOVELOTS!
BINABASA MO ANG
Trust (LOVE) Issues
RomanceWhen loving gives you the sweetness then comes along the bitterness. When it makes you feel whole but suddenly crashes you like a shattered glass. Too much trust sometimes can make you feel like a dust... Sa sobrang pagkamartyr sa pag-ibig ay magbub...