I. N. U. T. I. L.

10 1 0
                                    

          Sa hearing sa senado noong Pebrero 28, 2023 tungkol sa traditional jeepney phaseout, naglabas ng saloobin si Senator Raffy Tulfo. Mariin niyang kinondena ang PUV Modernization Program. Ayon sa kaniya, salapi ang nakikitang niyang dahilan kung bakit minamadali ang pagpapatigil sa operasyon ng mga dyipni.

Pinusuan ng mga netizens ang buong pahayag ng senador. Isang malakas na supalpal ang pinakawalan niya, kaya marami ang nakatagpo ng kakampi sa kaniyang katauhan.

"I would like to commend you, your passionate, and in pursuing this resolution for hardworking jeepney drivers. Mr. President, ang bottomline dito sa nakikita ko ay... salapi. May mga gustong kumita. Unang-una na diyan... They are now salivating. Tumutulo na ang laway nitong mga taga-LTFRB, na atat na atat nang kumita ng mga pilak. God knows Judas not pay. Alam niyo po ang sa dyipni? Nakalagay, 'God knows Judas not pay.' Maraming mga Hudas, yes, na gustong yumaman, gustong tumiba-tiba. At the expense of the mga pobreng jeepney drivers, just imagine 2.4 million po ang halaga ng isang... 'yong modernized jeep na sinasabi nila at three hundred thousand lang naman po ang mabibigyan ng subsidy. So, 2.1 million po ang... kailangang pagbabayaran ng mga jeepney drivers. Alam naman po ng mga taga-LTFRB, kung magkano ang kinikita ng isang jeepney driver sa maghapon. Ang marami sa kanila ay hindi pa nga po makabuo ng boundary. Ang ilan sa kanila ay isang kahig, isang tuka dahil nga po mahina ang kita. Pagkatapos, kakargahan ng 2.1 million pesos, na proproblemahin, babayaran. Ang kakapal ng mga mukha ng mga ito, na nagtutulo-laway na mga taga-LTFRB! At tama kayo, Mr. President. I agree with you. 'Yong mga taga-LGU ay kanya-kanyang diskarte. Ayaw magbigay ng ruta dahil gusto nilang sarilinin 'yong ruta. Kailangang dumaan sa kanila. I have so many experiences. Hindi naman po lahat. Itong mga taga-LGU, gustong kumita. Hinuhuli po 'yong mga jeepney drivers. Hinuli ang mga tricycle sapagkat gusto nilang magkaroon ng sarili nilang unit. Gusto nilang maging own operators. Marami rin po sa mga taga-LGU, again, hindi naman po lahat, na mga... loko-loko. Unfortunately, sa halip na kaawaan ang kanilang mga constituents, ang mga taong bumoto sa kanila, 'yon pa ang kanilang ginigipit. FYI, mga taga-LTFRB, ang dyipni po ay parte na ng ating kultura. As a matter of fact, ang mga taga-ibang bansa, pinupuri po ang ating mga dyipni at ginagamit po ito bilang tourist attraction. Sa kanilang lugar, ipinagmamalaki ang dyipni natin. Pagkatapos, tayo ipi-phaseout natin ng gano'n-gano'n na lamang! Ang kakapal ng mukha nitong mga taga-LTFRB. Ang kakapal ng mukha nitong ilang mga taga-LGU. Hindi nag-iisip. Ang tanging iniisip lang po nila, Mr. President, ang kanilang bulsa. And adding insult to injury, saan galing, saan manggagaling itong mga dyipni? Galing ng China! Na kung saan, itong mga taong ito, ang hanggang ngayon, even when we speak, ay tuloy-tuloy na inaapi ang ating mga mangingisda. Pagkatapos apihin ang ating (mga) mangingisda, tutulungan natin sila na para kumita, pagkakitaan ang mga jeepney drivers para kumita ang mga... I-N-U-T-I-L na mga taga-LTFRB. Mister President, baka marami pa akong masasabi, bago ako ma-high blood, ang masasabi ko lang, LTFRB, maghunos-dili kayo dahil kapag hindi, pare-pareho tayong sasabog. Believe me or not. Maraming salamat, Mr. President!" pahayag ni Senator Tulfo.

Kung tahasang nagalit si Senator Tulfo sa mga taga-LTFRB at ilang mga taga-LGU, hayagan namang natuwa ang karamihan sa mga tagasuporta niya. Sabi ng isa, hindi raw nasayang ang pagboto nito sa kaniya.

"Salute!"

"Tama ka po!"

"Mabuhay po kayo, Idol Raffy!"

"Nice, Idol!"

"Salamat, Sir Raffy!"

Ilan lamang iyan sa magagandang mensaheng natanggap niya sa paglabas ng saloobin tungkol sa jeepney phaseout. Marami ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa kaniyang mga sinabi. Tila nakatagpo ang mga ito ng kakampi sa kaniyang katauhan dahil wala silang kakayahang iparating ang kanilang mga damdamin at kaisipan at wala silang paraan upang ipaglaban ang kanilang karapatan.

Umaasa ang lahat ng sumusuporta kay Senador Tulfo na maririnig at aaksiyon ang mga binanggit niyang mga taong I-N-U-T-I-L. Isa man itong masakit na salita para sa iilang natamaan nito, pero mas marami ang nasaktan at masasaktan kung ang isinisigaw ng karamihan ay hindi mapakikinggan.

Ang pahayag niya ay kasinlakas ng pagsabog ng bulkan. Kung hindi pa matamaan ang mga taong pinatutungkulan, hindi lang sila inutil, manhid pa. Kung hindi pa sila kikilos at mag-isip nang tama para sa kabutihan ng nakararami, baka hindi lang iyan ang marinig nila. Marami pang salitang maaaring ibato sa kanila bukod sa salitang 'inutil.'

I. N.U.T.I.L. Inutil!

Sa wikang Ingles ay useless. Mababaw lamang na kahulugan iyan. Ibig nitong sabihin, maaari pang maging useful ang mga taong kinalampag ng senador. Ang kanilang maling desisyon ay maaari pa nilang bawiin upang ang pakinabang nila sa mamamayan ay magamit para sa kaginhawaan ng lahat, hindi ng sariling kapakanan.

I.N.U.T.I.L. Parang akrostik na tula lang ito. Parang may nais ipakahulugan—masakit man o hindi. Ang galit ni Senador Tulfo ay marahil bugso lamang ng damdamin. Normal naman sa tao ang magalit, lalo na kapag may mabigat na dahilan. Siya ang naging boses ni Juan Dela Cruz sa isyung ito. Isa itong hamon para sa lahat ng mga pinatutungkulan. Kung sila naman ay maggagalit-galitan, hindi nareresolbahan ang ugat ng kaguluhan. Mananatiling inutil ang mga namumuno. Magiging inutil ang pakikipaglaban ng mga apektado.

Inutil ang taong walang ginagawa, walang kabuluhan, walang silbi, at walang kakayahan. Ang mga taong nakaupo sa trono ay hindi nararapat na maging inutil dahil sila ay iniluklok upang sila ay magbigay-serbisyo sa bayan. Sa panahon ngayon, inutil na rin ang tawag sa mga lider na walang ginawa kundi magpayaman at ibulsa ang pera ng pamahalaan.

Kung sinoman ang natamaan ng salitang 'inutil,' dasurv niyo 'yan. Tanggapin na lamang ito at sikaping baguhin ang pagkatao upang hindi matawag na inutil. Masakit talaga ang salitang ito lalo na kung sinabi mismo sa 'yo. Daig pa nito ang natanggalan ka ng kuko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sanaysay is EssayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon