Ano ang Plagyarismo

2K 3 0
                                    

Ano ba ito? Bilang mga mambabasa, mananalumpati at manunulat, ano ba ang dapat nating malamang tungkol dito? Mahalaga bang malaman natin ito?

            Nitong Agosto 15, taong kasalukuyan, inakusahan si Senador Vicente "Tito" Sotto  III ng pladyirismo nang magtalumpati siya kaugnay ng RH Bill na kanyang tinututulan, gamit ang ilang pangungusap sa "blog'' ni Sarah Pope, isang manunulat na nakabase sa  Estados Unidos, nang mapansin ito ng mga komentador na sina Vincent D. Bautista at Miguel Syjuco. Umani siya ng mga batikos at nagtamo ng sakit sa kalooban. Ayon sa kanila, kinopya ng senador  ang mahabang bahagi sa "blog" at eksaktong-eksakto.

             Sinadya man o hindi ang pagkakatugma ng talumpati niya mula sa orihinal na akda ni Sarah Pope, isa pa rin itong kaso ng pladyirismo dahil tahsan niyang kinopya ang mga pangungusap, salita sa salita at walang pagbanggit sa may-akda.

             Opo! Ang pladyirismo ay isang pagsira sa batas ng pamamahayag at pagsusulat, isang pang-akademikong pagsisinungaling at isang uri ng pagnanakaw. Ang isang manunulat o mamamahayag na tahasang ginamit, kinopya o binigkas ang akda o sinabi ng iba ng walang kaukulang paalam o pagkilala sa orihinal na may-akda ay labag sa batas ng dyurnalismo. Ang taong lumabag nito ay hindi nararapat na tawaging manunulat, mananalumpati o mamamahayag.

             Bilang mambabasa, mahalagang malaman natin kung ang binabasa natin ay produkto ban g plagyarismo o hindi. At bilang mananalumpati , manunulat o mamamahayag, maging responsible tayo sa paggamit ng akda ng iba. Hindi masamang kilalanin ang tunay na may-akda. Mahalagang malaman nating lahat na ang pladyirismo ay isang masamang gawain na dapat iwasan.


Sanaysay is EssayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon