Vote! Vote! Vote!
_____
"Love" tawag ko sa boyfriend ko.
Nandito kami ngayon sa aking kwarto nakahiga. Oo nakahiga lang.
Nagtaas lamang ito ng kilay sa akin habang pinaglalaruan ang buhok ko.
"Gawin natin tong trend sa tiktok" sabi ko rito at ipinakita iyong bagong trending sa tiktok.
Iyong trend na nasa likod iyong lalaki tapos iyong babae sa harap iaabot iyong cellphone pagkatapos ay yayakapin nong babae iyong lalake.
"Tsk, ayoko." tamad na sagot sa akin ni Dave.
"O-ok" sagot ko na lamang dito. Hindi na ako nagpumilit dahil baka magalit pa sya sakin.
Lagi na lang ayaw, sa tuwing niyayaya ko syang gawin yung mga trend sa tiktok na magjowa ayaw nya.
Pero kapag yung mga kaibigan nya hindi sya uma-ayaw pero kapag ako laging ayaw hayss.
Minsan ay pinagseselosan kona ang mga kaibigan nya lalo na si Lala, sobrang close kasi nila tapos kahit anong hilingin ni Lala, ibibigay o gagawin nya.
Hindi ko na lang sinasabi sakanya dahil sigurado ay sasabihin nya lang "kaibigan ko lang siya" ganyan naman kasi lagi ang sinasabihin niya sa akin tuwing nagseselos ako kay Lala, kaya tuwing nagseselos ako ay tumatahimik nalang ako.
Minsan pa nga, may date kami ni Dave pero ikina-cancel nya kasi daw kasama nya si Lala, kesyo may pupuntahan sila. Hinahayaan ko na lang, wala rin naman kase akong magagawa.
Ipinagpatuloy kona lang ang panonood. At hindi na sya kinulit pa.
"Aalis na ako" sabi nito sa akin at tumayo na.
"Bakit" tanong ko rito at tumayo na rin.
"Nagpapasama si Lala, may bibilhin daw sya sa bayan" simpleng sagot nito sa akin.
Tumango na lamang ako dito.
Umalis na sya pagkatapos nyang ayusin iyong damit nyang nagusut kanina dahil sa paghiga nya.
Sinundan ko ito ng palihim, titignan ko lang kung anong gagawin nila. Nagdududa na kase ako, baka may iba na silang ginagawa tuwing umaalis silang dalawa.
May tiwala naman ako sakanya pero minsan kase hindi ko maiwasang mag overthink.
Sumakay na ito sakanyang kotse, at umalis na. Pumara na kaagad ako ng tricycle.
"Manong sundan nyo po iyong kotseng iyon" sabi ko duon sa driver sabay turo sa kotse ni Dave.
Sumusunod lang kami kay Dave hanggang sa huminto na iyong sasakyan niya sa isang bahay.
"Manong dito nalang po ako" sabi ko at nagbayad na.
Bumaba na ako sa tricycle at nagtago sa may pader. Umalis na si manong habang ako ay nandito sa gilid ng pader at tinitignan ang boyfriend kong nakikipaghalikan sa kaibigan nya, si Lala.

YOU ARE READING
I met you in the dark
RomanceNot all stories had this called "happy ending" Just like the story of Talia Villacorta and Renzo Lemeire. There were problems that came to them that tested their trust in each other, all of which they overcame without losing their trust in each othe...