Chapter 1

112 6 2
                                    

Vote! Vote! Vote!
________

Habang pinapanood ko silang maghalikan ay biglang bumuhos ang ulan. Tila sinasabayan ang bawat patak ng aking mga luha.

Kasing bilis ng patak ng ulan ang pagpatak rin ng aking mga luha.

Tumakbo ako paalis sa lugar na iyon. Bahala na kung saan ako mapunta basta gusto kong makalayo sa lugar na iyon.

Habang tumatakbo ay may nabangga akong  lalake.

"Ano ba yan, bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" saad ng lalaki.

Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa dilim at dahil na rin sa buhos ng ulan.

"Ah eh pasensya na" paghihingi ko ng pasensya.

"Teka umiiyak kaba?" Tanong nito saakin.

Paano naman nya na lamang umiiyak ako?

"Umuulan gusto mo bang sumama sakin, sa bahay ko?" tanong ng lalaki.

"B-bat naman ako sasama sayo, hindi kita kilala noh" sagot ko dito.

"Hindi ako masamang tao, pero kung ayaw mo ay ayos lang, bahala kang maligo sa ulan"

Nagumpisa na syang maglakad, pero bago sya tuluyang makalayo ay hinabol ko sya.

Naramdaman nya atang may nakasunod sakanya kaya sya huminto.

"Bat ka sumusunod?"

"a-ah ano, pwede bang makisilong muna sa bahay mo?" nahihiya kong sabi.

"Tara duon sa bahay" sabi nito sa akin.

Hinawakan nya ang aking kamay at tumakbo, sumunod na lamang ako rito.

Tumigil lamang kami sa pagtakbo ng makarating kami sa isang bahay. Hila hila nya pa rin ako papasok sa bahay.

"Dito ka muna" sabi nito saakin ng nasa luob na kami ng bahay. Binitawan na niya ang aking kamay at pumasok sa isang kwarto.

Maliit lamang ang bahay na ito sakto lang sa isa hanggang tatlong ka tao.

Lumabas sya sa kwartong iyon ng may dalang puting tuwalya.

"Oh magpunas ka" sabi nito sa akin sabay abot ng tuwalya. Kinuha kona ito at ibinalot sa sarili.

Ngayon ko lamang nakita ng maayos ang mukha niya. Gwapo sya.

Singkit na mata.
Matangos na ilong.
At perpektong labi.

"Wala akong damit na pambabae dito sa bahay, kaya iyong damit ko nalang ang ipapahiram ko sayo para makapag palit ka, baka lagnatin ka" sabi nito sa akin at pumasok muli duon sa kwarto.

Hinintay ko na lamang sya, hindi naman ako ganoong katagal naghintay. Paglabas nya may dala na syang nakatuping damit na kulay itim.

"Oh ito pamalit mo, halika rito ituturo ko sa iyo ang banyo ng makapag palit kana" sabi nito sa akin kaya sumunod ako sakanya.

Mayroon syang maliit na kusina, pumasok kami roon at itinuro na nya sa akin ang banyo, tumango nalang ako rito at pumasok na sa banyo.

Nagpalit na ako ng damit at lumabas na ng banyo. Paglabas ko ay nakita ko iyong lalaki na nakaupo sa monoblack habang nagc-cellphone.

Napansin ata nitong may nakatingin sakanya kaya tumingin din ito sa akin.

"Tapos kana pala" lumapit ito saakin, hinawakan niya ang aking noo, napahakbang ako palayo sakanya dahil sa kaniyang ginawa.

"Ah s-sorry ano magpapalit muna ako tapos ay magluluto ako ng ating kakainin" sabi nito saakin at pumasok na sa banyo, umalis na ako duon at umupo duon sa kaninang inuupuan niya.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito at hinilot hilot ang aking ulo.

Lumabas rin kaagad sya sa banyo kaya napaayos ako ng upo.

"May suklay ruon sa sala sa may tabi ng salamin" sabi nito sa akin habang tinuturo ang dinaanan namin kanina.

Pumunta naman ako sa sala, may nakita akong salamin duon kaya nilapitan ko ito may nakita rin akong suklay at pulbo, lotion, at pabango sa gilid nito.

Tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Mugto ang aking mga mata dahil siguro sa kakaiyak ko kanina.

Kinuha kona lamang iyong suklay at sinuklayan na ang saliri nagpulbo na rin ako para naman kahit papaano ay maayos tignan ang aking mukha.

Bumalik ako duon sa may kusina, nakita ko syang nasa harap ng lutuan, nagluluto na siguro sya. Humarap ito sa akin at ngumiti, nginitian ko na lang din sya pabalik.

"Hm anong pangalan mo?" Tanong nito sa akin habang hinihiwa ang gulay.

"Talia,ikaw?" Tanong ko rito.

"Renzo tawagin mo nalang akong Renz" sagot nito saakin.

"Bakit mo ako dinala rito sa bahay mo eh hindi mo naman ako kilala" takang tanong ko rito.

Bakit naman kasi nya dadalhin ang isang babaeng nakabunggo nya lamang kanina sa may daan. Ni hindi nga niya ako kilala eh kaya anong rason bakit nya ako sinama rito sa bahay niya.

"Diko din alam" simpleng sagot nito sa akin at ipinagpatuloy na ang paghihiwa sa gulay.

Teka anong ewan? Ano yun trip nya lang? Gago ba to?

"Thank you" sabi ko rito.

Syempre nagpapa salamat parin ako dahil sa ginawa niya,kung hindi nya ako sinama rito ay baka kung ano ng nangyari sa akin duon sa lugar na iyon, hindi kopa naman alam kung anong lugar yon.

"Welcome" sagot nito sa akin ng nakangiti.

"Ah ano tulungan na kita" lumapit ako rito, ibinigay naman niya sa akin iyong kutsilyo at inabot na rin iying gulay na hinihiwa niya kanina.

"Bat ka tumatakbo kanina sa gitna ng daan habang bumubuhos ang ulan? Tsaka bakit ka umiiyak kanina?" Kyuryosong tanong nito saakin.

"Dahil sa boyfriend ko, i mean ex boyfriend" sagot ko rito.

"uhh, bakit anyare?" Tanong nito ulit.

"Nakita ko kasi syang may kahalikan kanina" sagot ko rito, naalala kona naman ang nakita ko kanina.

"Pwede mo bang ikwento sakin yung nangyari?" Tanong nito sa akin, lumapit ito sa aking pwesto.

"Kalalaki mong tao chismoso" sabi ko rito.

"Gusto ko lang naman malaman ehh, dali na kwento muna, malay mo matulungan kita" pangungulit nito sa akin, habang sinusundot-sundot nito ang aking pisngi.

Napangiti ako dito dahil sakaniyang kakulitan.

"At ano namang maitutulong mo sa akin ha?" Tanong ko at humarap sakanya.

"Yung ano, yung parang duon sa mga palabas yung kapag niloko sila nung dati nilang boyfriend tapos hahanap sya ng lalaki para magkunwaring boyfriend tapos pagseselosin nila iyong ex, ganon" bigla naman akong napaisip sa sinabi nito, pero saan naman ako hahanap ng lalaki.

"Oh dali na kwento muna" pangungulit parin nito sa akin.

Kung kanina ay sinusundot nya lang ang aking pisngi ngayon naman ay niyuyugyoy na niya ako ng bahagya.

Ikwinento kona lamang ang nangyari kanina para tumigil na siya sa pangungulit sa akin. Habang ikinikwento ko sakanya ang nangyari kanina ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha.

"Awts peyn, masakit?" Kuryosong tanong nito. Gago ata to tinanong pa talaga kung masakit tsk.

Teka bat parang bata to eh kanina lang ay parang sobrang mature nya, may sakit ba to sa utak?

"Gago kaba? Syempre masakit yon, mahal ko yun ehh" sagot ko rito habang pinupunasan ang aking luha kanina gamit ang aking kamay.

I met you in the darkWhere stories live. Discover now