Chapter 14

6 0 0
                                    

"Tangina mo" sigaw ko kay kuya.

"Tangina mo rin" sagot naman nya.

Kanina habang naghahampasan kami ay dumating si dad at sinermonan na naman kami, palagi na ata kaming masesermonan nito tuwing umaga.

Pumunta na si dad sa resto habang kami ni kuya ay nagbabangayan pa rin.

"Kuya" tawag ko dito. Tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Tara gala"

"Maligo kana" saad nya kaya't nagmadali na akong naligo.

Papalibre ako sakanya hihihi. Nag ayos lang ako saglit, simpleng make up lang ang ginawa ko saka na lumabas ng kwarto tapos na ding maligo si kuya ng makababa ako.

"Bilisan mo" saad nya ng makita ako. Nagpalaam na muna ako kay Ate Mia na aalis kami ni kuya at sya na munang bahala dito sa bahay. Naghihintay na sa loob ng kotse si kuya ng maka labas ako. Sumakay na ako sa kotse at pina andar na ni kuya ito.

"San tayo pupunta" tanong ko kay kuya na seryosong nag da drive.

"Where do you want to go" tanong niya naman.

"Kahit saan, pero gusto ko duon sa maraming pagkain saka peaceful na lugar" sagot ko sakanya.

Hindi na sya nagsalita at pinagpatuloy na lang ang oag da drive, makalipas ang kalahating oras ay sa wakas huminto na ang kotse.

"Nasan tayo" tanong ko sakanya, hindi ako pamilyar sa lugar na to, ni hindi ko nga alam kung saan kami dumaan, kaya kapag iniwan ako dito ni kuya siguradonv maliligaw ako.

"Follow me" sumunod naman ako sakanya, naglakad kami hanggang sa may makita akong mga kubo.

Sunod sunod na kubo ang makikita dito.

"Dito ako pumupunta kapag gusto ko ng tahimik na lugar, binili ko ang isang kubo dito para kung sakali ay may mapupuntaha ako " sabi niya habang naglalakad kami.

Huminto kami sa isang kubo sa may bandang dulo ng sunod sunod na kubo rito. Umikot kami para pumunta sa may pintuan ng kubo. Ng tignan ko ang tanawin sa harap ng kubong binili ni kuya ay ang sikat ng ang una kong nakita, bukod duon ay puro puno na lamang ang makikita mo.Ang ganda. Tahimik, peaceful.

Kung hindi pa ako tinawag ni kuya ay hindi ko aalisin ang tingin ko sa tanawin. Bago pumasok sa kubo ay hinubad ko muna ang suot kong sapatos, dahil baka narumihan iyong loob ng kubo.

Medyo malaki ang kubo na ito bukod duon sa ibang kubo sa labas, parang mga tipikal na kubo lamang iyon pero ito hindi, may kama sa loob, may maliit na lamesa rin at maliit na lababo na gawa din sa kahoy. Hindi ko alam kung paano nila nagawa yuon at ang masasabi ko lang ay astig.

"Sabi mo gusto mo sa Peaceful kaya dito kita dinala." Sabi nya saka humiga sa kama.

"Pwede kang maglakad lakad sa labas wag ka lang masyadong lalayo" sabi nya bago ipinikit ang mata.

"Sige lalabas na muna ako" sabi ko saka lumabas ng kubo. May nakita akong tsinelas sa may kubo kaya't kinuha ko ito. Kay kuya naman siguro iyon noh.

Naglakad lakad ako hanggang sa mapunta ako sa may malapit gubat, may natumbang punong kahoy sa may banda kaya duon ako umupo.

Iginala ko ang paningin ko sa may gubat, ng may makita akong tutang nagtutulog sa may tabi ng isang puno. Lumapit ako dito, umupo ako para maabot ko ito. Ang cute ng aso kaya't hindi ko napigilang hawakan ito.

Nagising naman sya dahil siguro may naramdaman syang humawak sakanya, akala ko ay tatakbo sya paalis ng tumayo sya ngunit mas lumapit pa ito sa akin.

I met you in the darkWhere stories live. Discover now