Chapter 10.
"Good morning" si daddy.
"Good morning dad" ako.
"Na san si kuya dad" tanong ko.
"Umalis, may pupuntahan daw sila ng mga kaibigan nya" tumango na lamang ako.
Umupo na ako sa may upuan saka na nag umpisang kumain ng agahan.
Habang kuma kain kami ay panay ang tunog ng cellphone ni daddy.
"Bat hindi mo muna sagutin yung tawag daddy"
"Huh don't mind it, continue eating" saad nya, saka pinatay ang cellphone nya.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng sala, at duon nanood.
"Talia, wala ka bang gagawin ngayon" tanong ni dad pagkapasok ng sala.
"Meron po mamayang 7pm dad, baket" sagot ko.
"Mamayang 7 pa naman pala, sumama ka na muna sa akin sa resto" saad nya.
"Anong gagawin ko dun dad"
"Marunong ka namang gumawa ng milktea diba, may lagnat kase yung taga gawa ng milktea sa resto baka pwedeng ikaw na muna" sabi ni dad. "Kung gusto mo lang naman" dagdag nya.
"Hm sige dad ako na muna, basta 6pm aalis na ako"
"Sige sige"
"Magbibihis lang muna ako dad" saad ko, tumango lamang si daddy.
Pumasok na ako ng kwarto saka pumunta sa may maliit kong closet. Pumili na ako ng susuutin ko saka na pumunta sa banyo sa kwarto ko.
Simple lang iyong napili kong suotin, kulay puting crop top sa pang itaas, tsaka baggy pants naman sa pang ibaba, nike air force naman na sapatos ang isinuot ko.
Pagkatapos mag bihis ay lumabas na ako ng banyo, nag make up na lang ako saka lumabas na. Simpleng make up na lang ang ginawa ko.
"Tapos kana" tanong ni dad ng makita ako.
"Opo" sagot ko.
"Let's go" tumango na lamang ako.
Pag kadating namin sa resto ni dad, yes resto lang ni dad hindi kasi namin kino consider ni kuya na samin din tong resto, saka lang namin i ko consider kapag kami na mismo ang nakapag patayo ng sarili naming resto o business.
"Corta" ang pangalan ng resto, galing iyon sa apelyido namin. Malawak ang resto ni dad, may second, third floor at may rooftop.
Simple lang tignan iyong unang palapag nito, parang natural na restaurant lang. Sa second floor naman ay may cafe na nag se serve ng kung ano anong mga kape, kapag kase nandito ka sa unang palapag ay iyong mga simpleng kape lang.
Sa cafe na iyon ay may iba't ibang mga pastries, cupcakes and cakes at syempre .
Sa third floor naman ay ang bar pero duon ay walang sumasayaw na mga babaeng halos wala ng suot, ayaw namin sa ganon, duon ay iinom ka lang o mag pa-party.
And last ay ang sa rooftop, sa rooftop ay restaurant din ang kinaibahan lang ay mas romantic duon. Madalas ay mga mag jowa o mag asawa ang duon kumakain, iyong rooftop ay pwedeng i rent ang isang gabi.
Marami na din ang nag rent duon sa rooftop, madalas ay duon nag p-propose iyong mga lalaki. Kung minsan naman ay ni re-rent nila iyon dahil duon sila mag p-party o mag c-celebrate ng birthday nila.
YOU ARE READING
I Met You In The Dark
RomanceNot all stories had this called "happy ending" Just like the story of Talia Villacorta and Renzo Lemeire. There were problems that came to them that tested their trust in each other, all of which they overcame without losing their trust in each othe...