Chapter 2

85 6 0
                                    

Vote! Vote! Vote!
___________________

"Panyo" sabay abot nito sa akin ng panyo. Pinapanood nya ako habang nagpupunas ng aking luha.

"Salamat"

"Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking iyon, hindi sya worth it iyakan kaya tahan na, ganda ganda mo tapos umiiyak ka" uminit ang aking pisngi dahil sa sinabi nito.

Tama naman sya hindi ko dapat iniiyakan iyong manloloko na yon, hindi sya karapat dapat para iyakan, kaya tahan na Talia.

"Gwapo ba sya?" Kyuryosong tanong niya sakin.

Oo pero mas gwapo ka. Gusto ko sanang sabihin iyon kaso baka lumaki ang ulo nya.

"Oo" sagot ko.

"Mayaman?" Tanong uli nito.

"May kaya"

"Mahal mo pa?"

"Oo" mahinang sagot ko rito.

"Mahal ka ba?" Tanong nito na nagpatigil sa akin.

Mahal nga ba talaga nya ako? Alam kona ang sagot nuon pa ngunit pinagsasawalang bahala ko lamang iyon dahil nangingibabaw parin ang pagmamahal ko para sakanya.

Oo minahal nya ako.

Minahal nya lamang ako ng panandalian.

"Ah ano so-sorry, hindi ko sinasadyang maitanong iyon" natigil ako sa pagiisip ng magsalita sya.

"Ok lang,Hindi mo naman kailangang mag sorry wala ka namang ginawang mali ehh" sabi ko rito dahil parang hindi sya mapakali.

"Minahal nya ako pero panandalian lang" sagot ko rito at pinunasan ang luhang kumawala aa aking mata.

"So-sorry ta-talaga" ang kulit talaga neto sinabi ng ok lang, nagsosorry pa rin tsk. Kulit.

"Ok nga lang"

"Ano hihiwain ko muna iyong manok" sabi nito at umalis na sa aking harapan.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang paghihiwa sa mga gulay at hinugasan na ang mga ito, sabay lamang kaming natapoa sa panghihiwa.

Sinigang siguro ang iluluto nya base sa mga kasangkapan, may roong petchay, gabi, at manok ei meron ein akong nakitang sinigang mix kanina duon sa gilid ng kalan.

"Sinigang ba ang iluluto mo?" Tanong ko rito.

"Ah Oo, para makahigop tayo ng mainit na sabaw" sagot nito sa akin at iginisa na ang bawang at sibuyas.

Marunong din naman akong magluto tinuruan ako ni daddy.

Si daddy ang nagturo sa akin dahil wala si mama. Hindi ko nakita ang mama ko dahil sabi sa akin ni daddy ay namatay daw siya nuong ipinanganak ako.

Pinapili daw ng mga doctor si daddy kung sino ang ililigtaa sa amin, hindi raw pwede na kaming dalawa ang mailigtas.

Pinili ako ni daddy dahil iyon daw ang hiling ni mama, na kung sakaling may maging komplikasyon sa panganganak ni mama ako daw ang iligtas ni daddy. Iyon ang kuwento sa akin ni daddy.

Nakita ko naman ang mukha ni mama kaso sa larawan lamang.

May roon akong kuya pero lagi syang wala sa bahay, parating nyang kasama ang mga kaibigan nya, pero kapag kailangan ko sya ay kaagad naman niya akong pinupuntahan.

Hindi kami ganoon ka close ni kuya pero palagi syang nandiyan pag kailangan ko ng kausap.

"Lalim ng iniisip natin ah, iniisip mo ba kung patatawarin mo sya?" Bakit ba palagi nalang niyang pinapaalala iyong lalaking iyon.

"Pwede ba huwag mo ng ipaalala sa akin iyong lalaking iyon" may inis kong sabi rito.

"Sorry" sabi nito habang nakanguso. Napangiti ako dahil sa ginawa nitong pag nguso, ang cute nya kase.

Bat ang cute nya? Para syang batang pinagdamutan ng lolipop.

I Met You In The DarkWhere stories live. Discover now