Chapter 8

24 1 0
                                    


Vote! Vote! Vote!
_______________

Palabas na kami ng school ni Kara. Papunta na kami ng bayan para kumain ng unli wings. Sa bayan lang may roong unli wings kaya duon kami papunta.

After 20 minutes ay nakarating din kami. Pumasok na kami sa ****** Unli Wings. Ng makapasok ay nag order na kami, pumili muna kami ng flavor ng unli wings, pati na rin inumin, may tinda silang milk tea dito kaya dito nalang kami bumili ng inumin, dark choco ang flavor na pinili namin ni Kara.

Habang hinihintay ang order namin ay naghanap na kami ng mauupuan, may nahanap kami, nasa may bandang sulok ito. Pumunta na kami duon at umupo.

Inilapag kona ang aking gamit sa may lamesa, kada lamesa ay may roong tig apat na upuan.

Nagkwentuhan muna kami ni Kara habang naghihintay ng order namin. Ng dumating na yung order namin ay nilantakan na namin ito agad.

"San ka pagkatapos natin dito" tanong ni Kara habang kumakain.

"Uwi na, ikaw may pupuntahan kapa" tanong ko.

"Grossary, nagchat si mama kanina habang naglalakad tayo papunta dito, nagpapabili ng gatas ni Kira saka cerelac naubusan daw" sabi nito. "Samahan mo ko" dagdag pa nito.

"Sige, wala din naman akong gagawin" wala din naman akong gagawin paguwi saka siguradong wala din sila daddy sa bahay kaya sasama nalang ako sakanya.

Pagkatapos naming kumain ay binayaran kuna din. Maglalakad nalang kami papuntanf grossary dahil medyo malapit lang naman. Tanghaling tapat kaya't sobrang init, buti nalang ay may payong akong dala.

Ng makarating ay pumasok na kami at pumunta na sa may gitnang bahagi ng grossary dahil nandoon iyong mga gatas at cerelac.

"Kara may bibilhin lang ako duon ha" sabi ko dito, tumango lamang ito.

Pumunta na ako sa may dulong bahagi para kumuha ng tissue, ng makakuha ay pumunta naman ako sa mga pagkain. Kumuha ako ng ilang chichirya pati na rin candy, kumuha din ako ng Chuckie. Favorite ko ang Chuckie kaya sa tuwing pupunta ako sa grossary ay hindi pwedeng hindi ako bumili.

Kumuha na ako ng anim na chuckie saka na hinanap si Kara, nakita ko syang naka pila na sa may cashier.

"Pasabay nalang" sabi ko dito.

"Lagay mo nalang dyan" sabi niya kaya inilagay ko na ang aking mga binili sa lalagyan.

"Bayad ko" sabi ko dito saka inabot ang pera.

"Bilhan mo nga akong kerikoto, ayun oh" saad niya sabay abot ng pera.

"Sige, ako ng magbabayad" sabi ko dito

Lumapit na ako sa nagtitinda at bumili ng dalawa, ako nalang din ang nagbayad. Sakto naman ng tapos ng magluto ng fries si ate ay dumating na si Kara dala dala ang dalawang plastic.

"Heto yung sayo oh, nandyan na din yung sukli" saad niya, ibinigay kona sakaniya iyong kerikoto nya.

"Thank you" sabay kuha nung sa akin

Umalis na din kami pagkatapos, habang naglalakad ay kinakain namin iyong kerikoto.

"Wala ka ng ibang pupuntahan" tanong ko.

"Wala na, ikaw" sagot niya.

"Wala na din, uwi na tayo ang init gagi" saad ko.

"Tara na" sabi niya, naglakad pa kami ng kaunti bago pumara ng sasakyan.

I Met You In The DarkWhere stories live. Discover now