Vote! Vote! Vote!
_____________________Gusto ko siyang makita.
Naguusap parin kami ni Renz pero sa chat at sa video call lang. Araw araw ay ganoon kami. Kapag nasa school ay nagchachat kami kapag lunch break o kapag walang pumapasok na teacher sa isang subject.
Sa gabi naman ay nagvi video call kami, kinukwento namin ang mga nangyari sa school o sa bahay.
It's our daily routine, magchachat sa umaga at magvivideo call sa gabi. Para kaming magjowa. Nagu-update sa isa't isa.
Magaan ang loob ko sakanya, sa ilang linggo naming paguusap ay marami na akong alam tungkol sakanya, marami na rin syang alam tungkol sa akin at sa pamilya ko. Naikwento kona nga sakanya ang nangyari sa mommy ko.
Pauwi na ako ngayon galing school sumakay na lang ako sa tricycle dahil wala si kuya na nagsusundo sa akin, ewan ko kung nasaan yun hays. Pagkapasok ko palang sa aming bahay ay tumawag na kaagad si Renz.
"Hi, musta school" tanong nito sa akin. Pumasok na ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit saka sinagot ang tanong niya.
"Ok lang naman, ikaw?" sagot ko rito.
"Nakakapagod" sagot nito, halatang pagod nga sya.
"Rest" sabi ko rito.
"Hm, wait lang magpapalit lang ako" sabi nito, tumango na lamang ako.
Hinintay ko siyang matapos sa pagpapalit, kakausapin kona rin sya tungkol sa sinabi ni kuya na gusto niyang makilala si Renz.
Plano kong papuntahin dito sa bahay si Renz sa Linggo, sana lang pumayag sya.
"Renz" tawag ko rito.
"Bakit?" Tanong nito.
"Ah may gagawin kaba sa linggo" tanong ko rito. Baka kasi may ginagawa sya tapos papapuntahin ko sya dito sa bahay, edi nakaistorbo pa ako.
"Meron, maglalaba ako sa umaga, bakit?" Sagot nito sa akin.
" Sa hapon wala ka bang gagawin"
"Hm magtutupi nalang ng damit, bakit mo ba tinatanong yayayain mo bakong makipag date sayo"
"Gago!, ano kase si kuya gusto ka daw niyang makilala" sabi ko rito.
"Eh? Bat nya naman ako gustong makilala, hoy Talia ipapakilala mo ba ako bilang shota mo" naka ngisi nitong tanong.
"Hindi no, kwinento ko kasi sakanya iyong nangyari tapos ayon gusto ka daw makilala ni kuya" pagpapaliwanag ko rito.
"O sige, kaso 6pm lang ako pwede" sabi nito sa akin.
Pwede na iyon, dito na rin sya sa bahay kumain ng hapunan.
"Sige, ip-pm ko na lang sayo iyong address huh" sabi ko rito, mamaya kona siguro ip-pm sakanya iyong address tinatamad pa ko.
Pinatay kona rin ang tawag pagkatapos noon dahil magluluto pa raw sya ng kakainin niya, hinayaan kona muna sya. Nang matapos na siya sa mga gawain niya ay tumawag ulit ito sa akin. Kakatapos ko lang din maligo.
Bumungad sa akin ang gwapo nyang mukha. Gwapo si Renz mukhang inosente kapag nakangiti pero kapag seryoso ang mukha nya ay nakakatakot.
Nagusap lang kami tungkol sa school, pagkatapos namin magusap ay pinatay kona ang tawag, sinabi ko sakanya na magpahinga na muna sya dahil halata talagang pagod siya.
Nag chat na lang ako sakanya na matutulog na ako hindi na sya nag reply kaya natulog na ako.
Pag gising ko ay nag unat unat muna ako ng katawan bago bumangon, ginawa kona ang morning routine ko, pag tapos ko ay bumaba na ako para kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/336257207-288-k951561.jpg)
YOU ARE READING
I met you in the dark
RomanceNot all stories had this called "happy ending" Just like the story of Talia Villacorta and Renzo Lemeire. There were problems that came to them that tested their trust in each other, all of which they overcame without losing their trust in each othe...