Chapter 4

51 0 0
                                    

Vote! Vote! Vote!
___________________

"Kain na tayo" tawag nito sa akin.

"Ahm ano aalis na ako" sabi ko rito.

"Ah ganon ba, ano kumain kana muna bago ka umalis" sabi nito sa akin habang hinihahanda ang pagkain.

"Hmm sige" sabi ko sabay tango.

Umupo na ako sa upuan at kumain na, minadali ko na lamang ang aking pagkain para maka alis na din ako kaagad.

"Hinay hinay lang, masyado mo namang pinapahalatang gusto mo ng umalis" sabi nito sa akin.

"Hindi naman sa ganon, nahihiya lang ako" nahihiyang sabi ko rito.

"Bat ka nahihiya" tanong nito sa akin, tumigil sya sakanyang pagkain at humarap sa akin.

"Kasi ano nakakahiya na sayo nakitulog na nga ako tapos naki kain pa" humarap ako sakanya, para syang ibang tao ang seryoso na ng mukha nya.

"Anong nakakahiya dun, ako ang nagsabing kumain kana ako din ang nagsabing dito kana matulog" seryoso nitong sabi.

"Ah a-ano wa-wag na nating pagusapan to, kumain nalang tayo" nautal pa ako sa pagsasalita buti nalang ay naayos ko din kaagad.

Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain, ramdam ko pa din na nakatingin sya sa akin, kalaunan ay itinuloy na din nya ang kanyang pagkain.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko syang hugasan ang mga pinggan, pagkatapos ay nagpaalam na din ako.

"Aalis na ako" pagpapaalam ko rito tumango lamang sya kaya't naglakad na ako palabas ng bahay niya.

"Alam mo ba ang daan papunta sa sakayan?" Tanong nito sa akin kaya't napahinto ako.

Oo nga pala hindi ko alam kung saan ang daan papuntang sakayan ng tricycle, ang tanga mo Talia dapat kanina ay tinanong mona.

"Hindi eh" nahihiyang sabi ko rito.

"Samahan na kita papuntang sakayan" sabi nito sa akin, kinuha nito ang kanyang cellphone sa may upuan at lumapit sa akin.

"Tara" sumunod nalang ako dito.

Tahimik dito sa lugar nila, kaunti lang ang mga bahay magkakahiwalay pa.

Siguradong kagabi pa ako tinatawagan nila daddy, lowbat na kasi ang cellphone ko kaya hindi ko masasagot ang tawag nila.

Hindi naman ganon kalayo ang nilakad namin. Medyo malapit lang naman. Paghinto namin sa harap ng sakayan ay humarap ako sakanya.

"Salamat" sabi ko rito ng nakangiti. Tinanguan lamang ako nito, pinuntahan nya ang isang driver at may sinabi rito hindi kona narinig dahil medyo malayo ang pwesto nila sa akin.

Paalis na ito ng magsalita ako.

"Babawi ako sayo kapag nagkita tayo ulit, promise" itinaas kopa ang aking kaliwang kamay. Humarap ito sa akin at ngumiti.

"Sige, sumakay kana sa tricycle magiingat ka" sabi nito.

I wave my hand to him sign of saying goodbye, he wave his hand to and he smile widely.

Sumakay na ako sa tricycle, umandar na din kaagad. Tinanong ako ng driver kung saan nya ako ihahatid kaya sinabi ko ang pangalan ng lugar namin.

Pagtigil namin sa harap ng bahay namin ay una kong nakita si daddy. Pagbaba ko ay sinalubong na kaagad ako nito.

"San ka nagpunta ah,bakit ngayon ka lang?" Salubong nito sa akin. Nagbayad na ako sa driver umalis na din ito kaagad.

"Ah ano dad pumunta po ako sa kaibigan ko" pagsisinungaling ko rito.

I met you in the darkWhere stories live. Discover now