"Hoyyy" sigaw ng kung sino, ng lumingon ako ay si Kara ang nakita ko, sya din ata yung sumigaw.
Huminto na muna ako sa paglalakad saka sya hinintay na makarating sa pwesto ko, akmang maglalakad na ako ng humawak sya sa balikat ko.
"Teka lang naman" sabi nya. Ng tinanggal na niya iyong hawak nya sakin ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hoyy ikaw bat hindi ka pumasok last week" tanong nya sa akin.
"May ginawa ba" tanong ko.
"Puro discussion lang naman" tumango ako.
"May notes ka" tanong ko sakanya, tumango naman sya. "Pa copy nalang later, tas ire review ko nalang" sabi ko.
"Nu bang nangyari ha bat dika pumasok" tanong niya ng nakaupo na kami.
"Wala, tinatamad lang ako" sabi ko sakanya para hindi na sya tanong ng tanong.
Hindi na sya nagsalita ulit, hiniram ko nalang sakanya iyong mga notes nya saka kinopya. Hindi pa ako tapos kumopya ng dumating na yung teacher namin. Nag discuss lang naman sya at sinabing may quiz kami tomorrow.
Ng umalis na sya ay nagpatuloy na ako sa pag susulat, hindi naman ganoon karami iyong notes nya kaya tapos na ako bago pa pumasok iyong susunod na proff namin.
"Get one fourth sheet of paper we will having a quiz one to ten" sabi ng proff pagkatapos naming mag good morning sakanya.
Kumuha na ako ng papel sa bag, may lumapit naman saking mga kaklase ko at nanghingi ng papel. Pumasok lang ata ako para may maingihan sila ng papel ehh.
"We will start in one minute" sabi ng proff kaya mabilis ko silang binigyan ng papel.
Nang mabigyan kona sila ng papel ay sinulat kona agad iyong pangalan ko duon sa papel ko.
"Number one" nagumpisa ng magsabi ng mga questions si sir.
Nagtiwala nalang ako sa stock knowledge ko, iyong ibang tanong ay hindi ko nasagutan dahil hindi ko naman alam yung sagot siguro ay diniscuss iyon nuong absent ko. May nasagutan naman ako pero hindi pa siguro yung iba.
Nag exchange paper na kami ni Kara dahil sya naman ang katabi ko.
7/10 ang score ko, not bad, si Kara naman at 6/10 pasado kami pareho dahil 6 naman ang pasado sabi ni sir.
Ng umalis na si sir ay Break time na namin kaya bumaba na kami para bumili sa canteen, bumili lang ako nuong naka cup ng na palabok dalawa na ang binili ko, hindi naman kasi kasya sakin kung isa lang, bumili na rin ako ng bottled water, si Kara ay isang palabok at isang spaghetti ang binili may tubig naman na daw sya sa room kaya hindi na sya bumili ng inumin, mas makakatipid sya dun. Gusto ko din sanang magtipid eh kaso wag na hehehe.
Bumalik na kami sa room saka na kumain. Hindi pa kami tapos kumain pero dumating na yung teacher namin sa susunod na subject. Wala tuloy kaming choice kung hindi ang itabi na muna ang pagkain. Pero dahil pasaway kami ni Kara kumakain kami ng patago.
Isusubo kona sana iyong palabok pero bigla akong tinawag ng proff namin"Stand up ms. Villacorta" ng dahil sa pagka bigla ay tumayo ako ng hawak ang palabok na isusubo kona sana.
Tawang tawa naman ang mga kaklase namin kasama na don si Kara. Ibinaba ko ang hawak ko sabay peace sign kay sir, kaya't natawa na naman silang lahat.
"Answer this question" sinabi nya iyong question buti nalang ay nakasagot ako, pero sinermonan pa ako pagkatapos kong sumagot tss. Nakasagot naman na pinagalitan pa rin ako hayss.
YOU ARE READING
I Met You In The Dark
RomantikNot all stories had this called "happy ending" Just like the story of Talia Villacorta and Renzo Lemeire. There were problems that came to them that tested their trust in each other, all of which they overcame without losing their trust in each othe...