Chapter 12

7 0 0
                                    

Chapter 12.

Nang mag gabi na ay saka ko lang binuksan iyong cellphone ko. Tinignan ko na din kung may nag chat ba, at meron si Renz.

Ayoko na sanang basahin pero hindi ko din natiis at binasa na iyon

𝑅𝑒𝑛𝑧

"𝑇𝑎𝑙𝑖𝑎"

"𝐺𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑙𝑖𝑤𝑎𝑛𝑎𝑔 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑝𝑒𝑟𝑜 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑝𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑖𝑛𝑡𝑖𝑛𝑑𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑚𝑜"

Yan. Yan lang ang message na galing sakaniya.

                                                                             𝑀𝑒       "𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑔𝑎𝑛𝑜𝑛 𝑛𝑎 𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎 𝑠𝑙𝑜𝑤 𝑝𝑎𝑟𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑎𝑖𝑛𝑡𝑖𝑛𝑑𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑎 𝑐ℎ𝑎𝑡"

Masama talaga ang loob ko kay Renz dahil sa ginawa nya, kahit sino naman siguro. Sana kase hindi nalang nya ako niyaya o kahit nagchat man lang sya, kaso hindi ehh pina asa nya ako.

Pinatay ko nalang ulit ung cellphonr ko pero ngayon ay hindi kona pi-no-wer off. Bumalik nalang ako sa ginagawa ko.

Wala na ding masyadong nag oorder ng milktea dahil na din sa gabi na kaya't wala na akong gaanong ginagawa. Maya't maya rin ay hindi na rin available yung milktea kaya pwede na akong umuwi.

________

Makalipas lang ang isang oras ay pinapa uwi na rin kami ni daddy. Hindi na available ang milktea dito sa resto at gabi na daw hindi na safe sa daan.

Inayos kona yung mga gamit ko, pagkatapos ay umuwi na rin kami ni kuya. Nag take out nalang kami ng pagkain sa resto na kakainin namin pag uwi.

Pagka uwi namin ni kuya ay pareho kaming naligo at pagkatapos ay kumain na. Hindi na ako kumain ng marami dahil gabi na mahirap na baka hindi ako matunawan. Nilinis ko na yung lamesa at hinugasan na yubg mga pinagkainan saka na bumalik sa kwarto.

Hindi kona chineck yung cellphone ko bago matulog at dahil na din sa marami akong ginawa ay mabilis akong nakatulog.

____

Nagising ako dahil sa pag katok ni kuya sa pintuan.

"Talia may naghahanap sayo sa labas" bumangon ako at binuksan ang pinto.

"Sino" tanong ko ng medyo nakapikit pa ang mga mata at humihikab pa.

Tinalikuran niya lang ako at naglakad na pababa ng hagdan.

Sino naman kaya yun. Tanong ko sa aking isipan.

Bumalik ako sa kwarto saka na ginawa ang morning routines ko, minadali ko nalang baka mainip yung naghahanap sakin sa labas, kung sino man sya sinira nya ang tulog ko.

Nagpalit na rin ako ng damit saka na nagmadaling lumabas ng kwarto. Naabutan kong nanonood si kuya ng tv sa may sala tinignan lang ako neto at tinaasan ng kilay.

Napaka sama ng ugali neto, hindi man lang pinapasok yung taong naghahanap sakin.

Malapad na ngiti ang dala ko paglabas ng bahay ngunit ng makita kung sino iyong naghahanap sa akin ay bigla nalang nawala ang ngiti kong iyon.

I Met You In The DarkWhere stories live. Discover now