THTL [THIRTY-EIGHT]

322 8 1
                                    

The Hunk and The Loud by eyporil

THIRTY-EIGHT.

# Fany's

"Bebe ko!"

-,- bahala ka dyan! Psh~ naiinis na naman ako sakanya. Kagabi pa kasi sya tanong ng tanong kung totoo ba yung 'first kiss' thing! Annoying na talaga. Paulit ulit nalang?! Ayoko na ngang pag-usapan yun eh.

"Bebe kooo!!!"

I am now walking down the street...kidding! Hahaha I am walking at the lobby at paakyat ng 4th floor since nandoon yung rooms ng Juniors nang makita ako ni Caleb. Nakita ko rin naman sya kaso hindi ko lang pinansin. Kagabi pa talaga sya eh.

Bakit ba kasi ang dami dami namang pwedeng pag-usapan...bakit naman yung sa kiss kiss na yun. Parang ewan lang. Ikiskis ko sya sa pader eh. Pero syempre biro lang yon. -,-

"Aray!" Bigla nalang may humatak sa braso ko. Paglingon ko...si Caleb. (-,-")

"Bakit mo naman ako hindi pinapansin bebe ko???" Sabi nya sabay nguso. Pacute pa! Pinisil ko nga yung magkabilang pisngi nya! Hehehe…

"Aaaaahhh!! Bebe ko! Daishy ko! Ang shakiiit!!"

"Ewan ko sayo!" I then stuck my tongue out and walked away. Naramdaman ko namang nakasundod lang sya saakin hanggang sa katabi ko na sya.

Yung ibang students na nasa corridor nakatingin saamin, since maaga pa naman kaya nakastand by pa sila sa labas.

Yung mga tingin nila, kakaiba. Ewan ko. O baka ako lang nag-iisip nun? Hmm...naalala ko lang, hindi ko pa pala nasasabi kay Caleb yung kay Sunny. Haaaayyy...

Suddenly, I felt a poke in my arm. I look up to Caleb. "Ano na naman?"

"Anong iniisip ng bebe ko?"

"Malapit na nga pala yung christmas vacation. Anong plano mo?"

"Syempre kasama ka sa mga plano ko." then he winked.

Ewan ko ba…hindi ko napigilang ngumiti eh. Kinikilig ata ako sa kalandian ng isang ‘to. :D

"... Pero sa ngayon, yung Pasko sa Faith muna yung iniisip ko eh."

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon