THTL [EPILOGUE]

327 6 0
                                    

The Hunk and The Loud by eyporil

Epilogue.

# Third Person's POV

Naiinis na talaga si Tiffany sa abnormal nyang sistema. Ganun parin kasi ang reaksyon ng katawan at ng kalooblooban nya tuwing nakikita nya si Caleb.

Hindi parin sya nakakalimot sa feelings nya para sa binata. Kahit na ano pang gawin nya. Kahit pa may Sunny na si Caleb, umaasa parin sya.

Minsan, nagdedate sila ni Ethan. Pero tinutulungan lang sya ni Ethan dahil sinabihan ito ni Nicol na bantayan sya. Alam ni Tiffany na pinagseselos ni Ethan si Caleb pero mukhang hindi naman effective. Ganun pa man, nag-eenjoy naman sya sa company ng binata.

Madalas rin syang isama nito sa mga race kung saan madalas ring manalo si Ethan. Manghang mangha si Tiffany to the point na gusto nya na ring matutong magdrive at makipagkarera. Pero tulad ng palaging sinasabi ng tinatawag nyang tandang Ethan, "Bata ka pa. Hindi ka parin makakasali sa mga race dahil minor ka."

Mabilis lang nagdaan ang February, March, April at May.

Noong February, bukod sa nagdaan ang Valentine's day kung saan nagdate raw silang dalawa ni Ethan pero ang totoo kasama naman nila sina Colby at Jessica pati na rin ang mga barkada nila sa klase na sina Antonette, Angelica, Amabel, Axel, Nathan, Eric at Avery, ay wala nang masyadong naging significance ang buwan na ito.

Noong March naman, patapos na yung klase kaya naghanda na ang mga fourth year students para sa kanilang graduation day. Wala na ring masyadong events dahil naging busy na ang teachers sa Faith University. Ganun parin sina Caleb at Tiffany, walang pansinan. Parang hindi nageexist ang isa't isa.

Syempre, pagkatapos ng March, tapos na yung klase kaya panahon na ng bakasyon. Napagpasyahang pumunta ng family ni Jessica sa Boracay kaya si Tiffany, nasa bahay lang buong April. Bumalik na rin sa US ang dad nya dahil sa trabaho nito. Kung minsan dumadalaw ang parents ni Caleb sa kanila at tingin ni Tiffany ay wala pa silang idea sa mga nangyari. Hindi na rin naman sya tinatanong pa ng mama nya. Kapag nabobore si Tiffany, nagpupunta lang sya sa mall, mag-isa o kung minsan kasama ang mama nya at nanunuod lang ng sine tapos kakain sa labas. Inaaya naman sya ng mama nya na pumunta sa Batangas kung saan may nabili silang rest house pero ayaw nya rin.

Pilit nyang kinalimutan yung feelings nya para kay Caleb. Pilit nyang binibigay yung atensyon nya sa ibang bagay. Nag-piano lessons sya pati na rin sa pagkanta, nagworkshop sya para malibang. Pero pagdating ng gabi, kapag sya nalang mag-isa, bumabalik lang yung memories. Yung sakit.

Bumalik naman kaagad sina Jessica kaya nang mag-May na, ginawa nilang dalawang magbestfriend ang kahit ano. Nagpakulay sila ng buhok, orange kay Jessica at red kay Tiffany. Nag-aral magdrive si Tiffany, tinuruan sya ni Jessica at Colby.

Nang mapadaan nga sila sa bahay nila Caleb habang nagdadrive sya, eksaktong lumabas ang binata kaya nawala sya sa focus at napaapak ng sobra sa gas. Muntikan na tuloy silang mabunggo pero mabuti nalang at naipreno nya kaagad.

"May na bessy. December pa yun diba? Back to December lang ang peg? Kalimutan mo na sya please." Sabi ni Jessica sa kaibigan.

"Love, mahirap makalimot lalo na kung sapilitan. Hayaan mo lang si Tiffany. Darating din sya dun." Si Colby sabay akbay kay Jessica na kinainggitan naman ni Tiffany.

Agad na hinanap ni Tiffany si Caleb pero nadisappoint lang sya ng makitang naglalakad ito palayo. Oo nga pala, invisible na sya para kay Caleb dahil may Sunny na ito.

Sa kabilang banda, si Caleb na pilit rin kinakalimutan yung mga narinig nya noong mga nakaraang buwan kung saan puro kina Tiffany at Ethan na nagliligawan, ay lumabas ng bahay nila para maglakad lakad sa subdividion. Nakita nya ang isang sasakyang pamilyar sakanya, at hindi naman sya nagkamali. Sasakyan ni Colby ang Subaru Impreza na...minamaneho ni Tiffany.

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon