THTL [TWENTY-NINE]

322 10 0
                                    

A/N: Yo! Tagal ko na namang hindi nag-update. Sorryyyy :))))) 

Salamat nga pala sa mga patuloy na nagbabasa nito! <3 

Hi sa mga ka-Hunker and Louder friends ni Nicol Jane at Charity :D

----------------------------------------------------

TWENTY-NINE. 

# Tiffany's

Whaaaaa!!! Si Nicol Jane... pinsan ko pala sya. Hindi ko kasi sya nakilala. Ngayon lang talaga. As in. Haaaaayyyyyy.....

Masaya naman ako kasi may makakasama ako dito sa bahay na aka-age ko lang. Hindi puro matatanda. HAHAHA

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at hindi parin makatulog. Si Nicol, nandun sa guest room.

Pagpasok namin ni Kyle kanina dito sa bahay, hindi nga kami nagkamali ng akala. Kasi si Nicol nga yung sumigaw na narinig namin.

At kasama nya si Caleb.

Naloka talaga ako kasi, magkasama sila... at kasama ko naman si Kyle. Sobrang awkward lang eh.

Pero thanks kay mama kasi nang dahil sa kakulitan nya, nag-iba yung mood ng paligid. Napansin nya rin siguro... kaya hindi na'ko magtataka kung one of these days tanungin nya ako sa mga nangyayari saakin.

Pagkatapos naman naming kumain kanina, umalis na rin agad sina Caleb at Kyle... at sana naman maging okay lang silang dalawa.

Naputol yung pag-iisip ko nang may kumatok.

Tinatamad akong tumayo kasi napapagod talaga ako eh kaya sumigaw nalang ako.

"PASOK."

Hinintay kong pumasok yung kung sinong kumatok. Si Nicol pala.

"Bakit?", tinignan ko sya ng may pagtataka. 10 narin mahigit kaya bakit gising pa sya? Hindi man lang ba sya napagod sa paglalakwatsa nya ngayong araw? Hmmmm... Naalala ko tuloy si Kyle...

"Ahm... matutulog ka na ba?"

"Hindi pa naman. May kailangan ka ba?", umupo na'ko sa kama ko. Sya naman nakatayo parin kaya pinaupo ko na rin sya. May mini sofa naman dito sa kwarto ko eh.

"Tiffany... si Kyle...", hinihintay ko syang magsalita kaso parang nagdadalawang isip sya kaya tinanong ko na sya.

"Anong meron kay Kyle?"

"Ahm... K-kasi..."

Iniisip ko kung anong meron kay Kyle eh... Tungkol kaya sa panliligaw nya saakin? Dahil kaya talagang gusto nya si Kyle? Haaay~

Kung ito rin lang yung pag-uusapan namin mabuti pang matulog nalang.

Kakapagod ha! Ang bata bata ko pa para mamroblema sa mga ganitong bagay. Oo naglalandi ako pero ayoko naman ng stress pa! Natawa naman ako ng palihim. Ang landi ko nga. Hihihih... Ay teka, may kausap pala ako.

"Sorry. Pwede ko bang malaman kung ano ba talagang kailangan mo?"

She smiled.

Nagulat ako sa ngiti nya. Hindi kasi totoo. I mean malungkot kasi yung mga mata nya.

Weird naman ng babaeng 'to. Pero, cute naman sya kaya okay lang. Isa pa, pinsan ko sya. Normal na sa amin ang weird eh. :D

"Tiffany, do you really like Kyle?"

Nagulat ako sa tanong nya pero in the end natawa. Bakit ba pareho sila ni Jessica ng tanong? Pareho talaga sila eh. Hindi kaya kambal sila? Aish~ pero kinabahan rin ako. Parang bigla akong nakaramdam ng pressure.

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon