THTL [FORTY-ONE]

220 5 4
                                    

The Hunk and The Loud by eyporil

FORTY-ONE.

# Caleb's

Excited na akong magperform kami. Sana magustuhan ni Tiffany at nung iba. Pinaghandaan talaga namin 'to.

"Naiinis parin talaga ako sa'yo." Sabi ni Fany habang nakanguso. Kinurot ko naman sya sa pisngi nya at hinampas lang yung kamay ko. -___-

Dahil nasa tabi nya ako kaya nagpunta ako sa harapan nya at ngumuso rin. "Sorry na Bebe ko."

Inirapan nya lang ako. Alam kong naiirita sya at the same time natatawa kapag nagpapout rin ako. Haha.

"Caleb, tumigil ka na." Umirap na naman sya.

"Ang cute talaga ng Bebe ko!" Tapos pinisil ko both her cheeks. Nagblush sya bigla.

"Ewan ko sa'yo."

Hinayaan ko na muna sya, isa pa sanay na ako sakanya. Alam kong okay na kami pag sinabi nyang Ewan nya saakin. Nandito nga pala kami sa school gymnasiun, dito kasi gaganapin yung Pasko sa Faith. Christmas event bago mag-christmas vacation.

Maya-maya pa nagsalita na yung treachers sa high school department. Hindi ko na sila inintindi masyado kasi si Tiffany nakakadistract. Hahaha.

Syempre nagpray muna tapos nagsalita pa ulit yung ibang teachers. Si Miss Alcantara naman nandun lang sa gilid para i-assist yung students and teachers na mauunang magperform.

"Ready na ba kayo sa performance ng Science teachers natin?!!" Sigaw ni Miss Alcantara. Yung crowd naman nagwala na. Syempre excited na makita yung teachers naming sumayaw o kumanta. Lalo pa, Science teachers? Haha. Hitsura ng teachers namin, mga masusungit pa naman sila.

Nagulat ako ng biglang nagtayuan yung students sa upuan nila. Pati si Tiffany. -___-

Nang tumugtog na yung kantang sasayawin nila, parang nabaliw na yung mga estudyante eh. Si Fany rin nagtatatalon pa sa upuan na kinatatayuan nya. Nasa tabi nya si Jessica at di ko maintindihan kung bakit ba kilig na kilig sila.

"Ang gwapo ni Sir Apruebo!!!" Tili ni Jessica.

"Oo nga eh. Gosh!!!" Sabi ni Fany. -___- anong gwapo sa Apruebo na yun? Gurang naman na yun eh. Tch.

Nasa harapan nga pala namin sina Nathan, Love, Axel, Tonette, at Angelica. Dahil kasama namin mamaya si Ethan kaya nandito sya kahit pang high school lang yung event. Si Colby rin nandito, katabi ni Jessica.

Sa kakatalon ni Fany, muntik na syang mahulog sa upuan kaya inalalayan ko sya. Tili pa ng tili, mapapaos pa ata 'to eh. Wala pa nga, hindi pa nga kami nakakapagperform tapos mapapaos na sya agad.

"Fany wag kang talon ng talon." Pero nginitian nya lang ako. Ako naman naka alalay lang sa bewang nya, sumampa na rin ako sa upuan ko.

"Wag kang sigaw ng sigaw, mapapaos ka nyan eh." Tumango lang sya pero nakafocus parin sa stage. -___-

Pagkatapos magperform ng Science teachers namin, nagparaffle muna si Miss Alcantara. May bubunutin sya sa bowl sa gilid na papel, nandun yung names namin at ang mabubunot, may cake na makukuha. Sa dami ng students sa high school department hindi na kami umaasang mananalo. Bibili nalang kami ng cake. Hahah!

"Caleb Jonas! Nasaan si Caleb? Caleb Jonas of Three-Gorgeous."

Syempre natigilan ako, kami. Nakatingin saakin yung barkada.

"Si Caleb?? Nice!!" Sigaw ni Jessica.

"Wow Caleb! Akyat na dun dali!" Tulak naman saakin ni Fany. "Penge kami ha!"

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon