THTL [THIRTY]

323 6 0
                                    

THIRTY. 

# Fany's

"Guys wait lang! May iaannounce kasi yung president eh! Makinig naman kayo pwede? Manahimik muna pag may time ha."

Nagtawanan yung klase sa sinabi ni Antonette. Eh paano kung walang time edi walang tatahimik? Hahaha... Pati rin sya natawa sa sinabi nya eh. Loka talaga. Pero nanahimik narin naman pagkatapos. Tumayo na kasi si Jerica sa gitna eh.

Ano kaya iaannounce nya? Hmmm...

"Gorgeous. Since malapit na ang christmas, at alam nyo naman ang mga nangyayari pag ganitong panahon diba? Gusto ni Miss Alcantara na magpresent tayo ng isang production number para sa Christmas Party ng High School Department."

Nagbulungan na sa classroom. Nako... Anong kalokohan na naman ni Miss.

"Bessy, alam mo, kinakabahan ako pag may ganyan. Si Miss kasi eh. Weirdo minsan noh?", bulong ni Jessy saakin.

"Oo sinabi mo pa."

Biglang bumukas yung pintuan kaya naman napatingin kaming lahat doon.

Natigil naman sa pagtatawanan yung magkasamang sina Caleb at Kyle habang magkaakbay pa.

One week na mula nung kaguluhan- para saakin- sa bahay. At okay na sina Kyle at Caleb. Ano kaya nangyari? Pero mas okay na nga rin at ayos na sila. Hindi yung parang ewan pag nagkakasama o nagkakaharap sila.

Si Kyle, ayun... Nanliligaw parin. Kahit na ginugulo sya ni Nicol kasi gusto nya raw talaga si Kyle eh. Si Caleb, pasaway parin. Pero hindi na awkward pag magkakasama kami. Minsan nga, nawiwirdohan na'ko sakanila eh. Pero hinahayaan ko nalang. Atleast okay na sila.

Tahimik na naglakad yung dalawa papasok sa room. Yung klase naman, nagmemeeting na ulit para sa kalokohan ni Miss Alcantara.

"Bessy, anong gusto mong gawin? Sayaw o kanta?"

"Ewan ko. Kung ano nalang mapagdesisyunan ng kla~"

"Good morning bebe ko! Ang cute mo talaga!!!", si Caleb. Nagulat naman ako kasi bigla nyang kinurot yung magkabilang pisngi ko!

"Whaaaa!!! Masakit! Ano ba Caleb!!!", hinampas ko sya sa braso nyang may maskels. >_____<

Pagkatapos nyang kawawain yung pisngi ko, ngiting ngiti naman sya. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Fany. Good morning din!", si Kyle sabay hawi sa buhok ko at inipit sa tainga ko. Nakangiti lang sya. O///////O

Sa gulat ko sa kanilang dalawa, hindi na ako nakareact agad. Tapos umalis na sila sa harapan ko at dumiretso sa upuan nila. Gaaah!

I felt all my blood rushed through my face. Shemay naman eh! See? Ang weird nila diba? Whaaa...

"So si Tiffany yung gaganap na princess?"

Huh? Anong pinagsasabi nila? Ewan... Wala akong maintindihan sa kanila... (//_\\)

--------------------------------------------------------------

### Lunch Break ###

"Uy Fany! Gusto ka raw makausap ni Sunny. Puntahan mo nalang sya sa may Alumni Building. :)", si Charity... yung isang kasama rin namin sa Cover Group.

"Tungkol saan raw ba?"

"Hindi ko rin alam eh. Kasi nagpasabi lang na hihintayin ka nya doon. Sige Fany ha, I'll buy my lunch pa eh. See you."

Ano naman kaya ang kailangan ni Sunny? Wala namang event ngayon sa KPop Nation ah. Or meron? Hmmn...

"Bessy!"

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon