The Hunk and The Loud by eyporil
FORTY-THREE.
# Tiffany
"Anak, nandito na si Jessica."
Phew! Buti naman. "Sige mom, bababa na po ako."
"Caleb's also here with me. He wants to talk to you."
Whaaat?! Omg omg omg!!!
I stood up from my clingy bed and walked to the door. Pinakinggan ko kung nasa labas nga ba talaga si Caleb. Omg. Kinakabahan ako!!!
"Anak?" My mom called. Nang hindi naman ako sumagot, "Maybe she's in the bathroom hijo." Hindi ko naman narinig na sumagot si Caleb.
"Sa baba nalang kayo mag-usap nak? Tayo na." Aya ni mama.
Yes!! I'm saved. Buti nalang naisip yun ng mom ko. Omg. Hindi ko talaga alam yung gagawin ko eh. Hindi ko alam kung paano kami mag-uusap ni Caleb. Ano pa bang gusto nyang sabihin? Natatakot lang kasi ako na baka sumbat sumbatan nya ako. Naupo muna ako saglit sa kama ko at tinatry icompose ang sarili ko. Haay...
After 5 minutes, hindi ko rin naman nacompose ang sarili ko dahil kabado parin ako, naisipan ko nang bumaba. Bahala nalang talaga. Huh!
Bago ko buksan yung pintuan ko, tumingin muna ako sa salamin malapit sa pinto ko.
White tees, blue shorts and a flip flop. Tingin ko naman, ayos na ayos na'to since nandito lang naman ako sa bahay. Again, I sighed. Sana nandito sina Kyle or si Nicol. Pero problema ko 'to eh, at ako ang dapat magsolve.
Stress.
Twisting the knob of the door, I sighed again before opening it. At nang tuluyan ko nang buksan ang pinto... there stood a 5'11" guy looking down at me, wearing the same clothes he wore the last time I saw him.
For a sec, my heart stopped beating. At pagkatapos nun, mabilis, sobrang bilis na heartbeat ang pumalit.
"Kanina pa'ko nandito."
Nagnod lang ako tapos tumingin sa pavement. I can't look at him in the eyes.
"Wala ka bang sasabihin?" This made me look at him, quizzically. His brows shoot up and after, he shook his head.
Ako naman, nalilito parin. Hindi ba sya galit? Sa tono kasi ng pananalita nya, para bang walang nangyari. Tsaka anong sasabihin ko?
Sorry.
Bigla itong nagpop sa utak ko. Pero nahihiya ako... pero... magsosorry lang naman.
Ang hirap talaga magsorry. Haay... hindi ko sya matignan sa mata. Nakakahiya talaga eh.
"I'm still mad at you. At oo nga pala, I just wanna say that we should at least tell them what's happening." Sabi nya atsaka sya naglakad palayo, pababa.
Mas tumindi yung kabang nararamdaman ko. Mas lumala pa. Bakit kasi hindi pa ako nagsorry?! Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa kashungaang ginawa ko.
---
"Welcome back to me!!!" My dad said. So nagcheers kami. Nasa harapan ko lang si Caleb, nakipagcheers rin sya saakin but he's not smiling. Ako naman nag-iwas agad ng tingin at ngumiti ng bahagya kina mama. Nakakailang.
"Kumain na tayo." Aya ng mom ni Caleb. Nagstart na rin kami kumuha ng pagkain hanggang sa matigilan kami dahil kay Caleb.
"May gusto lang po sana akong sabihin." Seryoso nyang sabi habang nakatingin lang saakin. Mas lalong tumindi yung kaba ko.
"Ano yun hijo?" Tanong ng mom nya sakanya.
"May ginawa po kasing hindi maganda saakin si Tiffany." Shocked, my eyes almost jumped off it's socket. Bakit kailangan nya pang sabihin yun sa kanila??
BINABASA MO ANG
The Hunk and The Loud (Completed)
Teen FictionLove also means chances. You've got to give it a try to prove yourself whether you're right or wrong. Whether that chance is worth giving or not. Malalaman mo nalang yun kapag nandun ka na.
