THTL [NINE]

525 17 2
                                    

NINE. 

# Caleb's

it's Sunday.. so that means, PARTY!!!!!!!

15th BIRTHDAY KO KAYA!!!!!!!! batiin nyo ako.. ^____________^

pero bago ang lahat, syempre magsisimba muna kami ng family ko.. ganito naman kami lagi pag Sunday eh.. syempre si GOD muna diba? :)

aga nagising.. pero ganun din, late ako nakarating sa church.. nauna na sila papa kasi matagal raw ako.. hahaha, mga excited lang sila.. e pagdating ko nga dun halos kakaumpisa lang ng misa..

nung patapos na yung mass, nagpaalam muna ako kina mama na susunduin ko si Kyle kasi nga may party mamaya at magpapasama ako sakanya kasi bibili ako ng bagong sasakyan.. e si Kyle pa naman magaling pumili, ang gaganda kaya ng kotse nun..

pero bago ako umalis sinabi ni mama na bumalik raw muna ako sa church kasi may ipapakilala sakin.. sabi ni papa chicks raw.. hahaha baliw talaga tong tatay ko eh.. pero umoo nalang ako, masunuring anak ata ako..

"Kyle, balik muna tayo sa church ha.. si mama kasi may ipapakilala raw.."

"Chicks ba?"

O_________O

si Kyle? nagtatanong kung chicks?? pero di ko nalang pinahalata yung pagkagulat ko.. kasi malay ko ba kung nagbago na si Kyle at feel nya nang gamitin yung pagmumukha nya sa mga babae.. hahaha

"Oo raw sabi ni papa, alam mo naman yun diba?"

"Si tito pa, magaling din mangilatis yun eh.."

"Naman! kanino pa ba ako magmamana? hahaha"

"Maiba lang, kailan mo balak mag-sorry kay Tiffany?"

hindi nako nakasagot.. kasi naman, yung Tiffany na yun.. naiirita padin ako sakanya, parang naisip ko na tama lang kasi yung ginawa ko sakayang panghuhusga eh.. kasi ako din hinusgahan nya diba? kasi hindi naman ako nang babae talaga..

but for the sake nalang ng friendship namin ni Kyle.. haaaaaaay nako......

"Kyle, may gusto ka ba kay Yabang?"

"Magdrive ka nalang.."

di ko na sya kinulit kasi, si Kyle yan eh.. pag ayaw nya pag-usapan di mo sya mapipilit..

pero, sabi ng mga babae, silence means yes..

sooooo....... does that mean, Kyle likes her?? that conceited girl???

nung makarating na kami sa church.. nakita ko na sina mama.. at may kasama silang babae, parang ka-age lang namin.. nakatalikod eh, kaya di ko nakita yung mukha.. pero, mukhang chicks nga talaga.. kasi ang kinis eh, batok palang......... ulam na!!!!!!! hahahaha, ano ba yan.. nasa simbahan............

inayos ko muna yung pagpark bago kami bumaba ni Kyle..

"IS THIS FOR REAL?!!!!!!!!!!"

I was shocked dahil dun sa sumigaw.. sa church pa talaga..

at mas nagulat ako lalo nung nakita ko kung sino yun.....

si Yabang pala.. no wonder at ganun nalang kalakas yung boses nya.....

at ganun nalang yung reaction nya dahil ako yung nakita nya..

hey wait.......... don't tell me?!

ano ba yan?! nakakaasar naman oh.. ayoko masira yung birthday ko. pero sa tingin ko.... it's already ruined, by just seing her face!! arghhh........

naiinis na naman ako.. AYOKO talagang mag-sorry sakanya eh..

"Anak, ang tagal mo naman eh..", sabi ni mama.. then I kissed her sa cheek nya..

The Hunk and The Loud (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon