I stood up from the couch to greet her bewildered face. She was just looking at the three of us, and it's obvious she's anxious because of our reactions.
I stood in front of her and just stared at her. Tumingala naman siya sa akin, nag aabang sa sasabihin ko.
I slowly smiled at her and held her hands. "I'm proud of you."
She narrowed her eyes at me because my statement was vague, but I remember clearly how I met her.
"Pre, feeling ko boring 'tong klase. Minor class lang naman kasi." Galen ranted boredly.
Papunta na kami sa classroom kung saan gaganapin ang isang subject namin. Katatapos lang ng first subject at major namin iyon kaya nagrereklamo 'tong si Galen.
"Hindi pa nga nakakarating ng classroom, gusto ko na umuwi." Coma said. Both him and Galen laughed.
"Hindi pa nga tayo nakakarating ng classroom, nagrereklamo na agad kayo." I said. Si Ryder ay tahimik lang din sa tabi ko habang naglalakad.
"Tara, cutting tayo, Coma." Galen said. Nagkatinginan sila at sabay pang nagtaas baba ang mga kilay.
"Hindi pwede. Lagot ako sa kanya." Coma laughed.
Galen bursted into laughter. "Lagot din ako sa kanya, gagi!"
Bumuntong hininga ako at si Ryder naman ay umirap sa kawalan, sanay sa kaguluhan ng dalawa.
Nakarating na kami sa classroom at nakita namin sa kabilang gilid ng room ay ang mga classmate namin sa ibang college program. They're two years younger than us, I think.
"Okay, class. Kindly welcome your classmates for this semester. Kahit minor subject lang ito, I hope that all of you will be in your best behavior." The professor said, I think her name is Ma'am Amelia.
Nang nakaupo na kami, saka lang gumala ang paningin ko. My eyes were stuck on a beautiful lady in the front row. She was seated between her two friends. My lips parted at her sight.
But, my heart stopped when she looked at me. Hindi ko na nga alam kung buhay pa ba ako noong bahagya rin siyang ngumiti sa akin.
Tumikhim ako at ngumiti rin sa kanya. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at maliit na paghampas sa katabi.
I looked away, smirking. Such a beautiful woman, I thought.
"Tangina naman kasi, malayo na naman ako." Reklamo ni Coma. Nag seating arrangement kasi ang professor namin para ma meet namin lahat.
"Gago, sisihin mo mga ninuno mo!" Galen laughed at him. Lalong sumimangot ang mukha ni Coma.
Nasa bandang likod kami nila Galen at nakita kong nasa bandang harap ang magandang babae. Nakita kong ginagamit niya ang phone niya nang patago sa professor dahil nagsisimula na mag discuss ito sa platform as harap.
Nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko rin. Buti na lang nasa likod kami kaya hindi kami masyadong kita kapag gumagamit ng phone.
Mildred Anastasia Frontera sent you a friend request.
My eyes slightly widened at that. Buti na lang busy sa pagdaldal ang mga katabi ko kaya hindi nila pansin.
Tumingin ako sa kanya sa harap at nakitang nakapangalumbaba siya. Fuck, ang ganda talaga.
Inaccept ko ang friend request niya at tiningnan na ang profile niya. Marami siyang shared post na puro mamahaling gamit. May mga album din siyang nakapunta sa ibang bansa, kasama ang dalawa niyang kaibigan at ang iba pamilya niya naman ang kasama niya.
BINABASA MO ANG
Two Hearts, One Rhythm
RomanceTranquil Series #2 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will their hearts sync into one? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: February 12, 2023 Ended on: April 12, 2023