"Ma, ang ganda po niya, 'no? Pakakasalan ko po iyan." Sinabi ko sa mga magulang ko noong bumisita ako ng isang beses.
Wala na sila pero alam kong binabantayan pa rin nila ako. I miss them both so much.
It was a sunny day, and I showed them a picture of Misha. Free day ko kaya umuwi muna ako ng probinsya para magpahinga at pumunta ng sementeryo.
"Miss na miss ko na nga po ang babaeng 'yan. Ang tagal na noong huli kami nagkita. Sana kayanin ko pa, ma at pa." I said as I was slowly tearing up.
Ilang buwan na kami hindi nagkikita at nag uusap ni Misha. Ilang buwan na rin ako nagtitiis na 'wag magpakita sa kanya. And damn, it was a hard challenge. Even not replying to her texts was hard.
Alam kong pagod na si Misha sa kahihintay sa akin. Pero may tuwa pa rin akong nararamdaman nung hindi siya naghahabol ng atensyon. She wasn't built like that. She's the one who needs to be chased, not the one who's chasing.
Alam kong para rin ito sa mahal ko. And in the long run, I know para rin 'to sa akin. I need to sacrifice something temporarily in order to have a beautiful life permanently.
"Mahal na mahal ko po ang babaeng 'yon. Hindi ko na nga maalala ang buhay ko bago siya. Alam kong masaya kayo para sa akin. Kasi sobrang saya ko po talaga kapag kasama siya."
A wind passed me, making me slightly shiver even though the sun's heat was touching me. Tanghaling tapat din kaya naisip ko na pinakikinggan ako ng mga magulang ko. I smiled at that thought.
"Masaya kayo para sa akin, 'no? Mahal ko po kayo, lagi niyo pong tandaan 'yan. Sure na rin po ako na sasaya ako sa magiging bagong mga pamilya ko. Ang pamilya na kasama si Misha, at ang pamilya na kasama ang pamilya niya."
I smiled before remembering the first time I met Misha's parents.
"Boy, hindi ka pa ba uuwi? Baka mauna na kami." Sabi ni Galen. Nakaakbay siya kay Brielle na nakangiti sa akin.
Umiling ako. "Hindi pa. May ipapasa pa ako sa faculty. Mauna na kayo."
"Sige. Sasabay na rin naman sa amin si Coma. Ingat ka, ah!" Paalam ni Galen habang hinila si Brielle palayo. Brielle only laughed at her twin before waving at me.
"Bye, Kai! See you tomorrow! Chat ka sa amin 'pag nakauwi ka na!" Brielle beamed loudly. Maraming napatingin sa kanya dahil sa lakas ng boses pero tinawanan niya lang 'yon. Even Galen laughed.
I chuckled at the twins' behavior before going to the faculty.
Nang nakarating, wala ang professor doon kaya iniwan ko na lang sa table niya. Nagsulat na rin ako sa sticky note at dinikit sa folder na pinasa ko kasi baka mawala pa.
Palabas na sana ako ng university pero may humarang sa dinadaanan ko. Tatabi na sana ako para makadaan pero walang dumaan kaya napatingin ako sa harap ko.
My eyes widened when I realized who it was. The beauty of the woman in front of me resembles a lot of my love's beauty. I knew from the first look that it was Misha's mother. The woman smiled at me and made me slightly bow my head in respect.
"Good afternoon po." Tanging nasabi ko kasi ngayon ko lang naman nakita ang ginang at nagtaka rin ako kung bakit siya ngumiti sa akin.
"You're Kai Sarmiento, right?"
"Ah, opo. May kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong ko kahit halos manginig na ako sa kaba.
The woman smiled again. Naglahad siya ng kamay sa akin. "I'm Mildrina, Misha's mother. I was just wondering if you're free to talk? Kahit sa katabing coffee shop lang."
BINABASA MO ANG
Two Hearts, One Rhythm
RomanceTranquil Series #2 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will their hearts sync into one? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: February 12, 2023 Ended on: April 12, 2023