ALESXIA
Nakaakbay ako kay keanu habang siya naman ako komportableng nagbabasa ng libro niya. Masaya nga ako dahil sa komportable na ito sa'kin
Pero nakikita ko ang pamumula ng tenga niya pero hindi ko iyun pinansin
"Keanu, anong mga pangalan nung mga namb-bully sa'yo?" Tinanggal ko ang pagkakaakbay ko sa kaniya saka nagcrossed arms at pinagcrossed ko ang paa ko
Napatigil siya saka napatingin sa'kin. "Bakit?" Tanong nito
"Wala lang. So, sabihin mo na sa'kin ang mga pangalan nila. Lahat sila."
"'Wag na. 'Wag mo nalang silang pansinin." Umiwas ito ng tingin at itinuon ang atensiyon sa librong hawak niya
"Sige na." Pangungulit ko
"'Wag mo nalang silang isipin." Hindi niya parin inaalis ang atensyon niya sa libro
"Bakit ba ayaw mo sabihin?"
"Basta"
At dahil sa pagmamatigas niya ay tumayo ako saka pumunta sa harapan niya at kinuha ko ang libro sa kaniya saka yumuko para magkapantay ang mukha naming dalawa
Nanlaki ang mata niya saka namumulang tinignan ako "Sasabihin mo o hindi?" Nakangising saad ko
"B-Bakit b-ba?" Iniwas niya ang kaniyang mukha kaya hinawakan ko ang baba niya saka mas lalong pinaharap sa'kin
Seryoso ko siyang tinitigan saka inilapit ko ang mukha ko "Gusto ko silang bigyan ng leksyon." Pag amin ko
"A-Anong--" inilapit ko pa ang mukha ko kaya kapag gumalaw siya o ako ay maaaring magdikit ang labi naming dalawa
Ganito kasi ang ginagawa ko sa mga kaibigan kong lalaki kapag hindi sila pumapayag sa gusto ko o hindi sila magsasabi ng totoo
"Now, tell me, keanu. Anong mga pangalan nila?" Seryosong saad ko saka siya tinitigan ang mukha niya
"O-Oo na! Sasabihin ko na! Lumayo ka muna!" Namumulang saad nito na ikinangiti ko saka umayos ng tayo
Umupo na ako sa tabi niya saka siya tinignan at hinintay ang sagot niya
"Magkarelasyon ang dalawang 'yun. Si camille diaz at kenneth Clarke. Silang dalawa lang naman talaga ang pinakanamb-bully sa'kin." Hindi ito makatingin sa mga mata ko habang sinasabi 'yun
Ngumiti ako saka nanghiram ng ballpen niya at isinulat ito sa kamay ko "Noted." Nakangiting saad ko
Tumayo na ako saka tumingin sa kaniya. Nakatingin rin ito sa'kin kaya nakangiting tinapik ko siya sa balikat at nagsalita
"Malapit na ang first sub ko kaya kailangan ko nang umalis, ikaw? Hindi ka parin ba pupunta sa first sub mo?" Tanong ko
Tinignan niya ang relo niya saka tumingin ulit sa'kin "Hindi pa naman nagsisimula, may 45 minutes pa ako." Nakangiting saad nito
"Oh? Kung ganun, babye na." Nakangiting saad ko
Tumayo ito saka ako biglaang niyakap na ikinakurap ng ilang beses "Thank you so much, alesxia. Thank you sa lahat lahat." Sincere na saad nito saka kumalas
Napangiti ako "Maliit na bagay. Sige kailangan ko nang umalis."
"Sige. Mag iingat ka." Nakangiting saad nito na ikinangiti ko lalo
Tumingkayad ako para guluhin ang buhok niya na ikinatawa niya "Ikaw rin, keanu. See you."
Nagpaalam na ako sa umalis. Agad nawala ang ngiti sa labi ko saka nakapamulsang tinitignan ang paligid. Tinignan ko ang kamay ko kung saan nakasulat dun ang mga pangalan na kailangan kong bigyan ng leksyon
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Science FictionIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...