chapter 15

609 31 0
                                    

ALESXIA

"Woah... ang ganda ng bahay mo, keanu." Namamanghang saad ko habang pinagmamasdan ang paligid ko

"Thank you." Nakangiting saad nito

"Mag isa ka lang ba dito?"

"Hmm." Tanging naisagot niya "Anong gusto mong kainin?" Tanong nito

"Kahit ano!" Nakangiting saad ko na ikinangiti niya rin

"Adobo?"

"Yes, please."

"Okay." Saad nito saka ako hinila papunta sa isang kitchen "Sit." Utos nito na ikinangiwi ko

"Ginawa mo naman akong bata." Nakangusong saad ko pero sinunod naman yung utos niya

Natawa ito saka umiling "Umupo ka lang d'yan."

Isinuot ang isang apron. Tinanggal niya rin ang suot niyang glases "Naks naman. Ang gwapo naman nitong kaharap ko!" Pang aasar ko na ikinangisi niya

Kumindat ito saka nagkibit balikat "Ako lang 'to." May pagkamayabang nitong saad na ikinahagikgik ko

Napatingin naman ako sa isang pintoan nang makarinig ng isang kalabog "Ano 'yun?"

Tumingin ako kay keanu at kita ko pagsama ng mukha nito pero nawala din naman ito nang makitang nakatingin ako sa kaniya saka ngumiti sa'kin

"A-Ah, wala 'yun. Check ko lang. D'yan ka lang ah?" Nakangiting saad nito saka nagmamadaling tinanggal ang suot nitong apron

Nakangiting tumango naman ako "Sige. Libot lang ako ah?" Nakangiting saad ko kaya nakangiting ginulo naman niya ang buhok ko na ikinanguso ko

"Okay." Saad nito na nakakuyom ang kamao at nagmamadaling umalis sa harapan ko papunta sa pintong kung saan narinig ko ang kalabog

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa isang cabinet na puno ng pictures ni keanu nung bata pa siya

Kinuha ko ang isang picture saka hinaplos ang mukha ni keanu na nasa picture

Ang cute niya.

Napatingin pa ako sa isang picture na may dalawang tao. Isang babae at isang lalaki, nakangiti ito habang nakatingin sa camera

Napangiti ako nang makita ang pagkakahawig ni keanu sa dalawa

Ito siguro ang mga magulang niya

Mga ilang minuto pa ako nagtitingin sa picture nila nang makaramdam ako ng isang presensiya sa likod kaya napangisi ako

Agad kong sinalo ang patalim isasaksak sana sa likuran ko saka nakangising hinarap ang taong may hawak nito. Makikita ang gulat sa mukha nito habang nakatingin sa'kin

"Magaling ka, pero kulang ka pa sa practice bata." Nakangisi ngunit malamig kong saad sa kaniya

Nakita kong napalitan ng galit ang kaninang gulat na ekspresyon sa mukha nito. Agad nitong hinala ang patalim nito pero buti nalang at agad ko itong nabitawan kaya hindi ako nasugatan

Alam ko kasing may lason siyang nilagay sa patalim dahil base narin sa naaamoy ko

Buti nalang talaga malakas ang pang amoy ng sinaniban kong katawan

Inatake niya ulit ako ngunit mabilis akong nakaiwas saka siya sinipa sa tiyan. Namangha ako nang makitang hindi manlang ito natumba ngunit umuubo naman ito

Umayos siya ng tayo saka ako sinipa na iniwasan ko naman pero agad kong naramdaman ang pag atake nito kaya agad ko itong sinangga

"Nakakamanghang nagagawa mo paring maiwasan ang mga atake ko." Nakangisi ngunit mahihimagan ng galit ang tono nito

Nakangisi ko siyang tinitigan "Ako lang 'to." Pang aasar ko dito

Napadaing ako ng mahina nang bigla niya akong sinipa tuhod kaya napaluhod ako "Huwag ka pakampante." Matunog itong napangisi

Akmang isasaksak niya ang patalim na hawak niya sa'kin nang sipain ko siya binti saka siya pinahiga. Hindi niya inaasahan ang pag atake ko kaya nabitawan niya ang patalim

Pumaibabaw ako sa kaniya saka nakangising inilapit ang mukha ko sa kaniya na ikinasinghap niya

"Mukhang ikaw ata ang naging kampante." Nakangising saad ko "Maganda pa lang nasa ibabaw ka, 'no?" Pang aasar ko saka bahagyang itinaas ang suot niya damit

Napaalis ako sa ibabaw niya nang bigla niya akong itulak kaya napahiga ako. Natawa ako dahil sa ginawa niya

"Fuck you!" Singhal nito saka siya naman yung pumaibabaw sa'kin

"Hindi mo naman sinabing gusto mong ikaw ang nasa ibabaw ko. Edi sana hinayaan kitang pumaibabaw sa'kin kanina pa." Nakangiting saad ko

Nakita ko ang pagpula ng tenga at leeg niya kaya mas lalo akong napangisi. Agad kong sinipa ang tyan niya kaya napaalis siya sa ibabaw ko

Tumayo ako't seryoso ko siyang tinignan saka ko kinuha ang posas na nasa loob lang ng suot kong jacket. Sa lakas ng pagkakasipa ko ay hindi pa rin siya makabangon kaya kinuha ko ang pagkakataon na sipain siya ulit ng mas malakas kaysa kanina

Napadaing ito kaya napangisi ako. Lumuhod ako saka ko kinuha ang kamay niya at akmang pupusasan siya nang bigla niya akong sapakin pero nakaiwas ako pero ang kamay ko naman ang  sapak niya kaya nabitawan ko ang posas at tumilapon ito

Sa inis ko ay agad ko siyang sinipa sa mukha "Putangina mo! Ang sakit nun, gago ka!" Inis kong sigaw. Pumaibawbaw ako sa kaniya saka siya sinuntok sa mukha

Kwenelyuhan ko ito saaka ako lumapit sa tenga niya "Akala mo ba, ganun ako katanga para hindi ko mapansin ang pagkakaiba niyo?"  Nakangising saad ko

Nakangisi naman ako nitong tinignan at naramdaman ko ang pagsaksak nito sa aking tyan "Napamangha mo 'ko dahil nalaman mong hindi ako si keanu." Nakangising saad naman nito

Agad niya kinuha sa pagkakasaksak sa'kin ang patalim kaya napakagat ako ng labi para pigilan ang pag daing. Bigla niya akong itinulak kaya napahiga ako sa sahig at bigla itong tumayo

Naaamoy ko ang lason na nagmumula sa patalim na ginamit niya

"Akala mo ba, ganun mo lang ako kadaling matatalo? Oo, magaling ka. At nakakamangha ang ipinakita mong galing sa paggawa nun kay camille at kenneth at kung paano mo nalaman ang mga sekreto nila."

I'm right. Pinapanood niya ako nung time na 'yun.

"Pero wala kanang magagawa para iligtas ang magaling kong kambal dahil mamamatay ka rin naman." Nakangisi ako nitong tinignan saka lumuhod at hinaplos ang mukha ko "Sayang, ang ganda mo pa naman."

"Inggetero ka, kaya ginagawa mo ang lahat ng 'to, tama?" Nakangising tanong ko at hindi iniinda ang sugat na natamo

"Nakakamangha ka talaga. Nagagawa mo pa ring ngumisi at magsalita sa'kin ng ganiyan kahit nahihirapan kana." Nakangising saad nito  "Pero sige. Kwe-kwentohan rin kita tulad ng ginawa mo kanila camille at kenneth."

"Oo. Naiinggit ako dahil lagi nalang si keanu ang pinagmamalaki nila. Parehas naman kaming dalawa. Magkaparehas rin kami ng mukha. Anak rin nila ako pero bakit si keanu nalang lagi!" Galit ang makikita mo sa mga mata nito

"I'm better than keanu. Pero bulag ata ang mga magulang namin dahil hindi nila makita 'yun."

"Dahil wala kang ibang ginawa kundi ang magbulakbol at manira ng buhay." Singit ko naman na ikinasama ng tingin niya sa'kin saka ako mahigpit na hinawakan sa panga

"Dahil lahat sila mga wala kwenta. Gusto mo bang malaman kung anong ginawa ko sa mga magulang namin ni keanu?" Nakangising saad ni keane

KEANE KAEL WIXX. Ganda sana ng pangalan, gago at tarantado nga lang.

"Ang akala ni keanu, car accident ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin pero sinadya ko 'yun. Ako ang bumangga sa kanila. Naririndi na kasi ako sa kanila." Nakangiwing saad nito

Napapikit ako ng mariin nang mas higpitan niya ang pagkakahawak niya sa panga ko

"Alam mo ba, ang mga namatay na estudyanteng binully nila kenneth at camille ay magiging kaibigan sana ni keanu. Ang kaso napatay ko sila eh." Tila nalulungkot na saad ni keane

Alam ko.

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon