Nagtitigan kami ng ilang minuto at natigil lang iyon nang basagin ni Crisiana ang katahimikan. Ngumiti ng matamis si Lyliene kay Crisiana at sa magjowa habang mataray naman ako nitong tinignan
She's a bitch.
"Ah diba, transferee ka, Lyliene? Saan kabang school nag aaral dati?" Nakangiting nagtanong si Crisiana na ikinangiti rin ng bruha.
"Ah, sa BTCH academy ako nag aaral dati. Last week lang ako ng enroll dito at ngayon araw lang ako nakapasok." Nakangiti at mahinhin na saad nito na ikinairap ko ng palihim
"Bakit ka lumipat ng school? Balita ko, maganda daw roon."
"Maganda kaya rito! This acedemy is one of the most beautiful school I've ever seen!" Nakangiting saaad nito pero agad ring nawala ang ngiti nito at umaktong nalulungkot, "And the reason kung bakit ako lumipat dito ay dahil sa bullies." Malungkot ang mukha nito.
Kung sino man ata ang makarinig sa malungkot nitong boses ay mahahawa rin sa kalungkutan na nararamdaman niya, but not me. Because I know she's pretending.
Aaminin kong magaling siyang umacting. Alam kong napapanggap siya pero hindi iyon nahahalata ng iba. Dahil sabi ko nga, magaling siyang magpanggap. Pavictim siguro 'to sa dati niyang school.
"That's sad. Don't worry, hindi ka mabubully dito. Dahil wala na rin naman ang mga main bully sa school na 'to. At kung meron mang mambully sa'yo, nandito naman kami para ipangtanggol ka, diba guys?" Nakangiting saad naman ni Crisiana at walang gana namang tumango si Violet habang si Caino ay ngumiti.
I observed Lyliene silently, studying her actions without uttering a word. We exchanged intense gazes, both revealing our mutual discomfort in each other's presence.
"Thank you so much. I appreciate it. Masaya akong dito ako napunta sa school na 'to. Ang sweet niyo naman." Ngumiti ito ng sobrang tamis habang nakatitig pa rin sa'kin pero alam kung plastik iyon
Ngumiti rin ako ng matamis saka lumapit ng kaunti at isinandal ang chin ko sa palad ko para magpantay ang mukha namin. Hindi naman ganun kalapit dahil may lamesang nakaharang sa gitna namin.
"Oh, sweetie, you're the sweetest. Masaya rin kaming nandito ka." Madiin kong saad habang nakangiti na ikinawala ng ngiti niya pero agad niya rin naman ibininalik
Natigilan kami nang magtilian ang mga students dito sa cafeteria. Napatingin kami sa entrance at nakita namin sila Ellias. Nakangiti si Maze habang si Zeken ay kumakaway sa direksyon ko. Tumatango lamang si Maximus sa mga bumabati sa kanila at nakapamulsa lamang si Ellias habang nakatingin sa aking direksyon.
Naglakad sila palapit at binati kami, "Hi alesxia and friends!" Energetic na bati ni Zeken saka hinalikan ako sa pisnge.
Napatingin ako kay Lyliene at nakita ko ang pamumula nito habang pasulyap sulyap kay Ellias na hindi naman siya tinatapunan ng pansin.
"Good morning, Alesxia." Nakangiting saad ni Maze na ikinangiti ko rin at tumango
"Pwede ba kaming makisabay sa inyo?" Maliit na ngumiti si Maximus at tumango naman ang mga kasama ko kaya dali daling kumuha ng upuan ang tatlo habang si Ellias naman ay umupo sa tabi ko
"Hi... Ahm, I'm Lyliene..." Parang nahihiyang saad ni Lyliene at nagpapabebe pang inilagay ang buhok sa likod ng tenga niya
Parang tanga.
"Oh, hi! You're transferee?" Nakangiting saad ni Maze na ikinamula lalo ni Lyliene at tumango tango
"Y-Yes..." Umakto itong nalungkot at pinaglaruan ang mga daliri, "Lumipat ako dito dahil sa bullies kaya sana y'all take care of me..." Pinanipis nito ang boses na ikinairita ko kaya napabuntong hininga ako at napaiwas ng tingin
Isang pabebe mo pa, susuntukin na kita!
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ellias habang hawak ang dibdib niya at nakatingin sa marka ng papulsohan niya katulad ng marka nila Keanu. Napatingin ito sa akin nang may pagtataka na ikinaiwas ko nalang ng tingin
"Don't worry, We are here to protect you." Nakangiting saad naman ni Zeken saka kumindat na ikinamula lalo ni Lyliene
"Oh, diba! You're safe here kasi nandito kami! Saka mga fafa na ang proprotekta sayo!" Nakangiting saad naman ni Crisiana
Palihim akong umirap at napacrossed arms habang tinititigan si Lyliene na nakatitig sa mga katabi kong si Ellias at Maximus. Tinulak kasi ni Maximus si Crisiana at umupo sa tabi ko.
"Thank you..." Namumulang saad ni Lyliene. "Ahm, Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya kay Ellias na hindi naman siya sinagot at nakatingin lang ito sa akin
"Tinatanong ka, sagutin mo." Bulong ko sa kaniya na ikinailing nito
"No. You don't like her." Bulong nito pabalik habang nakatitig sa akin
"Hindi ah. Wala lang ako sa mood. Sagutin mo na." Umiling ito at sumandal sa upuan niya nang hindi binabalingan ng tingin si Lyliene.
"Ah..." Napapahiyang tumawa si Lyliene at umiwas ng tingin nang hindi siya sinagot ni Ellias
"Ako na magpapakila sa kaniya!" Awkward na ngumiti si Zeken, "Siya si Ellias, ako naman si Zeken, si Maximus at si Maze." Pakilala ni Zeken habang tinuturo sila isa-isa.
"May mga girlfriend na kayo?" Nakangiting tanong ulit ng bruha
"Ah, No!/Yes." Nagulat ang lahat sa naging sagot ni Ellias. Maging ako rin ay nagulat at napatingin sa kaniya.
"Talaga?! May girlfriend kana?" Gulat kong tanong na ikinatawa ng mahina at lumapit sa akin ng kaunti
"Yes. You already marked me, Hon." Bulong nito at ipinakita ang marka sa papulsohan niya
Napakunot ako ng noo at tinaasan siya ng kilay, "Baliw! Anong mark?!" Nakakunot noong singhal ko sa kaniya kaya mas lumapit pa ito at bumulong sa tenga ko
"You are destined to be ours. Whether you like it or not." Paos nitong tanong na ikinataas ng balahibo ko't ikinalito ko lalo
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang saad nito. Ngumisi ito't hindi ako sinagot. Nakatitig lamang ito sa akin
Magsasalita na sana ako nang bigla namang sumabat si Lyliene. "Anong pinag uusapan niyo?" Mahinhing saad nito na ikinatingin ko sa kaniya
"It's none of your business." Malamig na saad ni Ellias nang hindi tinatapunan ng tingin si Lyliene na ikinalunok naman ng bruha
Nabaling ang tingin ni Lyliene sa akin saka ako palihim na sinamaan ng tingin. Palihim ko rin siyang nginisihan ngunit agad ring winala dahil nakatingin pa rin sa akin si Ellias
Maasar ka ngayon.
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Science FictionIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...