Nandidito kami ni keanu sa bahay ni doktor kius. Dito muna kami titira pansamantala. Natawagan ko narin sila mama helen at nagdahilan pa ako na dito muna ako titira sa bahay isa kong kaibigan para mas makapagbonding kami"Hindi ako makapaniwalang nakayanan mo ang lahat ng paghihirap na dinanas mo sa kamay ng kambal mo, keanu." Saad ko habang pinagmamasdan ang maaliwalas na mukha nito habang natutulog
Masya akong naprotektahan kita, keanu.
"Nakakapagtakang parang walang epekto sa'yo ang lason na ginamit ng gagong 'yun sa'yo." Napatingin ako sa nagtatakang si doktor kius na ginagamot ang sugat ko
Si doktor kius nalang ang nadidito dahil mabilis lang naman si dion dito. Halos umiyak na nga nun nang makita ang sugat ko, buti nga't hindi sinabi ni doktor kius na may lasong ginamit si keane sa'kin. Gusto pa nga nun na manatili pero ako na mismo ang nagpumilit sa kaniya na umalis kaya walang siyang nagawa.
"Magic?" Painosenteng saad ko naman
Tumingin ito sa'kin na parang ako na ang pinakabobong tao ang nagrason na ganun
"Next time, 'wag mong hayaang masugatan ka nila. Baka ano pang mangyari sayo't... hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nangyari 'yun." Seryosong saad nito habang tutok sa paggamot ng sugat ko
Napangiti naman ako "Sweet naman ng doktor ko."
Napatigil ito saka sumulyap sa'kin pero umiwas naman agad siya at ipinagpatuloy ang paggamot sa sugat ko
"Sana walang makaalam sa nangyari dito, doktor kius"
"Hmm, i won't." Nagbuntong hininga ito saka inayos na ang gamit niya nang matapos na niyang magamot ang sugat ko
Tumayo na ito saka ako hinarap kaya tumayo rin ako saka siya niyakap "Thank you sa paggamot ng sugat namin ni keanu."
Natigilan ito pero agad rin naman niyang hinawakan ang ulo ko saka mas diniinan ang pagkakayakap sa'kin
"Just... take care of yourself." Bulong nito at ramdam ko pa ang paghaplos nito sa buhok ko
Napangiti ako saka nagsalita "Yes po!"
Tumagal ng ilang minuto ang yakap namin at humiwalay na kami. Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko saka niya ginulo ang buhok ko
"I need to go. Call me if you need something, 'kay?" Saad nito kaya nakangiting tumango ako
Umalis na ito kaya napabuntong hininga ako saka umupo sa kama. Napatingin ako kay keanu na mahimbing parin ang tulog
Lumapit ako saka hinawakan ang ulo niya. Marahan ko itong sinuklay at kita ko ang biglaang pagngiti nito na ikinangiti ko narin
"Walang makakapanakit sa'yo habang nabubuhay ako sa mundong 'to." Bulong ko. Bumaba ang kamay ko papunta sa pisnge niya saka ito hinaplos
Kamukhang kamukha mo talaga siya.
Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni keanu. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit ang mukha ko sa mukha niya
Nakapikit kong hinalikan ang noo niya. Tumagal 'yun ng 2 minuto nang marinig ko ang boses ni keanu
"A-Alesxia..." Napalayo ako at nakita ko ang maamong mukha ni keanu. Nakatitig ito sa'kin
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisnge niya saka ito hinalikan na ikinatigil ko
"S-Salamat..." nakapikit nitong sabi na ikinangiti ko
Nagmulat siya ng mata saka nakangiting sumagot habang mahigpit parin ang hawak sa kamay ko
"May kailangan kaba? Gutom kaba? Nauuhaw?"
"Okay na ako."
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko habang nakahawak sa kamay niya
"Maayos na maayos na." Nakangiting sagot nito pero agad naman akong nataranta nang biglang may luhang tumulo galing sa mata niya
Agad ko itong pinunasan dahil sunod sunod ang pagtulo nito "Keanu, may masakit ba, hmm?" Nag aalalang tanong ko
Nakangiti pero lumuluhang umiling ito "Masaya lang ako, kasi nandito ka."
Natigilan ako pero mas lumapit ako sa kaniya at humiga sa tabi niya saka siya niyakap ng hindi kahigpitan
"Bakit ka umiiyak?" Malambing kong tanong
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at nagulat pa ako ng bigla niyang sinubsob ang mukha sa bandang dibdib ko saka mas hinigpitan ang yakap sa'kin
"Tears of joy" ramdam ko ang hininga niya sa dibdib ko dahil manipis lang ang suot kong damit
Mas yumakap ako sa kaniya saka ko sinusuklay suklay ang buhok niya at hinahaplos ito. Naramdaman ko ang mas paghigpit nitong pagyakap sa'kin pero hindi naman ako nasasaktan
"Kung okay lang sa'yo, pwede mo bang ikwento kung bakit nagkaganun ang kambal mo?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang buhok niya
Naramdaman kong napatigil ito saka tumingala sa'kin pero bumalik parin naman ito sa pagkakasubsob sa dibdib ko
"Nagsimula siyang naging ganiyan nung inakala niyang mas pinapaboran ako nila mama at papa. Kung tutuosin, siya nga ang lagi bukambibig nila mama at papa eh. Lagi nilang pinapaalala sa'kin na dapat kong alagaan si keane dahil mas matanda naman daw ako." Ramdam ko ang panginginig niya at rinig ko ang mahina nitong paghikbi
"Kaya lang naman ako lagi ang pinagtutuonan nila ng pansin dahil kailangan gusto nilang ipamana sa'kin ang kompanya. Ayaw nilang ipamana kay keane dahil ayaw daw nilang mahirapan siya. Alam daw kasi nila ang hirap sa pagh-handle ng kompanya kaya gusto nilang ipasa sa'kin para hindi si keane ang maghirap. Ayun nga lang ninakaw ng tito ko yung kompanya."
Napapikit ako dahil sa inis. Sinapo ko ang mukha ni keanu na umiiyak saka ko pinunasan ang mga luha nito. "Gusto mo bang maghandle ng kompanya?" Tanong ko
Nakita ko ang dahan dahan nitong pag iling kaya marahan kong hinaplos ang mukha niya
"Sigurado ka? Handa akong gawin lahat mabawi lang ang kompanya ng mga magulang mo kung gusto mong mapunta lahat ng 'yun sa'yo." Paninigurado ko
Tinitigan niya ako saka nagsalita "Bakit ba ang bait mo sa'kin?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napapalunok pa ako.
Umiwas ako ng tingin "A-Ah, ano, ipagluluto muna kita ng makakain mo" Akmang babangon na ako mula sa pagkakahiga sa tabi niya nang bigla niya akong hinila kaya napabalik ako sa pagkakahiga
Nakahiga ako ngayon sa kaliwang braso niya habang ang kanang braso niya naman ay nakayakap sa'kin. Isinubsob niya ulit ang mukha niya sa dibdib ko saka mas hinigpitan ang pagyakap sa'kin
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Kinuha niya ang kanang kamay ko saka inilagay ito sa buhok niya na para bang gusto niyang suklay suklayin ko ito
"Ganito muna tayo kahit ilang minuto lang." Nakiliti ako dahil sa init ng hininga niya na tumatama sa dibdib ko
Napalunok ako ng ilang beses. "Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ko
"Hmm." Mahinang tugon nito at mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin
Ipaalala ko lang sa kaniya. May sugat siya sa katawan pero kung makayakap wagas!
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Ciencia FicciónIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...