ALESXIANandito kami lahat sa dinning room. Nag uusap sila mama, veron, at vreos sa kung ano ano habang ako naman ay tahimik lang na lumalamon
"Ah... anak, alesxia." Napatingin ako kay mama nang marinig ko ang tawag nito sa'kin "Naisip ko kasing paaralin ka sa paaralan kaysa namang basa ka nalang nang basa mag isa d'yan sa kwarto mo. Kung gusto mo lang naman." Nakangiting saad ni mama
Uminom ako ng juice saka nanlalaking matang napatingin kay mama helen "Talaga po?" Nagagalak kong tanong. Nakita ko ang paglaki ng ngiti nito saka tumango
"Pero ma, pwede namang dito nalang siya sa bahay mag aral. Bakit kailangan pang niyang mag aral sa school?" Parang naiiritang sambit ni vreos na ikinasimangot ko
"Vreos is right." Singit naman ni veron na lalo kung ikinasimangot
"Eh vreos, veron, gusto ko ring makahanap ng iba pang kaibigan. Lagi nalang kasi mukha niyo nakikita ko, nakakasawa mga mukha niyo." Biro ko. Nakita ko naman ang pagnguso ni vreos at pagkunot ng noo ni veron. Narinig kong natawa si mama at biglang sumeryoso
"Nakapagdesisyon na ako. Gusto ni alesxia na mag aral sa paaralan kaya hindi ko iyon ipagkakait sa kaniya." Ramdam naming seryoso siya na ikinangiti ko saka lumapit kay mama saka hinalikan sa pisnge
"Da best ka talaga mama helen. Mahal na mahal po kita." Nakangiting saad ko saka niyakap si mama helen. Natatawang niyakap ako pabalik ni mama helen
"Pero dapat mag iingat ka kapag papasok kana. At para masiguro kong magiging ligtas ka ay kailangan mong pumili ng iyong magiging personal butler na sasama sa'yo kahit saan ka magpunta" nakangiting saad ni mama "May napili kana bang butler mo?" Dagdag pa ni mama
Kahit kaya ko naman ang sarili ko ay kinakailangan ko paring mamili para hindi magtampo si mama.
"Opo ma! Si dion po! Si dion po pinipili ko!" Magiliw kong saad. Nagulat kami nang biglang sumigaw ang dalawa
"No! / Hindi pwede!" Napataas ang kilay ni mama dahil sa pag sigaw ng dalawa
"Huwag yung lalaking 'yun! Iba nalang, ales." Parang naiinis na saad ni vreos
"Not him." Seryosong saad naman ni veron
Napairap ako saka nagsalita "Wala kayong magagawa. Siya ang napili ko saka magaling si dion sa pakikipaglaban! Matalino rin siya! ... at gwapo." Binulong ko lang kay mama ang panghuli na nakapagpatawa sa kaniya
"Tama ka, iha. Gwapo nga ang napili mo" nakangiting bulong sa'kin ni mama na ikinahagikgik ko
"Ano yang binubulong bulongan niyo d'yan?!" Inis na saad ni vreos saka nanliliit ang mata. Si veron naman ay mariing nakatitig sa'kin na hindi ko naman pinapansin
"Wala, sinabi ko lang na madaming gwapong binata doon na maaari niyang matipuhan." Hindi ko alam kung nang aasar ba si mama o hindi
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni vreos at parang manununtok na habang si veron naman ay umiigting na ang panga na ikinataka ko. Para tuloy'ng bumigat ang atmosphere dito or guni guni ko lang
"Dito kana lang kaya mag aral, ales? Dito mababantayan ka ng maayos. Makikita mo pa araw araw ang katawa—" hindi natuloy ang sasabihin ni vreos nang isinalampak ni veron ang isang tinapay sa bibig nito.
Napailing nalang ako nang mabulunan si vreos kaya iniabot ko ang baso ko sa kaniya kaya dali dali niya itong ininom
Sa wakas, makakapag aral na ako ng libre.
NANDITO ako sa loob ng kwarto ko nagsusuklay, nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang nakapamulsang si veron habang pinapasadahan ako ng tingin
"May kailangan kaba?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok ko
Hindi ito sumagot at biglang lumapit sa akin saka biglang hinawakan ang bewang ko saka ako pinaharap sa kaniya kaya tinigil ko muna ang pagsusuklay. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang malaking palad sa aking bewang dahil sa manipis lamang ang tela ng damit na suot ko ngayon
Biglang nanaas ang balahibo ko nang bigla niyang pisilin ng mahina ang bewang ko. Nakayuko siya habang ako naman ay nakatingala kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa
Tumikhim ako saka nagsalita "A-Ano bang kailangan mo veron?" ulit ko sa tanong
"I want a hug." mahina nitong saad saka mas lalong pinisil ang bewang ko kaya nagulat ako
"'Wag mo ngang pisilin yung bewang ko!" inis kong singhal sa kaniya
"kitten, i want a hug." ulit nitong sabi. Napalunok ako nang maramdaman ko ang marahang pagbaba ng kaniyang kamay malapit sa pang upo ko
"Pumunta ka dito dahil gusto mo ng yakap?" Nakakunot ang noo ko habang sinasabi 'yun. Nakita ko naman ang pagtango nito habang nakatitig parin sa'kin "tangek kaba?"
"No. Give me a hug, kitten." Napapailing ko siyang niyakap. Tahimik lang kami habang nakayakap sa isa't isa. Nakikiliti pa nga ako sa pagpipisil niya sa bewang ko
Ilang minuto ang lumipas at ako na ang kumalas sa pagyayakap naming dalawa "Okay na?" Tanong ko
Hindi ito sumagot at bigla akong hinila at niyakap "A-Anong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya itong putulin
"Shh, just 1 minute." Bulong nito kaya kahit nagtataka ay niyakap ko nalang ito pabalik
Sobrang higpit ng yakap ng animal sa'kin
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Ciencia FicciónIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...