"Keanu, magstay ka muna dito, ha?" Nakangiting saad ko habang inaayos ang mga gamit ko, dahil uuwi na ako. Nandito kasi ako sa kwarto namin ni keanu
Nawala na rin kasi yung mga sugat ko kaya kailangan ko nang umuwi dahil nag aalala na si mama helen at kamuntikan na dawng mag wala si vreos sa school namin nang malaman niya na hindi ako pumapasok
2 weeks akong nanatili dito sa bahay ni kius at masasabing kong mas naging malapit kami ni kius at keanu. Pati narin si dion dahil kapag natatapos siya sa pagt-training niya sa bahay ay pupunta siya dito na may dala at sumasabay sa'min kumain
Nilapitan ako ni keanu saka tinulungang mag ayos ng gamit ko "Dadalaw ka dito ah?" Nakangusong saad nito
Napangiti ako saka lumapit sa kaniya at niyakap siya "Syempre naman. At saka kapag tuluyan nang gumaling ang mga sugat mo sa katawan ay pwede kanang pumasok ulit." Nakangiting saad ko habang nakatingalang tinitignan siya
Meron parin kasi siyang mga sugat na hindi parin humihilom dahil sa grabeng pananakit ng kambal niya sa kaniya. At mapapansin rin ang paghaba ng buhok nito
Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa'kin na ikinataka ko. Nagbuntong hininga ito saka ako hinalikan sa noo na ikinapikit ko
"I love you." Bulong nito saka ako niyakap na ikinangiti ko
"Huwag kang makulit masyado dito ah? Baka umiyak si kius dahil sa kakulitan mo." Saad ko habang nakayakap sa kaniya
"Yes, madam." Napahiwalay kaming dalawa mula sa pagkakayakap nang makarinig ng ring sa cellphone ko
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama saka tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni vreos kaya agad ko itong sinagot
"{Ales, uuwi kana? Gusto mo bang sunduin kita d'yan sa bahay ng kaibigan mo?}" Bungad ni vreos sa'kin
"Oo, uuwi na ako. 'Wag mona akong sunduin, kaya ko naman." Natatawang sagot ko
"{Eh? Gusto kitang makita agad eh.}" Parang batang saad nito sa kabilang linya na mas lalo kong ikinatawa
"'Wag na. Uuwi narin naman ako eh. Mamaya na tayo magkita."
"{Sigurado kabang ayaw mong magpasundo?}"
"Oo nga!"
"{Hays, sige na nga. Basta mamaya tabi tayong matulog ah!}"
"May sarili kang kwarto, vreos."
"{Gusto kitang katabi eh!}" Naramdaman ko naman ang biglaang pagyakap ni keanu sa likod ko saka sumandal sa balikat ko na ikinataka ko
"Ah, bahala ka! Sisipain talaga kita paglumilikot ka mamaya." Pagsuko ko
"{Vreos, halika na! Naghihintay na sila keiran sa'tin! Oo na, pupunta na!}" Nakarinig ako nang sigaw ng kung sino at sigaw ni vreos sa kabilang linya "{Oh, kailangan konang umalis, ales. I love you.}" Paalam nito saka namatay ang tawag na ikinatawa ko
"Sino 'yun?" Napatingin ako kay keanu dahil sa seryoso nitong boses habang nakasandal sa balikat ko saka ko inilagay sa kama ang cellphone ko
"Si vreos, k-kapatid ko." Muntik pa akong napangiwi dahil sa sinabi ko
Hindi parin talaga ako sanay tawagin si veron at vreos na kapatid.
"Good to know." Nakangiting saad nito saka isiniksik ang mukha sa leeg ko na ikinakiliti ko
Nagtaka ako sa naging reaksyon nito dahil kanina lang ay seryoso ito tapos biglang ngumiti
Patagal ng patagal, nagiging maloko na itong si keanu
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Science FictionIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...