chapter 45

435 17 6
                                    




Nandito ako ngayon sa isang restaurant. Nakacrossed arms ako habang nakatitig sa kawalan. Kanina pa ako naghihintay sa taong tumawag sa akin nung nakaraan.


Nagbuntong hininga ako habang iniisip pa rin ang sinabi ni Ellias nung nandoon kami sa school. About dun sa sinabi niyang "You're destined to be ours" daw kuno.


Ewan ko ba pero hindi mawala iyon sa isip ko. Hindi kaya may kinalaman ang marka nila Keanu sa sinabi ng matandang nasa park? Argh, nakakalito...



"Ariya..." Napabalik ako sa ulirat nang makarinig ng boses sa harapan ko. Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko ang dalawang lalaki na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin



"Ariya, you're alive... I can't believe this. My Ariya..." Lumambot ang ekspresyon ng dalawa habang nakatitig sa akin


Tumayo ako saka tinignan sila. "Mr. Adrian, Mr. Adrion.... Please, have a seat." Seryosong saad ko at itinuro ang dalawang upuan na nasa harapan ko.


Dali daling umupo ang dalawa nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Umupo na rin ako at pinagcross ang legs ko. Uminom ako ng kape saka tinitigan ang dalawa



Makikita mo talagang magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Halos lahat ay parehas, ngunit ang aura nila'y magkaibang-magkaiba. Si Adrian ay may maamong mata na magpapagaan talaga ng loob mo habang si Adrion naman ay masama kung tumingin na para bang tinititigan niya pati ang kaluluwa mo



Magkaparehas man ang mukha nila ay iba naman ang awrang na mayroon sila. Matatagalan ka kung sino si Adrian o si Adrion sa dalawa dahil halos wala silang pinagkaiba. Ngunit, kung mahilig kang mag obserba katulad ko, malalaman mo kung sino sila.


"Anong gusto niyong pag-usapan natin?" Nakangiti ngunit seryoso kong saad

"Ariya---"


"It's Alesxia, Mr. Adrian. Please, call me Alexsia." Seryosong saad ko na ikinatahimik nito


"A-Alesxia... It's been 3 years, bakit ngayon ka lang nagpakita? We are so worried about you..." Seryoso ngunit nagsusumamo ang matang saad ni Adrion



"Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon lang?" Malungkot na saad ni Adrian


"Do you really know me? Actually, wala ako maalala patungkol sa inyo. Sino kayo? Sino kayo sa buhay ko?" Madiin kong saad habang mariin ang titig sa dalawa



This is the right time para malaman ko kung sino ba talaga ang nagmamay-ari ng katawang 'to. Bakit nasa gubat siya't duguan? Ano ba talgang nangyari sa kaniya? Paano siya namatay?




Nagbuntong hininga ako dahil sa mga katanungan na nasa isipan ko na walang kasagutan. It's been 5 months since napunta ako dito ngunit hindi ko pa rin alam kung sino ba talaga ang katawang ginagamit ko ngayon




NAPATAHIMIK ang dalawa at umiwas ng tingin. Sabay silang nagbuntong hininga saka tumingin ulit sa'kin. Parehas lamang ang ekspresyon ng mukha nila, iyon ay ang pagkaguilty at lungkot.



"Before you went missing, parehas ka naming pinahiya sa harap ng maraming tao. It was Karina's birthday pero plinano mong ipahiya siya. Dahil doon, nasampal kita sa harap ng mga bisita. We insulted and shouted at you. And we regretted everything." Mahinang at mahabang saad ni Adrian habang nakayuko

"Because of the hurtful things we said to you, you ran away from the party, crying. We tried to follow you, but you suddenly disappeared. All we saw left behind was the bracelet your brother gave you, lying on the ground." Seryosong saad naman ni Adrion

Napakunot ang noo ko saka napatitig sa kape ko. Nag buntong hininga ako saka napatingin sa kanila. I know they are telling the truth. What really happened?


"May kapatid ako? Sino?" Tanong ko habang nakatitig sa kanila


"Arios fiane Cermosa. And you? You are Ariya Fea Cermosa." Saad naman ni Adrian na ikinatango tango ko


"Nasaan siya ngayon?" Tanong kong muli


"He's in the hospital. When you disappeared, sobrang na depressed siya. Halos hindi na kumain at natulog kapag hindi naririnig ang boses mo. Nagwawala siya parati at kumakalma lang kapag nakikita niya ang picture mo. Dahil sa pagpapalipas niya ng gutom at pagpupuyat, na hospital siya." Malungkot na saad ni Adrian na ikinaawa ko



I feel bad. His sister is gone at ako na ang nasa katawan ng pinakamamahal niyang kapatid.



"Okay... Okay na ba siya?" Mahinang tanong ko



"Yes. You don't have to worry anymore kasi inaalagaan naman siya roon. He missed you a lot." Kalmadong saad ni Adrion



"I'll visit him when I'm free." Tumatango tango naman silang dalawa saka nagbuntong hininga


"That's good to hear..." mahinang saad ni Adrion



"Ariya i mean, Alesxia... Kamusta kana? Saan ka nanunuluyan? Okay ka lang ba doon? Kung gusto mo, maaari kang tumira sa bahay namin. We'll take care of you. Bumalik ka lang sa amin." Sunod sunod na saad ni Adrian



"No, I'm fine. Masaya ako sa mga kasama ko ngayon. Wala akong planong bumalik pa sa buhay ko dati. Masaya na ako sa buhay ko ngayon." Madiin kong saad bago tumayo nang maubos ko na ang kape

"Kung wala na tayong pag uusapan, aalis na ako. I have so many things to do." Maglalakad na sana ako paalis nang maramdaman ko ang pagyakap ng dalawa sa likod ko na ikinatigil



"Please! Don't leave us again! We missed you so much! Pakiusap, bumalik kana saa amin!" Malakas na saad ni Adrion habang nakahawak sa braso ko.



"Nagmamakaawa kami, Ariya. Come back to us. Promise, we'll be good! Bumalik ka lang at huwag nang umalis!" Naramdaman ko ang luha sa likod ko habang nakayakap sa akin mulaa sa likod.




"Let me go." Madiing saad ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nila sa akin dahil marami na ring tao ang nakakita sa amin



"No! Please! Just stay with us! We'll do everything for you. Please, stay!" Naiiyak na saad ni Adrian na ikinapikit ko at napabuntong hininga



Jusko naman! Ano ba naamang 'tong mga taong 'to!


Pagmulat ko ng mga mata para sana tanggalin ang hawak nila nang makakita ako nang dalawang taong napakapamilyar. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kius at Dion na ikinalunok ko


Masama ang tingin ng dalawa sa direksyon namin at nakakuyom ang dalawang palad nila. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong kinabahan.



Bakit ako biglang kinabahan?!

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon