"[Hoy, gaga! Sa'n kana?! Malapit kanang malate, gaga ka talaga! Nakalimutan mo atang exam ngayon!]" Bungad ni crisiana sa'kin sa kabilang linya
Nagmamadaling kong hinalikan si mama helen sa pisnge saka kumuha ng tinapay sa mesa
"I'm on my way." Tanging naisagot ko na lamang saka kinagatan ang tinapay
"[Talaga lang ah? Bilisan mo kung ayaw mong malate!]" Sigaw nito na ikinailing ko
"Oo na, oo na!" Saad ko saka nagmamadaling lumabas at agad na sumakay sa kotse ni vreos
Nauna na kasi si veron dahil may im-meet pa daw siyang kaibigan at si vreos nalang yung nandidito kaya sumabay na 'ko sa kaniya
"Dahan dahan lang, ales." Malambing na saad ni vreos nang kamuntikan pa akong matumba sa pagmamadali
Agad kong pinatay ang tawag saka nilamon ng buo ang hawak kong tinapay at tinago sa bulsa ang phone ko
Agad kong sinuot yung seatbelt ko nang makapasok na ako saka hinintay si vreos na makasuot ng seatbelt
"Sabay na tayong kumain mamayang lunch." Biglang saad ni veron habang nagd-drive
"Huh? Bakit? Hindi kaba busy?" Tanong ko agad nang malunok ko na ng tuluyan ang kinakain ko
"Hindi ka kumain ngayon kaya sasama ka sa'kin kumain mamaya." Sagot naman nito
"Huh? Anong connect?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Tinignan naman ako nito ''wag kanang umangal' look kaya napakibit balikat nalang ako saka tumango "Okay..."
"Susunduin kita mamaya." Saad nito
"Baka busy ka ah? Ayaw ko namang makadisturbo sa'yo." Isinandal ko ang ulo ko saka ipinikit ang mata ko
"Kailan ka ba naging disturbo sa'kin, ales? Kahit nga siguro may importante akong ginagawa kaya ko 'yun iwan para lang mapuntahan ka." Malambing nitong saad at ramdam ko ang paghawak nito sa kamay ko
Napamulat ako saka tumingin sa kaniya "Talaga lang ha?" Natatawang saad ko
Sandali ako nitong tinignan saka ibinalik ang tingin sa daan. Hinalikan niya ang kamay kong hawak hawak niya na ikinangiti ko
"Tawagan mo 'ko 'pag may kailangan ka, okay?" Malambing nitong saad saka hinalikan ng paulit ulit ang kamay ko na ikinatawa ko
"Yes po, ginoong Versoro." Natatawang saad ko
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, binibining Versoro." Nakangiting saad nito na ikinailing ko
Hawak hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Ilang minuto lang ang lumipas ay agad narin kaming nakarating sa school ko. Nasa harapan na kami ng gate ng school
Agad akong bumaba saka kinuha ang bag ko. Kita ko rin ang pagbaba ni vreos saka lumapit sa'kin
"See you later, ales." Nakangiting saas nito saka hinalikan ako sa noo na ikinapikit ko
"Hmm, hintayin kita mamayang lunch break." Nakangiting saad ko saka siya hinalikan sa magkabilang pisnge
Niyakap niya ako saka ulit hinalikan sa noo "'Wag masyadong magpakapressure, okay? I love you." Malambing nitong saad
Napangiti ako saka siya niyakap pabalik "Noted po. I love you too." Nakangiting saad ko
Humiwalay na kami at kita ko ang paglaki lalo ng ngiti ni vreos. Bago pa man ako nito bitawan ay hinalikan nito ang gilid ng labi ko na ikinagulat ko
"Goodluck kiss." Nakangiting saad nito na ikinatawa ko
"Sige na, umalis kana. Siguradong late kana rin. Sorry sa disturbo."
"Sige. Hintayin mo 'ko mamaya ah?" Nakangiting humiwalay ito
"Oo nga! Sige na, alis na!" Natatawang tinaboy ko ito
Nakangiting kumaway ito bago pumasok sa kotse at pinaharorot ito.
"O to the M to the O. Omo, omo! Ano yung nakita ko, alesxia elise?! Nakausap at nginitian ka ng isang VREOS VERSORO?! And worst to the moon, hinalikan ka niya!! Nanaginip lang ba ako? Omo, hindi ako makapaniwala--" Agad kong tinakpan ang bibig ni crisiana dahil sa pagsigaw niya
"Ano ba?! Baliw ka talaga!" Inis kong saad saka tumingin sa paligid
"Hsishsbsuwvjwgwbw" Saad naman ni crisiana
"Huh?! Pinagsasabi mong gaga ka?" Nakakunot noo kong tanong
Tinampal niya naman ang kamay kong nakatakip sa bibig niya kaya napadaing ako't tinanggal ang pagkakatakip nito sa kaniya
"Pa'no mo naman maiintindihan kung tinakpan mo bibig kong gaga ka?" Nakapameywang na saad nito
"Sorry naman." Natatawang saad ko na ikinairap nito
"So ano nga 'yun?! Bakit kasama mo ang isang napakagwapong si vreos?! Aminin mo, aminin mo, aminin mo!" Tinignan ko siya ng masama nang impit siyang tumili
"Basta!" Tanging naisaad ko nalang saka naglakad papasok
"Gaga! Walang basta basta dito! Sa prisento ka magpaliwag!" Makulit nitong saad saka ako sinundan
"Tigilan mo 'ko, crisiana ah! Sinasabi ko sa'yo!" Mabilis akong naglakad
"Sinasabi ko rin sa'yo, alesxia! Sasabunutan ko talaga yang buhok mo sa ano kung ayaw mong mag paliwanag!" Malakas nitong saad saka mas binilisan rin ang lakad dahil nahuhuli siya
"Tinatamad akong magpaliwanag! Kaya tumahimik ka nalang d'yan, impakta!"
"Wala akong pakialam, boba! Magpaliwanag kana sa'kin, now na!"
"Ano ka si starla?"
"Pinagsasabi mong impukrita ka?"
"Ha? Hagorn."
"Inamo at anak ka ng amamo."
"Obvious naman, ulol!"
"'Wag mong iniiba ang topic, inday! Susungalngalin ko talaga yang bibig mo!" Madaldal nitong saad na ikinairap ko
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pa si prof sullivan at masamang tinignan si crisiana na naka peace sign
"Tangina mo, pakyu with respect!" Bulong ko na ikinatawa niya
"Alesxia... nandito kana pala." Napatingin ako sa mahinhin at malambing na boses at napatigil ako nang makita si violet na nakadress
Woah! First time kong makitang nagdress si violet... end of the galaxy na ba this?
"Violet... ikaw pala. You look beautiful." Ngumiti ako at hindi pa rin makapaniwala
Mas nagulat ako nang makitang namula si violet at ngumiti. Nakakapagtaka ang inaasta ngayon ni violet. Hindi siya ganito kung kumilos
"Violet, hindi ka pa ba nagugutom?" Napatanga ako nang makita si caino na lalaking lalaki kung kumilos at mas lalo akong napatanga dahil sa malambing nitong boses
"Hindi pa. Mamaya na pagkatapos ng exam." Malambing na ngumiti si violet kay caino habang si caino naman ay hinalikan ang noo ni violet
"Sabihin mo sa'kin kapag nagugutom kana, okay? Mag o-order ako ng food for you." Malambing nitong saad saka napabaling sa'kin
What the fucking hell is happening?
"Hi, alesxia." Bati sa'kin ni caino na ikinatango ko lang
"Upo muna kami sa upuan namin, alesxia." Mahinhin na saad ni violet na ikinatango ko ulit na wala sa sarili
"'Yan ang dahilan kaya sinabi kong late kana para magmadali kang pumunta dito at makita ang kababalaghang nangyayari." Bulong ni crisiana sa'kin
"O to the M to the O." Bulong ko sa sarili ko
"Hoy, yung about kay Vreos versoro ah? Ipaliwanag mo sa'kin!" Saad naman ni crisiana na ikinairap ko
"okay, class. Take your seats." Dumating na si prof sullivan kaya nagsi upo na
Hindi naman ako nag absent pero bakit ang daming nangyari na hindi ko alam, pagpasok ko?
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Ciencia FicciónIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...