ALESXIA
Nag aayos na ako ng susuotin ko. Sobrang bilis ng panahon dahil ngayon ay pasokan ko na. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba at excitement
"Ales, tapos kana ba?" May biglang kumatok sa pintoan kaya napahinto ako sa pag aayos
"Nah, hindi pa ako natatapos. Malapit na! Wait lang!" Sigaw ko saka mas minadaling mag ayos
"Sige, hihintayin na lang kita sa baba." May lambing na saad ni vreos sa labas ng kwarto ko
Nang matapos ay agad na akong lumabas at bumaba para kumain. Nakita ko anag nagkakapeng si mama, ang nakakunot noong si veron na nakafocus sa laptop niya, at si vreos na nakacrossed arms at parang tangang tinititigan ang pagkain sa harapan niya
Simula nung gabing humingi ng yakap si veron sa'kin ay naging busy na ito sa restaurant. Pero kahit sobrang busy na niya ay alam kong pumupunta siya sa kwarto ko kapag gabi na at natutulog na ako para halikan ang noo ko saka bumubulong ng good night at sweet words
Nahuli ko kasi siya nang hindi niya nalalaman.
"Good morning." Bati ko sa kanila. Napatingin si vreos sa'kin saka tumayo mula sa pagkakaupo at nakangiti akong sinalubong
"Magandang umaga, ales." Nakangiting saad ni vreos saka ako hinalikan sa noo
"Kamusta ang tulog mo, anak? Excited kana bang pumasok?" Nakangiting tanong ni mama helen
"Okay naman po ang tulog ko, mama helen. Kinakabahan ako saka naeexcite dahil unang araw ng pasukan ngayon." Nakangiting saad ko at lumapit kay mama helen saka ko siya hinalikan sa pisnge
"Normal lamang iyan, iha."
Lumapit ako kay veron para halikan ito sa pisnge nang unahan niya akong halikan sa gilid ng labi ko na ikinagulat ko
"Good morning, my kitten." Malambing nitong saad saka hinila ang upuan na nasa tabi niya saka ako sinenyasang umupo sa tabi niya
"Good morning din, veron." Nang makaupo ay tinoon niya ulit ang atensiyon sa kaniyang laptop
"Kumain na tayo? Kumain kana naka mahuli ka sa iyong klase, ales." Umupo naman si vreos sa harapan ko at katabi nito mama, katabi ko naman si veron
Tumango lang ako saka nagsimulang kumain. Napansin kong hindi parin kumakain si veron kaya susuwayin kona sana nang maunahan ako ni mama helen
"Veron, kumain ka muna. Mamaya na muna iyan." Pagtawag ng pansin ni mama kay veron. Hindi pa rin inaalis ni veron ang atensiyon sa laptop niya
"Ma, this is important." Seryosong saad nito, nakasalamin pa ito at nakakunot ang noo
Parang masungit na gwapo pfft...
"Sige na, anak. Hindi ka rin kumain kagabi kaya kumain kana kahit kaunti lamang." Pagpupumilit ni mama
"Later, ma." Maikling sagot nito na ikinabuntong hininga ni mama helen
Napakunot ang noo dahil kahit pagkain ay hindi niya magawa "Veron, mamamaya na muna 'yan. Makakapaghintay naman siguro 'yan ng kahit ilang minuto diba?" Kunot noong saad ko
Tumingin ito sa'kin at nang makita ang nakakunot kong noo ay nagbuntong hininga ito at biglang kinuha ang kaliwa kong kamay saka ito hinalikan
"Fine." Kumuha siya ng kanin at ulam saka sinalin sa platong nakahanda para sa kaniya
Papayag rin naman pala, kailangan pang magpapilit.
"Iba ka talaga, ales. Kaya mahal na mahal kita eh" Natatawang sambit naman ni vreos, tinignan siya ni veron saka siya sinamaan ng tingin
BINABASA MO ANG
Reincarenated In Another World
Ciencia FicciónIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...