ENJOY READING !!!!!
--------
"Ano ba naman yan Katherine, ganyan na lang ba palagi ang salubong mo sa umaga? Nako, bilisan mo na nga at mahuhuli ka na sa klase." eto si Mama ko. Imbes na magalala, pinagalitan pa ako. Oh well, sanayan na lang siguro yan. Palagi kasing ganyan ang drama ko sa umaga. Masyado na nga kaming CLOSE ng hagdan namin ee. Immune na nga ko sa mga pasa na napapala ko jan .
"Ma, alis na po ako. Late na po talaga ako eh."
"Teka nga, hindi ka pa kumakain. Baka mahilo ka nyan."
"Hindi yan ma, dun na lang po ako sa school kakaen. Alis na po ako. I LOVE YOU MA !!!!"
"I love you too anak. Magiingat ka sa daan ha."
"Opo! Yung gamot niyo po wag niyong kalimutang inumin. Alis na po ako."
Pagkalabas ko, tinakbo ko kaagad ang daan papuntang sakayan ng jeep. Isa rin to sa dahilan kung bakit ayaw kong kumain sa umaga kapag late na ako. Lakad takbo na kasi ang gagawin ko.
"Ay, kuya, meron pa po ba?"
"Oo Miss meron pa. Oh konting usog naman po para sa kapwa niyo pasahero. Waluhan po yan."
"Excuse me. Excuse me po."
Nako naman. E halos wala pang kalahati ng pwet ko ang nakaupo ah. Tres lang dapat ibayad dito. HAHA :D
"Manong bayad ho!"
(hindi nalingon.)
"Manong bayad ho !!"
(aba, hindi pa rin nalingon!)
"HOY MANONG DRAYBER!! BAYAD KO HO!!" sa wakas nilingon na rin ako ni manong.
"Ano ba iha, wag ka namang sumigaw, hindi naman ako bingi eh."
"Ay ganon manong? Hindi pa kayo bingi sa lagay na yan ha? E pano pa kaya kung bingi kayo? Baka naubos na yung boses ko dito e hindi mo pa rin ako lingonin. Kaloka." sabi ko ng pabiro. Nakatingin na sa akin yung ibang pasahero ng jeep. Pero hindi na ulit lumingon at nagsalita si manong.
"Oh di ba. Sabi ko sa inyo hindi siya bingi eh." Sarkastiko kong sabi sa mga kapwa ko pasahero at nagtawanan naman sila.
Matapos ang super effort na ginawa ko para lang hindi tumilapon sa jeep eh nakarating na rin ako sa destinasyon ko.
"Good Morning manong Guard. Dumating na po ba si Ma'am Castro?"
"Nako Katkat, maswerte ka at wala pa siya. Hala sige, pumasok ka na. Baka maabutan ka pa non dito."
"Salamat manong guard!"
Mabuti naman at wala pa yung prof namin na yun. Kung late kasi ako, mas late siya. Well minsan lang naman. HAHA
"Good Morning" bati ko sa bawat kakilala ko na nakakasalubong ko sa hallway.
Well , hindi naman ako kilala dito sa university. Average lang kumbaga. Wala rin akong matatawag na circle of friends. Madalas kasi mag-isa lang ako. It's either nasa garden ako o kaya nasa library. Hindi ako Bookworm no, masarap lang tumambay dun sa library namin. Free Wi-Fi ee. Haha.
Boyfriend? Lovelife? Wala ako ng dalawang yan no. NBSB ako. Paano magkakaroon e wala namang nagkamali at naduling sa akin. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman ako panget. Hehe:D
"Oh, Magandang Umaga Ms.Gray. HAHA. Sa araw-araw ata kitang nakikita, lalo akong naiinlove sayo." Eto na naman si Paolo. Kung hindi lang ako sanay sa mga kalokohan nito, malamang naniwala na ako sa mga pinagsasabi niya.