Chapter 2- No Way !!!! Yes Way !!!!

40 3 0
                                    

Pagpasok namin, agad naman akong sinalubong ni Paolo at ni Jake.

"Hi Kath. May gagawin ka ba ngayon?" tanong sa akin ni Jake. Napansin naman nilang may kasama ako. Dapat lang no. Hindi naman Invisible tong si Dylan para di nila mapansin.

"Katkat, bakit kasama mo to? San kayo galing?" tanong sa akin ni Paolo sabay hila sa akin palayo kay Dylan.

"Hoy Paolo, hands off me nga. Tsaka kumain lang kami sa labas okay. Teka may problema ba?"

"Oo nga Bro, do you have any problem with that?" singit naman ni Dylan.

"Pwede ba John, layuan mo tong si Katkat. Wag mo siyang isama sa mga babae mo." Huwaaat ??? Mga babae? Teka, ano ba pinaguusapan ng mga to?

"You don't know what you're saying Mr. Dela Torre. Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo."

"Is that a threat Mr. Alejandro?"

"I'm stating a fact Mr. Dela Torre."

  Ghaaad !!! Tissue Please.. HAHA. Di ko alam kung anong pinaglalaban ng dalawang to pero mukhang kailangan ko nang sumingit dahil kung Looks could Kill, ika nga nila, baka pinaglalamayan na tong dalawang to.

"Hep. Tama na nga yan.(harap kay Dylan) Dylan, thanks sa lunch and nice meeting you."

"It's my pleasure Kate. See you around." Kinuha niya ang kamay ko ng bigla itong hinablot ni Paolo at hinila ako paalis sa lugar na iyon.

"Pao. Hoy Pao!" dedma lang siya. Tuloy lang siya sa paghila sa akin sa kung saan. Si Jake naman ee nakasunod lang sa amin.

"Araay Pao ha. Hindi na ako natutuwa. Bitiwan mo na ako, nasasaktan na ako eh.!!" di pa rin siya natinag habang nagpupumiglas ako sa hawak niya.

"HOY DAVE PAOLO DELA TORRE!!!" Finally, tumigil din siya sa pagkaladkad sa akin pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin. Ooopsss. Agaw eksena na pala kami dito sa hallway.

"Pao, yung kamay ko."

"Kat, Sorry." humarap siya sa akin pero hindi niya pa rin ako binibitawan. Ramdam ko naman ang unti-unting pagluwag nang pagkakahawak niya sa kamay ko.

  Hinimas niya ang parteng hinawakan niya dahil namumula na ito. Nagmarka nga yung pagkakahawak niya sa akin kanina dahil sa sobrang higpit.

"Oh no. Ano bang ginawa ko. Sorry. I'm so sorry Kat." seryosong sabi niya sa kin. Ngayong mga oras na ito, ibang Paolo ang nasa harap ko. Hindi siya ang Paolo na apat na taon akong inaasar at kinukulit. Hindi ito ang Paolo na Captain ng Basketball Team. Ibang Paolo ito.

"Pao, stop it. Don't worry I'm Okay." tinigil niya ang paghimas sa kamay ko pero hindi pa rin niya ako binibitawan.

"Pare, malapit ng magstart yung game. We should go."

"Jake, may laban kayo ngayon?"

"Oo. Wala tayong klase ngayon. Kanina lang kinancel. Kaya ka nga namin hinahanap ee. Yayayain ka sana nitong si Paolo na manuod ng Game."

"Uy Pao. Yayayain mo daw ako?"

"Oo..Sana .."

"Oh, eh magsisimula na yung game ah. Wala pa rin akong naririnig na nagaaya sakin. Mukhang dun na naman ako sa Library maghapon ah. Sige una a ako. Good Luck na lang. Bye." Sabi ko. Akmang aalis na ako ng maalala kong hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Wait. Please don't go." tiningnan ko lang siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Nakayuko lang siya habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

Love Don't Cost a ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon