Nagising ako sa pamilyar na amoy na nagmumula sa teddy bear na yakap ko.
Hmmmmm. Ang sarap gumising sa umaga lalo na kung ganitong amoy ang bubungad sayo.
Amoy Paolo.
"Hmmm. Ang bango bango talaga ni Dave.. Mana Kay SioPao ko.." habang inaamoy amoy ko itong si Dave (Teddy bear)
"Ang ingay mo Kat.. Inaantok pa ko.."
"Ay sorry po.." naku. Mukhang d nakatulog ng maayos si Dave ah. Antok na antok pa.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Dave.
Teka..
Si Dave na teddy bear niyayakap ako?!
At.. Siya rin ba yung nagsalita?!!!
⊙_⊙
(-_•)
(•_-)
(•_•)"SIOPAO?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" madiin pero mahina kong sabi ng makita ko ang mala-anghel na mukha nitong bakulaw na SioPao na to.
"Katherine. Manahimik ka nga muna at inaantok pa talaga ako." sabi niya sabay subsob ng mukha ko sa dibdib niya.
At doon ko lang napansin na nakayakap din ako sa kanya.
Teka, bakit ba hindi ko na lang samantalahin ang mga ganitong moments namin? Lalo na't hindi ko alam kung anong mga susunod na mangyayari sa amin ni Paolo kapag nagpakita na ulit si Dylan.
Tama. I should spend every second of my life cherishing all our sweet moments hangga't meron pa.
Dahil sa mga planong gustong mangyari ni Dylan, baka ito na ang huling beses na mangyari to.
Niyakap ko rin ng mahigpit si SioPao at ipinikit ko ulit ang mga mata ko.
"Good Morning nga pala Katkat ko.." antok na sabi niya.
"Good Morning din SioPao ko.. Bakit hindi ka umuwi? "
"Tinatawag mo ako kagabi.. Kaya di ako makaalis.. Hanggang sa nakatulog na ako dito.. *yawn*"
"Ganon ba. Sorry." natatawa kong sabi. Naramdaman ko ang dahan dahan niyang paghaplos sa buhok ko.
"Bumangon na nga tayo. May practice pala kami ngayon para sa laban mamaya." sabi niya, dahilan para tumingala ako sa kanya.
"Talaga? Oh sige, mag-ready na tayo." nakangiting sagot ko sa kanya.
Sabay kaming bumangon at inayos ang kama ko. Lalabas na sana siya sa kwarto ko ng may bigla akong naalala.
"Huy! Teka lang. Baka gising na sila Daddy. Baka makita ka nila dyan!" pabulong kong sabi at agad naman niyang isinara ang pinto ng kwarto ko.
Dumungaw ako sa bintana kung saan matatanaw ang maliit na garden namin sa likod.
"Nasa garden sila Mama. Tara, ihahatid na kita dun sa harap ng bahay. Dali. Tara na." sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto.
Natatawa lang siya habang pababa kami ng hagdan habang ako eh kinakabahan sa pwedeng maging reaksyon nila Mommy. Huhu. Ngayon lang may natulog na lalaki sa kwarto ko.
"Oh ayan. Sige na. Umuwi ka na." sabi ko ng makarating na kaming dalawa sa gate.
"Teka, wala ba akong good morning kiss?" tanong niya habang naka nguso at hawak ang dalawang kamay ko.